Naka tulala ako at Hindi maka paniwalang pinag masdan ang mga nilalang na unti unting nawawalan ng buhay sa aking harapan.
Nabalot ng kadiliman ang paligid. Ang dati'y kulay asul at berdeng kapaligiran ay napuno ng naagnas na katawan ng mga halimaw. Ang mga nagliliyab na apoy na unti unting tinutupok ang mga naglalakihang gusali sa bayan.
Pinipintahan ng dugo ang buong paligid, Wala kang maririnig kundi ang sigaw at paghihinagpis ng karamihan.
Lahat ay nasasaktan at unti unting nawawalan ng hininga, walang sino man ang nais tumulong dahil lahat ay nasa parehong situwasiyon.
Walang luha ang gustong pumatak sa aking mga mata. Imbes na galit at kalungkutan ay saya ang aking nadama. "eris"
Pinilit nitong abutin ang aking katawan ngunit Hindi Na kaya ng kanyang mga bisig ang gumalaw sa kanyang kalagayan. Malakas na Bumulwak ang dugo sa kanyang bibig.
"eris, forgive me" ang dati'y walang emosyong nitong mukha ay nag mistulang parang dagat sa dami ng emosyon nitong pinapakita. Galit,kalungkutan ngunit mas nagunguna ang Pag sisisi.
Hindi ako umimik, walang salita ang nais na lumabas sa aking bibig. Pinagmasdan ko ang kanyang katawan na unti unti ng nagiging abo . ramdam na ramdam ko ang sakit base sa kanyang expression. Mapakla itong ngumiti at humiga sa aking tabi, kasama ng aking mga kasamahan na matagal ng binawian ng buhay. "We will all part together"
Milyon- milyong na bangkay ang naka palibot sa amin. Nag mistula itong bundok sa sobrang laki at dami napapalibutan din ng usok ang buong paligid. Wala akong Makita kundi ang itim na kalangitan.
Umalingawngaw ang baho ng malansang dugo sa buong lugar. Napaka baho, napaka dumi katulad ng unti unti kong Nabubulok na katawan.
Pinilit kong ibuka ang aking bibig upang sambitin ang mga katagang huli kong bibitawan sa mundong ito.
"team 7 are now signing Out"
YOU ARE READING
Wordly Demon
Fantasylahat ng mga tao sa mundo ay walang nagawa kundi ang Sumunod sa kanilang Nais. Pumapatay sila ng walang dahilan. Sinakop nila ang ating planeta at inangkin, wala tayong nagawa kundi ang lumuhod at mag maka awa na tayo'y huwag patayin. Maswerte ka n...