MASK2

7 0 0
                                    

Naglalakad ako sa hallway ng eskwelahan na pinag-aaralan ko. Wala kang ibang maririnig kundi ang mga usap-usapan ng mga estudyante..

Wala kang ibang makikita kung hindi ang mga simple, sosyal, tanga, maldita, at ordinaryong estudyanteng naglalakad, nagaasaran, nakikipagsagutan at nagbabangayan, nagyayakapan at kung ano-ano pa...

Madami akong eksenang nasisilayan. Sila kaya? May napapansin din ba sila? O talagang puro sarili lang ang iniisip nila?

Pumasok na ako at umupo sa upuan ko sa pinakadulo ng silid katabi ng bintana.

Pinakikiramdaman ang mga matang pasilip-silip sa kinalalagyan ko. Pinalalagpas ang mga bulungan patungkol sa akin.

"Hay.." nagbuntong hininga ako at tumingin na lamang sa bintana.

Nagumpisa na ang klase. Walang pumapansin at tumatawag sa pangalan ko. Ano pa bang aasahan ko?

Sa sitwasyon kong ito tanggap ko na kung bakit hindi man lang nila ako nararamdaman.. hay, parang isa lang akong hangin sa kanila..

"Ngayong alam niyo na ang nakakalungkot na sinapit ng inyong kaklase... may ipapakilala naman ako sa inyo" natuon ang pansin ko sa aming guro

"May bago kayong kaklase, itrato niyo sana siyang isang kapamilya, kapatid, at kaibigan.. okay, ipakilala mo na ang iyong sarili"

May biglang pumasok na isang lalaki sa aming silid at tumayo sa harapan nang may tipid na ngiti sa labi.

"Ako nga pala si Miguel Persona. Natutuwa akong maging kaklase nyo"

Tipid na pananalita niya. At biglang tumingin sa kinaroroonan ko. Napaiwas ako sa tingin niya, napakamisteryoso ng titig na ipinukol niya. Nakakapanindig balahibo, nakakakaba, at inaamin kong..

Nakakakilig.

"Thank you mr. Persona, pumili ka na lang ng iyong nais upuan" saad ng aming guro at nagpatuloy ng magturo

Napatingin akong muli sa kanya.. at napapitlag ako dahil, sa titig niya. Palapit siya ng palapit sa kinaroroonan ko, labis labis ang kaba ko nang maupo siya sa katabi kong silya at agad na ipinukol ang kanyang atensiyon sa unahan.

Napatitig ako sa kanya. Bakit parang nakakapagtaka ang ikinikilos niya? Bakit napakaraming emosyon sa malamlam niyang mga mata na nagtataglay nang mahabang pilikmata?

Bakit parang may nais sabihin ang mapula at manipis niyang labi?

Ang lakas ng epekto ng kanyang napaka among mukha. Kakaiba, hindi ko matanggal ang mga titig ko sa kanya. Ngunit hindi ko maiwasang itanong sa aking sarili kung bakit.. naninikip ang dibdib ko habang tinititigan ko siya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang sulok ng kanyang labi ng umangat. Ngumiti ba ang lalaking ito? Dali-dali kong iniwas ang tingin ko sa kanya at itinuon ang aking atensiyon sa aming guro na nagsasayang ng oras sa pagsasalita sa harapan.

Paano ba naman, ang atensiyon ng mga kababaihan ay napunta sa katabi ko. Nakikita ko ang mga mata nilang puno ng paghanga.

Nagdaan ang oras at dumating narin ang panahon kung saan ang tanghalian ay sumapit na.

"Okay, class dismiss"

Agad na nagtayuan ang aking mga kaklase at lumabas ng silid.

Ang tanging naiwan nalamang sa apat na sulok ng silid na ito ay ako... at siya.. si Miguel.

"Bakit nandito ka pa?"

Napatalon ako mula sa inuupuan ko nang marinig ko siyang magsalita.

Napaturo ako sa sarili ko. At nagtatakang tumingin sa kanya, labis naman ang kaba ko nang magtama ang aming mga mata.

"A.ako ba ang k.kausap mo?" Pagtatanong ko sa kanya.

Tumawa siya na parang wala nang kinabukasan at hinarap ako. Ang kaninang malumbay na mga mata ay napalitan nang kagalakan.

"Oo, sino pa ba sa tingin mo ang kausap ko?"

"A.ah, sorry. Nagtataka lang ako k.kasi. ano.. ah, kalimutan mo nalang. Pwede mo bang ulitin yung tanong mo kanina k.kasi.."

"Sabi ko; bakit naririto ka pa?"

"A.ah, narito pa ako dahil hindi ako nagugutom. Magpapalipas sana ako ng oras dito. Eh ikaw, bakit naririto ka pa?"

"Wala gusto ko lang na samahan ka." walang halong biro na sabi niya.

Namula naman bigla ang pisngi ko. Maaari ba iyon?

"Nakakagulat at may nakapansin sa akin. Ngunit natutuwa ako at magkakaroon ako ng kaibigan" may mapait na ngiting saad ko.

Kahit nais ko ng kalimutan ang lahat ay huli na.. hay.

"Natutuwa din ako" malungkot ang ngiting kanyang iginawad sa akin.

"Kanina pa tayo nag uusap pero hindi ko pa alam ang iyong pangalan. Pwede ko bang malaman?"

Talaga bang.. tuluyan na niyang nakali... di bale na nga lang...

"Lirah. Lirah Shane Krus, ang pangalan ko"

"Napakaganda ng iyong pangalan Shane" sabi niya nang may lungkot sa mga mata.

Natunaw ang puso ko sa kanyang sinabi. Bakit? May nararamdaman akong matagal ko nang hindi naramdaman.

Posible kayang?.. h.hindi, hindi maaari. Imposible ang bagay na iyon..

In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon