EPISODE 32
Jiang Chen's POV
Kitang-kita ko sa mga mata ni Xiao xi ang pagkagiliw niya sa mga bata lalo na ngayong nagdadalantao si Jing xiao.
Hindi ko masabi sa kanya ang totoo na maski ako man, pangarap kong maging ama. Gusto kong maramdaman kung paano magpalaki ng anak at paano ituring na isang ama. Sa tuwing naiisip ko 'yun, bumibilis ang tibok ng puso ko. Siguro, dahil ayoko mang aminin, ang mumunting alaala ko kay papa, hindi man masaya lahat, at kahit maikli ay nasa puso at isip ko lang.
Kaya gusto kong ibigay lahat ng atensiyon ko sa mga anak namin ni Xiao xi, balang-araw.Alam ko, naiinis siya sa akin dahil hindi ko sineseryoso ang pagpaparinig niya.
At nang gabing 'yun na napagdisketahan kong mag-google ng baby chinese names, nalaman kong naroon siya dahil kita sa screen ang kanyang reflection.
Hindi ko mapigilan ang pagbilis nang tibok ng puso ko. Nahuli niya akong naghahanap ng baby names. Kaya para hindi kabawasan sa kayabangan ko, sinabi ko na lang na nagpapatulong si Lu Yang.
Gustung-gusto ko talaga kapag nagmamaktol siya. Ilang minuto pa bago ko napagpasyahang pumasok sa kuwarto. Nakatagilid lang siya mula sa puwesto ko. Nagkukunwarian akong natutulog sa pamamagitan ng paghilik. Naramdaman ko ang pag-ikot niya at pagbulong-bulong."Bakit ang gwapo mo, Jiang Chen?" Bakit? Kung hindi ba ako guwapo, hindi mo talaga ako magugustuhan?
Nais ko sanang itanong ngunit binara ko na lang siya.
Kinukulit niya talaga ako patungkol dun.
Gusto ko sanang aminin sa kanya na excited ako sakaling magbuntis siya.
Aalagaan ko siya at ang magiging anak namin.Mamahalin kita, Xiao xi. Pangako 'yan. Hindi mo nga lang naririnig mula sa akin dahil hindi naman ako showy na tao subalit inibig mo pa rin ang isang tulad ko.
Salamat sa pagtitiis mo sa akin dati. Sa paghahabol mo, kung hindi mo ginawa iyon, hindi ko malalaman na marunong palang tumibok ang puso ko.
Napakapalad mo, Xiao xi. Kahit kailan, walang nakapasok sa puso ko kundi ikaw lang."Uy, masyadong mahigpit ang yakap mo... " reklamo pa niya matapos kong patahimikin.
"Matulog na tayo. Alam ko, kinikilig ka kaya lubusin mo na."
"Ang yabang mo!"
"Alam ko."
"Kinaguwapo mo 'yan?"
"Uo."
"Jiang Chen?"
"Bakit?" pagod kong tanong. Antuk na antok na talaga ako.
"I love you... "
"Matulog na tayo."
"I love you too mo muna!"
"Too... "
"Ang ikli naman niyan! Nasaan na 'yung I love you?"
Inihiwalay ko siya sa akin at hinaplos ang kanyang pisngi. Kahit mag-asawa na kami, kapag ganitong bigla ko na lang siyang tinititigan at nginingitian, in deep shock pa rin siya.Hinalikan ko siya sa mga labi. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima.
"Bakit lima?" kumurap-kurap pa siya dahil sa ginawa ko.
"Hindi ko sasabihin."
"A, bakit nga limang halik?".
.
.
"I love you too, baby." Kuminang ang mga mata niya dahil kinilig na naman siya pagkarinig sa salitang 'baby' na pinaka-no. 1 endearment na pangarap niyang itawag ko sa kanya. Hay, Xiao xi.
BINABASA MO ANG
A LOVE SO BEAUTIFUL Tagalog FANFIC 1 OUT OF 3 SEASON 2 [ON-GOING]
RomanceThis is the 1st FANFIC pakihanap sa China ang dalawang kasunod jk. Dito lang para maconnect the dot ninyu. K? Basa na! Jaiyou! Can't get enough of ALSB drama Syndrome? Here's what you've been waiting for! Mula sa aking puso, hope you enjoy reading t...