Chapter 1:

623 22 0
                                    

Sav's POV

"WHERE THE FUCK IS CALEB?!?!?!" galit na sigaw ni Cross nang mapagtantong wala na naman.

Ang batang yun talaga. Mamaya nyan mag-away na naman ang mga to.

"Cross. Wag mo nga akong sinisigawan. Malamang. Kapag wala sa kwarto, syempre lumabas" pamimilosopo ko sa kanya

Agad naman akong nakatanggap ng matiim na masamang tingin sa kanya na ikinabuntong hininga ko nalang.

"Cross. Hindi na bata si Caleb. Disiotso anyos na ang anak mo. Hindi na sya bata na dapat kinukulong sa bahay. " sagot ko nalang sa kanya

Imbes na sagutin ako kinapkap nya ang bulsa nya at inilabas ang cellphone sabay talikod sa akin.

"where are you???....... How many times do I have to tell not to go there!! Who's with you???........... Umuwi na kayo! Don't wait for me to fetch you! Or else--"

Hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Cross nang bigla kong hablutin ang cellphone sa kanya.

Akma sanang aagawin ni Cross ang hinablot kong phone nang samahan ko sya ng tingin kaya naman napatigil ito at napatingin nalang sa akin.

"Caleb." banggit ko sa pangalan

(Mom?) sagot nito.

"get back here as soon as possible. Kasi tong saltik mong tatay nababaliw na naman." sabi ko sa kanya pero pabulong lang yung pangalawang sinabi ko sa kanya. Baka mas lalong mabaliw tong lokong asawa ko pag narinig ang sinabi ko

(Yes Mom!) sagot nito sa akin

"You are with??" tanong ko

(Tyron, Zian, France... Anong France??? Its Lloyd! Not France!.... Shut up! Kausap ko si Mom!... Hi Tita!! Lloyd here!!)

"Hahaha. Caleb uwi na kayo mamaya ah! Wag masyadong magpagabi! Before mag-umaga, siguraduhin nyong makakauwi na kayo! Siguradong nag-aalala na din mga Tita at Tito mo." paalala ko bago ko sya babaan.

Pagkababa ko ay mabilis akong lumapit kay Cross at binack hug sya.

"don't worry to much. Like I said. Caleb is not a kid anymore. Alalahanin mo din na anak sya ng isang Pureblood at ng natitirang Royal Blood. Okay?" paalala ko sa kanya.

He worries to much. But what can I do? Natrauma na siguro sa dami ng problemang nangyari 25 years ago. Akalain mo yun. Parang noon lang 16 years old ako. Tapos ngayon 41 uears old na ako. Kami pala.

Napaharap naman ito at napatingin ng taimtim sa mga mata ko. Unti-unti naman nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko na akmang hahalikan ako.

"SAVIA---" napahiwalay naman kami bigla dahil sa lintek na istorbong dumating.

"WAAAAAH!!!! SPG!!!" biglang sigaw ni Ayumi at tinakpan-takpan pa ang mga mata

Napasama nalang ako ng tingin sa kanya habang si Cross naman napaismid nalang.

The Night we Met: Hunters BornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon