August 10, 2018"Ate Dangdanggggg!" excited kong sigaw habang papalapit ako sa isang mid-30s na babae pero mukhang bente singko palang.
"Scarlittttttt!" matigas niyang pagbigkas sa pangalan ko. E sa yun madalas tawag ng mga tao samin sakin e.
We hugged each other as if hindi kami nagkita for five years. Well in fact, umalis lang naman siya sa lugar namin noong May.
Nakakausap ko naman siya sa phone. Pero iba kasi talaga kapag nakita mo na ulit yung taong nagpapatawa sayo na dahilan para lumabas nang buong-buo yung mg regla mo. Diba?
She's my ate-kapitbahay-malayong kamag-anak, Dania, 36 but lookin' 25. Masayahin kasi ganon. Parang walang problema sa life kahit na sa totoo, kaya siya umalis samin kasi naghiwalay sila nung lasinggero niyang walang kuwentang asawa.
May apat siyang anak pero never kong napansin ang pagka-losyang niya. Dati kasi siyang tumutulong sa amin noon lalo na kapag madaming labahan, may handaan, linis buong bahay, mga ganon. Kaya close ko to e.
At yun. Since Friday naman ngayon, nagpaalam ako kay Mama na magsstay dito para bukas. Tapos uuwi ako Sunday ng umaga.
Nung una di ako pinayagan e kasi nga malayo hayssss. 3 hours ang travel through bus. Walang traffic yan ha.
Bale. Let's say nasa mas mataas na lebel ng lugar ako ngayon. Kung sa amin, probinsiyana ako. Dito, city city, subdi-subdivision ganon. Hay basta yon.
"Ate Dang ha, di ka nagsasabi, laki-laki na pala ng bahay mo," sambit ko while wandering sa mansion na nasa harap ko ngayon.
"Aba syempre naman. Kung gusto mo, dito ka na titira kapag kolehiyo ka na. Diba dito ka mag-aaral?" seryoso din niyang sabi.
Tumango-tango naman ako habang nakahawak sa baba ko. Oo nga naman. Pwede. Why not? Pero kasi...
"Great idea, Ate. Pero siraulo ka rin Ate e noh. Di yata pwedeng tumira ako dito sa bahay ng amo mo, noh?" sabi ko sabay sintido sa kanyang noo.
"Sinakyan ko lang trip mo gaga," sabi niya sabay batok sakin.
She welcomed me in "her" huge house at sa loob ay tumambad sa aking ang sala, malamang. Napakalaking television.amahaling kurtina. Makakapal na picture frames, malalambot na sofa, mini glass tables and everything.
Nako, yayaming yayamanin. Isang araw din akong maninilbihan dito sa bahay na to ah hahaha.
Buti nalang talaga sobraaaaaang bait daw ng amo ni Ate Dang at pinayagan siyang magdala ng bisita dito. Pero syempre I'll not act like a bisita naman. Dapat tumulong din ako hahaha. Di naman ako bisita ng amo e nuba.
"Dai, tara muna sa kuwarto ko bago ka maglibot. Tara!"
She led me to her room, na maluwang din. Nako. Mukha ngang hindi pang-others others lang ang maid's room ha. Bale tatlong rooms din para sa mga katulong ang nandito sa underground part something ng bahay.
Sabi ni Ate Dangdang, apat daw sila. Pero yung iba sa ibang araw naka-schedule. Siya ang madalas na nandito kasi wala naman siyang ibang pupuntahan. Tuwing Linggo nalang siya umuuwi sa mga anak niya sa kabilang municipality pero dahil nga mabait ang amo niya, dito natutulog yung mga anak niya minsan.
YOU ARE READING
Euphony: Her Voice
General Fiction*** Having a trustworthy friend for a long time is such a blessing. But seeing him change for the worse is a curse. *** The best part of my life is when I loved the girl who changed me for the better. The worst part is seeing her love another. *** ...