JIANG CHEN'S POINT OF VIEW

680 12 0
                                    

FIRST PART

Siguro, isa talaga akong tao na pusong-bato kung titingnan mula sa malayo, malapitan at saan mang anggulo. At aaminin kong totoo 'yun. Na suplado ako.

Lalo na sa anak ng kapitbahay na si Xiao xi. Hindi ko alam kung paanong napansin ko na lang na sunod ito nang sunod sa akin. Binibilhan ako ng pagkain, buns sa umaga. Sinasabayang mag-bike kahit ang ginagawa lang naman nito ay mag-ingay tungkol sa kung anu-ano.

Naaawa ba ito sa akin dahil sa mag-isa lang ako most of the time? Ni minsan lang dumalaw si mama at ang kapatid ko. Sa isiping 'yun ay naiinis ako. Ayoko sa lahat 'yung kinaaawaan ako. Hindi ko kailangan ang ganoong pakiramdam.

Gusto kong patigilin na siya sa pagsulput-sulpot sa harapan ko.
Gusto ko mag-isa dahil kaya ko naman lahat kahit na noong bata pa lang ako.

Pero mas lumala yata ang pagka-obssess ni Xiao xi sa akin. Gusto kong sabihin sa kanya na wala itong mapapala sa akin.
Hindi ko kailangan ang pagkagusto niya sa akin dahil lang sa guwapo ako o matalino. Napakababaw na dahilan nun para sa akin.

Mayroon ba siyang pagkakaiba sa mga babaeng nagbibigay sa akin ng loveletters? O mukha ko lang ang habol nila at hindi ang totoong ako.

Gusto kita, Jiang Chen...
Love letter, Jiang Chen...
Happy New Year, Jiang Chen...

"... maaari mo ba akong mahalin Jiang Chen? Kahit kaibigan man lang o bilang matagal na na kapitbahay? Classmate? Wala ba roon kahit konti, Jiang Chen?"

 maaari mo ba akong mahalin Jiang Chen? Kahit kaibigan man lang o bilang matagal na na kapitbahay? Classmate? Wala ba roon kahit konti, Jiang Chen?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Unang beses na parang may nasaling sa kalooban ko nang itanong iyon ni Xiao xi sa akin habang umiiyak... at wala akong masabi at naisagot.

Ngumiti lang ito nang huling beses, tumangu-tango at saka nagbike pauwi nang hindi na nakabuntot sa akin.

Ano bang ibig nitong sabihin?

Sa sumunod na mga araw dahil nga sa madalas na ginagawa nito, alam kong tuwing umaga ay lalabas na ito ng compound's gate bago pa man ako makasakay ng bike pero ang narinig ko lang ay ang tila pagsara ng gate na parang may taong lumabas pero bumalik sa loob. Si Xiao xi ba 'yun?
Kung ganun, bakit hindi siya tuluyang lumabas? Binalewala ko na lang 'yun.

Exams. Napagalitan ito dahil konti ang nakuhang scores.
Pansin ko lang na hindi na ito lumalapit o tinatapunan ako ng tingin.

Nangangati ang ulo kong malaman kung bakit?

Sa huli naming pag-uusap, umiiyak lang naman ito.

"...maaari mo ba akong mahalin, Jiang Chen?"

Xiao xi, sa paanong paraan ko gagawin 'yun nang hindi ko masasaktan ang kalooban mo dahil sa hindi ako sigurado o hindi alam paano pahalagahan ang pagmamahal ng isang tao?
Hindi mo ba naiisip na unfair din 'yun para sa akin?

Bakit imbes na ako ang lumayo dahil hindi ako sanay na may naglalakas-loob na gustuhin ako ay ikaw ang gumagawa nun?

Umuwi ako ng bahay na may kaonting sinat.

Nakatulog ako nang hindi sinasadya.
Sa panaginip ko, inaalagaan ako ni mama na parang tulad sa nakababata kong kapatid.

"Ma... ma..."

Pagdilat ng mga mata ko ay may kumot na na nakapalibot sa aking katawan.

Nalaman ko na lang kinabukasan na si Xiao xi ang gumawa nun para sa akin.

Ganun niya ba talaga kagusto ang isang tulad ko?

Kahit inilalayo ko siya sa akin dahil masasaktan lang ito...

Xiao xi, nais mo akong abutin ngunit hindi ko alam paano pag-aralan ang damdaming inihahayag mo sa akin.

Paano, Xiao xi?

A LOVE SO BEAUTIFUL Tagalog  FANFIC 1 OUT OF 3 SEASON 2 [ON-GOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon