Chapter 02

3 0 0
                                    

Chapter 02: The Admission

Eris Point of View

inilapit na ng halimaw ang kanyang mga galamay at handa ng tunawin ang aking katawan. Naramdaman ko na ang pag init ng aking balat, hangang sa napa sigaw na lamang ako sa sobrang hapdi.

Namimilipit na ako sa sobrang sakit, feeling ko ay sinusunog nito ang buo kong kaluluwa, tumulo ang luha sa aking mga mata. Halos mapaos narin ako sa kasisigaw ng aking pag hihinagpis.

Nakita ko sa mata ng halimaw ang pagkatuwa sa kanyang nakikita. Ngumisi ako, alam kong gusto niyang nahihirapan ako, hindi ako tanga upang pagbigyan siya sa kanyang nais.

Nagsimula na akong tumawa "hahahhah, ang sakit! Ahahhahaha" habang tumatawa ay patuloy parin sa pag agos ang aking luha, mukha na akong tanga dito alam ko. Pero maski oras na ng aking kamatayan gusto kong matalino akong mamatay.

"baki't natutuwa kapang nahihirapan ka?" naguguluhang tanong ng halimaw, marunong din pala itong magsalita, mukhang may intelligence tong isang to "maybe because I'm just so great" papuri ko sa aking sarili, mas lalo namang hinigpitan ng halimaw ang kanyang pag kahawak sa aking katawan, unti unting bumulwak ang dugo sa aking bibig, umusok ang aking katawan, nararamdaman ko ang unti unting pagka tunaw ng aking balat, napaka sakit, gusto kong tuluyan na niya ako agad, pero magpapakita lamang ako ng kahinaan kung iyon ang aking gugustuhin.

Isa lamang siyang halimaw, wala itong karapatan na saktan ang isang tulad kong tao, na mas higit na matalino kesa sakanilang mga walang isip.

"tatawa kapa ba dyan sa kalagayan mong yan?" tanong nang halimaw,nakakatakot ang kanyang boses, nakaka panindig balahibo, pero wala na akong panahon na matakot ngayon dahil mamatay narin naman ako. Ngumisi ako dinuraan ang kanyang mukha na may kasamang dugo, nakita ko ang pag ka gulat sa kanyang mukha.

"ano? aaaaaaaaH!!" sigaw nito at agad akong binalibag, tumama sa pader ang aking katawan na nagdulot ng pagkabali ng aking buto, ngumisi akong tinignan ang halimaw na pilit pinapahiran ang kanyang mukha

Clean freak pala ang isang to. Nahihilo na ang aking paningin. Ito na ba ang aking katapusan? Mamatay na ba ako?

Nanlalabo na talaga ang aking paningin, wala narin akong marinig.unti unti ko nang sinasara ang aking mata, ng may maaninagan akong isang pigura ng taong naka yuko at pinag mamasdan ang aking katawan. Nakikita kong may binibigkas itong mga salita ngunit Hindi ko marinig. Naramdaman korin ang mahina nitong pag yugyog sa aking katawan. Pero Hindi kona kayang sumagot. masyado nang pagod ang aking katawan at kaluluwa.

.*********************

Nakaka binging katahimikan ang pumukaw sa mahimbing kong diwa,isang unfamiliar na sensation ang aking nararamdaman. Everything just feels so different and weird. Unti unti kong minulat ang mabibigat na talukap ng aking mata.

Hindi pa man nagiging maayos ang aking paningin ay isang boses ang nagsalita. "looks like youre awake" ani ng isang boses at dahil dito ay agad na alarma ang aking senses at na switch ang aking reflexes. I aangat ko sana ang aking nga braso upang dumipensa ngunit sa aking pagka dismaya at pagtataka ay hindi ko maigalaw ang aking mga kamay.

A-anong nangyayari?

"We don't really need to cuffed your hands, but we needed it to prevent you from escaping" saad ulit ng parehong boses. Naningkit ang aking mga mata na sinuri ang dalawang pigura ng tao sa aking harapan.

"sino kayo? Anong kailangan niyo sa akin" nagtitimpi sa galit ang aking boses, hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito, ang huli kong matandaan ay ang pagbalibag sa akin ng halimaw. Sino itong mga taong bumihag sa akin.

Wordly DemonWhere stories live. Discover now