UNMASKED5

6 0 0
                                    

Iyak kami nang iyak na tila dinadamayan ang isa't-isa..

Lumapit si Miguel sa akin at itinayo ako na labis kong ikinagulat

"Paano mo ako.. nahahawakan?" Ngumiti sa akin si Miguel at hinila ako sa mga bisig niya at niyakap nang mahigpit

"Nung naglalakad ka palang kanina sa hallway. Nakita na kita. Kasi may third eye ako. Ang saya saya ko nung pumasok ka sa classroom niyo.  After 5 months matapos ang pagkamatay mo at pagluluksa ko nagpakita ka.. agad akong nagpatransfer sa room niyo kasi nga diba kami ang may ari ng eskwelahang iyon?"

Lalong humigpit ang mga yakap niya sa akin.. naguguluhan man ako sa mga pinagsasasabi niya ay nakinig ako at yumakap na rin. Nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Hanggang sa umupo ako sa tabi mo. Nakaharap ako pero ramdam na ramdam ko ang pagtitig mo. Kaya napangiti ako. Pinigilan ko ang bugso ng damdamin ko na yakapin ka dahil alam kong hindi kita mahahawakan. Hanggang sa nakausap kita. At pagkatapos ng ilang oras nang pagsisimula ng klase ay nararamdaman ko ang mga sulyap mo sa akin kahit na nakatingin ako sa harapan. Napapangiti ako tuwing susulyap ka.. pero nagulat nalang ako dahil pagkatapos na pagkatapos nang klase ay tumakbo ka palabas... ulit, kaya kinabahan ako nung mga oras na iyon. At hinabol kita. Kaya lang huli na nang mapagtanto kong walang mangyayaring masama sayo kasi multo ka nalang pala.. pero kahit na ganun yung nangyari sa akin napakasaya ko parin dahil makakasama ko na ang babaeng labis labis kong minamahal. Shane.. hindi pa huli ang lahat"

Pagpapaliwanag niya.. tumahan na ako.. hindi na rin siya umiiyak.. sa halip ay nakangiti siya habang nakayakap sa akin. Humiwalay ako sa pagkakayakap at tiningnan siya.

"Anong sinasabi mong makakasama mo na ako?"

May pagtataka kong tanong sa kanya

"Hahahahaha! Sinabi ko bang ikaw ang makakasama ko?"Nang aasar na sabi niya

"Ano?! Hmp! Wala ka paring pinagbago PERSONA! nakakainis ka talaga kahit kailan! Puro ka kalokohan" inis na sabi ko sa kanya at tinalikuran siya at lumabas ng eskinita

Narinig ko pa ang mahinang tawa niya habang naglalakad ako paalis. At talagang nagawa pa niyang tumawa ha? Hindi pa niya ako sinundan. Ugh the nerve!Bahala nga siya diyan

Lumabas na ako nang eskinita at madali naman akong napahinto dahil nakakita ako ng kumpulan ng tao sa di kalayuan at may isang ambulansya.

Nagtaka naman ako kaya dali-dali akong lumusot sa mga tao at dahil ako ay multo na lamang madali naman akong napasingit.

Natigilan ako sa nakita ko. Ang daming dugo sa semento.. may mga pulis at may isang lalaking inilagay sa stretcher ng ambulansya..

Nanlaki ang mga mata ko.. siya ba yun?.. siya ba talaga iyon?

Paano? Pero bakit?

Paano nangyari sa kanya ito? Dahil ba sa paghabol niya saakin kanina? Kaya ba sinabi niyang masaya siyang magkakasama na sila ng mahal niya?

Dahil ba nasagasaan din siya? Dahil ba namatay din siya?

"Oh ano MAHAL KO, okay ba?" Tanong niya sakin na ikinabigla ko dahil nasa gilid ko na siya

Inakbayan niya ako habang tumitingin kaming dalawa sa walang buhay niyang katawan na ipinapasok sa ambulansya.

"A.anong nangyari sayo? B.bakit?"nagulantang kong tanong

Natataranta na ako..

"Hindi ka ba masaya? Magsasama na tayo!" Masiglang sabi niya

"M.masaya? Sinabi mo bang m.masaya Ha? A.ako MASAYA? Sa tingin mo ba masaya akong makita na PATAY KA NA? at ang malala dahil pa sakin!" Dahil sa inis ko pinagpapalo ko siya

"Aw-teka naman.. aw tama na okay?! Sandali lang naman" hinuli niya ang kamay ko at nagpaliwanag

"Ano man ang nangyari wala kang kasalanan at isa pa okay lang naman sakin. Sa totoo niyan mas okay pa nga ang nangyari dahil makakasama ko na ang babaeng minahal, minamahal at mamahalin ko. Ayaw mo iyon? 'Pag naging kaluluwa na rin ang mga bitter, tayo ang magpapatunay sa kanila na kahit multo may forever!haha"

"Haha! Oo na Miguel Persona! May FOREVER na tayong dalawa. May forever ka na kasama ni Lirah Shane Krus. Pati nga apelyido natin meant to be eh! Magagalit pa ba ako? Haha!"

Pagkatapos nun masaya kaming naglakad papunta sa kung saan man kami mapadpad basta magkasama kaming dalawa kontento na kami. Now I realize that..

Our Death is a Blessing IN DISGUISE...

In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon