Chapter 6:

332 21 6
                                    

Cross's POV

"PROBLEMA NA NGA NATIN ANG DAMPHIR! DUMAGDAG PA ANG NGA PANGAHAS NA MGA HUNTERS!!!" gigil na gigil na sigaw ni Mama

Napayuko nalang ako habang pinapanood si Mama na nangangalaiti sa galit. Naipaliwanag na lahat ni Clint ang lahat ng nangyari sa kanila sa mundo ng mga tao.

At Nandito pa rin kami sa labas ng operating room habang hinihintay matapos ang operasyon ni Clea. Pero eto si mama. Gigil na gigil na kulang nalang papatay na to ng tao sa sobrang galit.

"Ma?? Nabanggit mo ang tungkol sa Damphir?? Bakit??" naguguluhang tanong ni Eva na halatang-halata sa mga mata nito na kagagaling lang sa pag-iyak.

Napansin ko naman panginginig ng kamay ni Sav dahil sa takot na kasalukuyan nasa tabi ko. Kaya palihim ko itong hinawakan sa kamay. Napatingin naman ito sa akin at nginitian ko naman sya para naman mawala kahit kaunti ang takot at kaba nito.

"The Danphir is about to come!" galit na sagot ni mama na may panginginig sa boses nito

Napatingin naman sa amin si Eva na halata sa mga mata nya na nagtatanong kung si nagdadalang tao si Sav.

Pero dahil wala sa katinuan para sumagot si Sav ay ako na mismo ang sumagot kay Eva.

"Yes. Sav is pregnant. But she's not carrying the Damphir. That's what Ezrah said." deretsahang sagot ko na ikinakunot ng noo ni Eva.

"How come?! It's Grant's wife then??" naguguluhang tanong ni Eva

"okay sana kung si Alyssa nga. Pero hindi sya buntis eh. Kaya wala ni isa sa kanila ang nagdadala sa Damphir." si Trinity na mismo ang sumagot sa tanong ni Eva na ikinataka nito.

"wag ka nang magtaka Eva. Tama ka ng iniisip. Nasa mundo ng mga tao ang hayop na Damphir na yan." sunod naman na sagot ni Celes kay Eva. Hindi halata sa boses nito na nangangalaiti ito sa galit. Pero ramdam ko ang presensya nito na halos isumpa nya na ang isisilang na Damphir

"This can't be. Una ang Damphir. Ngayon naman ang mga pabgahas na Vampire Hunters." umiiling na sambit ni Tita Grace

"huwag nyong sabihing, panibagong kalaban at sakuna na naman ito. Ayoko nang mangyari pa ang nangyari noon. Ayokong mapahamak na naman ang anak ko." nag-aalala na may halong takot na sambit ni Mommy, mama ni Sav.

Napatingin naman si Sav dito na kita sa mga nata nito na maiiyak na sa sobrang takot.

"wala tayong magagawa sa mga mangyayari Elviah. Hindi natin hawak ang hinaharap." sagot naman ni Tita Grace dito

"alam nyo! Kesa magsentihan tayo dito! Dapat nga ngayon palang hinahanap na natin ang lintek na Damphir na yan! Damphir yan! Paniguradong malakas yan! At paniguradong mapapakinabangan natin ang angking lakas nyan para matalo kung sino man ang ang mga kalaban natin!" bulyaw ni Ivan sa amin

The Night we Met: Hunters BornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon