Chapter 05 : The witch
Nag pupumiglas ako at pilit na kumakawala sa malakas na kamay na humihila sa akin palabas ng canteen. Hindi ako maka hinga, unti unting sumisikip ang aking lalamunan dahil sa higpit na pag kaka sakal sa akin ng halimaw.
Ramdam na ramdam ko ang pag baon ng matulis na kuko sa aking leeg. Dahan dahang tumutulo ang malagkit na likido na nagmumula sa aking leeg. Nag pupumiglas ako at pilit na nilalabanan ang halimaw. at hanggang sa isang malakas na daing ang kumawala sa aking bibig. Ramdam na ramdam ko ang malakas na pag kakahampas ng aking katawan sa malaking puno.
Bumulwak ang dugo sa aking bibig. Mahapdi ang aking mata dahil sa patuloy na pag agos ng aking luha, ngunit kahit ganon ay sinikap ko paring pag masdan ang mapa ngahas na halimaw. Naka pinta ang isang ngisi sa kanyang mukha. Nasisiyahan itong pagmasdan ang kalunos lunos kong kalagayan.
"Vert" Tawag ko sa pangalan ng Bampira "hi there, meddling human" nakaka kilabot na saad nito, humaba ang pangil nito at sa isang iglap lang ay hawak hawak na niya ang aking leeg at naka lutang ang aking katawan sa ere.
"you should't have helped that Dog" nang gagalaiti sa galit na saad nito, kitang kita ko ang pag tiim bagang nito kasabay ng pag higpit ng kanyang kamay sa aking leeg.umubo ako at sinipa ang kanyang mukha, ngunit parang isang kagat lamang ng lamok iyon sa kanya at hindi lamang siya nasugatan o nasaktan.
"You Puny Human" nakita ko ang pag ka inis sa kanyang mukha at ang pag bola nito ng kanyang kamao. Susuntukin niya ako, hinanda kona ang aking sarili sa anumang sakit na aking mararamdaman.
malapit na ang kanyang kamao sa aking mukha ng may isang malakas na boses ang pumigil dito.
"Anong nangyayari dito?" pamilyar ang boses na iyon, boses iyon ng kulay asul na nilalang, ang Head master.
Nakita ko ang panic sa mukha ni vert,dali dali nitong pinakawalan ang aking katawan . "tsk" saad nito at nagmadaling tumakbo palayo sa akin. Kahit papa ano ay naka hinga ako ng maluwag.
Ilang sandali rin ay dumating ang halimaw na kulay asul at may apat na galamay at mata. Tumingin ito sa akin "okay kalang ba?" tanong nito. Tumango ako sa head master at napa igtad ng kaunti ng marahan nitong hinawakan ang aking leeg.
"let me help you" nag taka ako ng biglang mag bago ang boses nito at naging boses babae, sandali itong natigilan bago tumango sa akin "I'm sorry hindi ko intension ang gayahin ang headmaster, but this is the only way to save you" saad nito.
Unti unting nag bago ang kanyang anyo, naging kulay puti ang dati niyang kulay asul na balat at naging korteng tao rin ang kanyang katawan, ngunit ang aking mas na ikinagulat, ay ng masilayan ko ang pagmumukha ng witch sa aking harapan.
"ako nga pala si Cynthia" malumanay nitong saad, may hinugot itong isang manipis na stick sa kanyang bulsa at nagulat nalamang ako ng bigla niya itong itutuk sa aking leeg. Agad akong na alarma at dali daling gumapang papalayo sa kanya. Ngumiti ito at ikinumpas ang kanyang stick sa ere, naramdaman ko ang pag gaan ng aking katawan, lumutang ako. Namilog ang aking mga mata "a-anong ginagawa mo?" nauutal kong tanong, kinakabahan ako at baka kung anong gawin nito sa akin.
"huwag kang mag alala, hindi kita sasaktan" saad nito at dahan dahang inilapag ang aking katawan sa lupa. Itinutok ulit nito ang kanyang stick sa aking leeg at bumigkas ng mga unfamillar na salita "healdero" bulong nito at ikinumpas ang stick, nakaramdam ako ng kiliti sa aking leeg at maya maya rin ay wala na akong maramdamang sakit dito. Agad kong kinapa ang aking leeg at napa awang ang bibig ng wala manlang sugat akong maramdaman dito.
"isa iyong healing spell" huminto ito sandali at bumuntong hininga,"patawad nga pala sa aking inasal kanina" saad nito at bahagyang yumuko.
Sandali akong natahimik, humihingi siya ng paumanhin? Hindi ko alam,ngunit napa ngisi na lamang ako, wala ng sumasakit sa aking katawan at dahil iyon sa kaniya. Isang halimaw ang tumulong sa akin, ngunit isang halimaw rin naman ang nanakit sa akin.
"huwag kang mag alala, hindi naman ako nag tatanim ng sama ng loob" saad ko at ngumiti sa kanya, alanganin itong ginantihan ang aking ngiti. "paumanhin, gutom kana siguro may gusto kabang kainin" tanong nito sa akin, biglang pumasok sa aking isipan ang nakaka gimbal na ala-ala, agad akong napa hawak sa aking bibig. "okay ka lang ba?" tanong ni Cynthia sa akin, tumango ako at inayos ang aking sarli, hindi ako dapat mag pa dala sa aking takot. "oh eto, may dala akong sandwich" pinagmasdan ko ang inabot na sandwich sa akin ni Cynthia, nakita ko ang isang piraso ng loaf doon, biglang bumalik sa aking ala ala ang bunganga ng halimaw na punong puno ng karne ng tao tulad ng beaf loaf na ito.
Umiling ako at pilit na ngumiti sa kanya "hindi okay lang" saad ko
"huwag kang mag alala, hindi ako kumakain ng tao" sagot ni Cynthia na aking ikinagulat. Ngumiti ito sa akin, ngunit imbes na matuwa ay natakot ako sa kanya "piling tao lang ang aking kina kain" saad nito at ma aliwalas na ngumiti sa akin bago naglakad at nilagpasan ako.
"monster" bulong ko
"Eris" narinig ko ang aking pangalan na sinisigaw ng papa lapit na si Sean, may dala itong itim na plastic bag. "nag tungo ako sa garden ngunit wala kana roon, kung saan saan kita hinanap, nandito kalang pa" nag hahabol na hininga'ng saad ni sean.
"may dala akong dinuguan, mainit init pa ito, halika't kainin natin" naka ngiti nitong saad sabay angat ng itim na plastic.
Napa lunok ako at na ko konsensiyang pinag masdan ang mukha ni sean na halata ang pagod. "pasensiya na sean, nawalan na ako ng gana" saad ko
Nakita ko ang pag ka dismaya sa kanyang mukha, bumagsak din ang kanyang mga balikat "Ganoon ba?" malungkot nitong tanong.
Kinagat ko ang ibabang parte ng aking labi "pasensiya na Sean, hindi ako kumakain ng karne"
"vegetarian kaba Eris?" tanong ni sean sa akin, tumango ako "oo" pag sisinungaling ko. Pero palagay ko simula ngayon ay magiging katotohanan na ito,Hindi na ako makaka kain ng karne sa lahat ng aking nasaksihan.
*******
Napamura ako ng mahulog ang aking katawan sa mataas na puno ng Bayabas, pinasadahan ko ng masamang tingin ang walang hiyang lalaking nambato sa akin ng Apple,na dahilan upang mataranta ako at mahulog sa matigas na lupa.
"anong kai—"
"nais ko sanang umakyat ng ligaw sa iyo binibini, ngunit ngayo'y ikaw ay nasa baba at naka dapa, ibig bang sabihin niya'y Nahulog kana sa akin?"Naningkit ang aking mga matang pinag masdan ang batang lalake "ano?!"
"Eris"
Hinanap ko ang pinangagalingan ng boses hanggang sa Makita ko ang Naka yukong Zombie sa aking harapan.
"Anong ginagawa mo?" nangunot ang aking noo dahil sa sobrang lapit ng mukha namin ng Zombie na nag ngangalang Marcus. Dumistansya ito ng kaunti "kailangan mo nang mag tungo sa iyong dormitory, mag gagabi na" malamig nitong saad.
Napa tingin ako sa aming paligid, sa loob ng silid, wala ng mga halimaw ang naririto marahil ay tapos na ang oras ng klase. Sinulyapan ko ang bintana, tama nga siya't malapit nang lumubog ang haring araw.
Inayos ko ang aking sarili at tumayo, sinulyapan ko ng tingin si Marcus na naglalakad ngayon patungo sa pintuan. Mukhang naka idlip ako ng sandali sa klase, nagawa kong ibaba ang aking depensa sa isang classroom na puno ng mga halimaw.
Umiling ako at minura ang aking sarili, hindi ako dapat maging comfortable sa mga halimaw. I witnessed enough for today para mas lalo ko silang kamuhian, some may look vulnerable in the outside but deep inside they are still longing for human flesh.
Kinuyom ko ang aking kamao,I will hunt them all.
Lumabas ako ng silid paaralan ng may nag ngangalab na mga mata, ngunit ng ma-alala ko ang utos sa akin ng mga pulis, at ang ginawa nila sa aking pamilya, unti unting gumuhit ang isang pekeng ngiti sa aking labi.
Kahit ikababa man ito ng aking dignidad, kaylangan kong gawin para sa aking pamilya, for the humanity? I don't give a damn about them, ang ina alala ko ay ang pamilya ko, sa oras na hindi ako sumunod sa kanilang nais, tiyak na may mawawala na namang mahalagang tao sa aking buhay.
Yumuko ako at sa pag angat ng aking ulo, isang maamong mukha ang kanilang nasilayan. Nginitian ko ang mga halimaw na aking makakasalubong.
I will use them as my stepping stone.
YOU ARE READING
Wordly Demon
Fantasylahat ng mga tao sa mundo ay walang nagawa kundi ang Sumunod sa kanilang Nais. Pumapatay sila ng walang dahilan. Sinakop nila ang ating planeta at inangkin, wala tayong nagawa kundi ang lumuhod at mag maka awa na tayo'y huwag patayin. Maswerte ka n...