Chapter 03

4 0 0
                                    


Chapter 03: The Moroi Academy

Naka tayo ako sa Center Isle at pinagmamasdan ang mga kakaibang halimaw na estudyante sa daan,lahat sila ay may kanya kanyang mga grupo, nag bubulungan, nagkakasiyahan at nag lalaro. Ginagaya nila ang kilos ng mga tao. Pero kahit anong gawin nila halimaw parin sila at hindi maalis sa kanilang sistema ang pananabik sa karne ng tao.

Para akong isang tupa na itinapon sa kulungan ng mga mababangis na tigre. Sunod sunod akong napa lunok ng mapansin ko ang mga halimaw na tumingin sa aking gawi. Gumagalaw ang kanilang mga ilong, unti unti ring nagliliwanag ang kanilang mga mata. Naamoy nila ako.

Bahagya akong napa atras sa takot. Ang bilis bilis ng tibok ng aking puso. Nararamdaman ko ang unti unting pag patak ng aking mga pawis. Kinakabahan ako.

"huwag kang matakot, may proteksyon tayo rito kaya hindi nila tayo magagalaw" nagitla ako ng may biglang magsalita sa 'king gilid. Agad kong nilingon kung saan nang gagaling ang boses. "okay ka lang ba?" tanong ng isang balingkinitan na lalake.

Tumango ako at bahagyang ngumiti "ako pa pala si Sean, Ikaw?" inilahad ni Sean ang kanyang kamay upang makipag shake hands na akin din naman inabot. "Eris" tipid kong sagot. Ngumiti siya at ginulo gulo ang aking buhok. Nagulat ako sa kanyang ginawa kaya agad akong napa tulala.

"hala! Sorry hindi ko sinasadya, sanay kasi akong ginaganyan ang mga kapatid kong babae" paumanhin nito ng mapag tanto kung gaano ka bastos ang kanyang ginawa. Kaka kilala pa kasi naming. Pero wala lang naman iyon sa akin dahil niligtas nya rin naman ako sa aking sarili.

Ngumiti ako at umiling.. pulang pula ang kanyang mukha sa kahihiyan. Naalala ko tuloy si Jared. Kamusta na kaya siya? "Hmm, okay lang sanay narin naman ako"

"isa Karin ba sa mga napiling pumasok sa Paaralang ito?" tanong niya habang ini scan ang buong Paaralan, sinabayan ko rin siya sa kanyang ginagawa. Maraming klase ng halimaw ang naririto! Lahat sila ay nakaka panindig balahibo.

"oo" tipid kong sagot, patuloy parin ako sa pag kilatis at pag kakabisa ng bawat pasikot sikot ng buong lugar "pinilit kaba nila?" bulong ni Sean, agad akong natigilan sa kanyang tinanong, hindi ko alam kung ano ang aking isasagot. Unti unting bumalik ang mukha ni sister maria ng siya'y bumagsak sa malamig na semento at wala ng buhay. "hindi ah! Kusa akong nag pa registered dito. Ahahhaha gusto ko kasing maka salamuha ng ibang nilalang" tumatawa kong sagot. Nakita ko ang pag ka asiwa sa mukha ni Sean, mukhang hindi siya maka paniwala sa kanyang Narinig.

"akala ko iba ka" rinig kong bulong nito, hindi na ako sumagot dahil tumunog na ang bell na nagpapahiwatig kaylangan na naming tumungo sa assembly hall "sige alis na ako" naka ngiti kong paalam sa kanya at nag madaling tumakbo at tinungo ang daan patungo sa hall. Ng maka layo ay unti unting nawala ang pekeng ngiti na ipininta ko sa 'king mukha

"in order for you to survive. Don't tell them your secret as well as your weakness" kahit na kinamumuhian ko ang mga pulis ay kailangan ko paring sundin ang utos nila.

"in order for you to infiltrate them. Be their friends. Be friendly Eris"

Huminga ako ng malalim at hinay hinay na inalis ang namumuong kunot sa pagitan ng aking kilay, ngumiti ako at hinilamos ang aking kamay sa aking mukha.

"now then, let's Start"

Inilibot ko ang aking paningin hanggang sa masilayan ko ang isang babaeng black witch na nakayukong naka upo sa isang bench. Mahaba ang kulay itim nitong uniform, may pointed na sombrero rin ito na kagaya ng mga napanonood sa Television. Mahaba ang kulay itim nitong buhok at may malaki at makapal na salamin.

Dahan dahan akong nagtungo sa kanyang gawi "hi!" bati ko sa kanya, ngunit agad itong dumistansya sa akin "t-tao? Anong kaylangan mo sa akin?" nanginginig ito at hindi maka tingin sa akin ng diretso. Hawak nito ang isang makapal na libro.

Wordly DemonWhere stories live. Discover now