Chapter 01

5 0 0
                                    



Chapter 01: The Beginning

Eris Point of View

"Maswerte ka na kung mabubuhay ka ng 60 years ng hindi nararanasan ang matatalim na pangil ng isang mabangis na halimaw na unti unting tatagos sa iyong laman,ang marinig ang nakakapanindig balahibong tunog ng iyong buto na unti unting nadudurog sa kamay ng isang katakot-takot na nilalang.

Ang marahang pagtulo ng pulang likido sa sahig.unti unti mong mararamdaman ang hapdi at sakit ng iyong katawan. Dugo ang iyong i-iiyak,dugo rin ang iyong idudura.pagmulat mo nalamang ng iyong mata magugulat ka sa eksenang iyong makikita, Ang iyong katawan ay pira pirasong nakaka kalat sa sahig."

"aaaaaaaH!"sabay sabay silang nagsigawan at parang asong bahag ang buntot na lumabas ng aking silid. Nakangisi akong pinagmasdan ang nanginginig nilang mga likod na papalayo sa akin. "heh, Children"

Sinuot ko ang aking kamay sa bulsa ng aking hoodie at bumuntot sa kanilang pag takbo,well naglalakad lang naman ako hindi na ako bata para sumabay pa sa kanilang pag iisip. Habang naglalakad ay pilmi ang tingin ko sa paligid upang masiguradong lahat ng mga bata ay nandirito. Lahat ng kanilang mukha ay pinipintahan ng makukulay na ngiti.

Kid will always be a kid, inspite lahat ng kanilang pinagdaanan nakukuha parin nilang ngumiti.tumigil ako sandali sa paglalakad at tinanaw ang kulay asul na kalangitan.

It's been 20 years since that horrible phenomenon happened. Everything changed after that, we human force to live our life cowering in fear. Hindi ko alam kung anong nangyari nung mga panahon na iyon,bata palang ako namulat na akong mamuhay ng may takot sa kanila.those man eating monster.

We are living under the same land as they are, sound outrageous but yes it is, they hunt as for food but we cannot do anything, as we are  powerless against them. But, since 20 years have passed.kahit papa ano ay napigilan narin ang kanilang kasakiman. The government managed to make some rules. Dahil sa taglay na talino ng sangkatauhan ay nakagawa ng paraan ang mga tao upang hindi kami ma agrabyado sa mundo. They establish a law na pinagbabawal nang kumain ng mga tao ang halimaw in a certain area. I don't know what kind of string they have pulled just to make that impossible request to happened. But thanks to them we are living our life now more comfortably.

Ngunit kahit meron ng ganitong law marami paring mga outcast at rogue monster ang hindi sumusunod dito, can't blame them, we look like a beef in a hotpot to them, so weak and vulnerable so easy to eat.

Habang nakatingala sa mapayapang kalangitan ay unti unting bumaba ang aking paningin patungo sa mga nag tataasang bakal na gusaling nakatayo sa masikip at mapolusiyong bahagi ng pangunahing bayan.

Iba't ibang mga halimaw ang makikitang naglalakad doon at nakikipag interaction sa kanilang kapwa, kapre,goblin,minotaur,chimera at iba pa. habang sa himpapawid ay iba'tibang halimaw na may kakayahang lumipad ang iyong makikita, harpy, sphinx, phoenix at Pegasus.hindi morin masasabing hindi ka mangha mangha ang malalaki at nagkikislapang spaceship ng mga Amanto sa himpapawid. Kung iisipin para lamang itong isang panaginip. Ang ganitong mga klaseng halimaw ay hindi kapani paniwala. Dati kathang isip lamang ang mga ito, ngunit ngayon ay abot kamay mo na lamang upang ikaw ay kanilang maging pananghalian.

"Eris Kakain na" natigilan ako sa aking pag iisip ng tawagin ni sister Maria ang aking pangalan "nandyan na po" sagot ko at nagmadaling nagtungo sa dining hall. Pagpasok ko ay naka linya ng naka upo ang mga bata sa kanilang puwesto.lahat ng kanilang mga mata ay naka tutok sa akin. Mukhang ako na lamang ang kanilang hinihintay. Ngumiti ako at nagtungo sa aking upuan.

"Arianna,please lead the prayer" saad ni sister Jerra, tumango si Arianna at nagsimulang manalangin. 15 years na akong naninirahan dito sa bahay ampunan, tatlo kaming mas nakakatanda rito sa mga bata, ako, si Arianna At Patrick although nauna nang umalis si kuya Patrick sa amin dahil sa pag katungtong mo ng 18 taon ay kaylangan mo nang umalis ng ampunan at buhayin ang iyong sarili.

Wordly DemonWhere stories live. Discover now