XIAO XI X JIANG CHEN NOTES

711 9 2
                                    

XIAO XI

Sa totoo lang, hindi ko alam bakit ko siya nagustuhan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa totoo lang, hindi ko alam bakit ko siya nagustuhan.
No'ng umpisa hindi ko napigilan ang sarili kong maawa sa kanya.
Ngunit siya ang tipo ng tao na ayaw na kinaaawaan. Ipinapakita niya sa akin na malakas siya. Na hindi niya ako kailangan o kung sinuman.
Kaya niya ang lahat.
Kaya niya ang kalungkutan na pilit niyang ikinukubli.
Ngunit kahit mahina ang utak ko, ramdam ko 'yon.
Sa tingin ko, doon 'yon nag-umpisa.
Sapagkat masayahin akong tao, dumidikit ako sa kanya. Kinukulit ko siya sa abot ng aking makakaya.
Dahil kung hindi ko gagawin 'yon ay siguradong may katamlayan ang bawat araw niya.

Ang palaging ginagawa ko na yun ay nauwi sa pagkagusto at pagmamahal ko sa kanya. Kay Jiang Chen.
Nagising na lang ako isang araw na ultimo kapag nananalamin ako, mukha niya na ang nakikita ko, at ang tibok ng puso ko kahit na sa malayo ko siya tinitingnan, parang tinakbo ko ang Great wall of China.
Ewan, engot talaga ako kasi kahit sinisiringan niya lang ako at hindi kinikibo, kinikilig ako.
Kasi, ako lang naman ang ginagawan niya ng ganun. Hindi ba ang engot.
Kaya nga, nilakasan ko na ang loob ko na sabihin sa kanya na gusto ko siya. Mukha lang makapal ang mukha ko nang oras na iyon pero nanginginig ultimo ang atay ko lalo na nang tingnan niya ako.
Ngunit ang sinabi niya. Hindi niya ako gusto.
Ngunit malakas ang fighting spirit ko. Iniisip ko kasi na kapag naging kami, ako na ang mag-aalaga sa kanya. Parang nanay na cute ang peg. Pupunan ko ang pangungulila niya.
Ginawa ko lahat, ibigin niya lang ako kahit na nasasaktan ako, hindi ko yun ipinapakita. Ang sabi ko hindi ko susukuan ang isang Jiang Chen na pusong yelo. Fight lang...
Akala ko hindi ako mauubusan ng pasensiya at kailanman hindi iiyak sa pag-ibig na hindi niya kayang ibigay sa akin sa umpisa pa lang ng laban ko.
Ngunit sumusuko din pala ang puso...
Dumestansiya ako sa kanya. Nahihiya na kasi ako sa pinagagagawa ko.
Sa tuwing nariyan siya iniiba ko ang landas ko. Ni ayoko na siyang tingnan. Nalulungkot lang ako. Nagmomove on kahit hindi naman kami.
Ibabaling ko na sana sa iba ang paningin ko. Sabi nga ni Jingjing bakit hindi si Bo Song?
Mabait naman ito kumpara kay Jiang Chen na binabara lang ako.
Pero naiiyak na lang talaga ako e, dahil hindi ko na maialis si Jiang Chen sa sistema ko. Tumatak na siya sa braincells ko.
Nakakaengot talaga ang pagmamahal.
Nakakaengot ang pagtingin ko sa'yo, Jiang Chen.
*******
Jiang Chen
*******
-

Hindi ko alam kung bakit siya bumubuntot sa akin,Para siyang aso na puno ng hangin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko alam kung bakit siya bumubuntot sa akin,
Para siyang aso na puno ng hangin.
Hangin dahil sa malakas ang loob niya,
Ilang beses ko na siyang itinaboy, ngunit wala pa rin.
Parang bubble gum na dumidikit sa buhok ko.
Sa umpisa, balewala lang siya sa akin.
At sa paningin ko ay isa lang kapitbahay na makulit, isip-bata at puro pagka-crush lang ang alam.
Naitanong ko tuloy, hindi ba siya nauumay sa kakahabol sa akin?
Ako na sing-tigas ng semento at hindi alam ang salitang matamis at pag-ibig.
Ganun kasi akong tao e,
Siguro, 'yon ay dahil may mga taon na dumaan na mag-isa kong nilalabanan ang mga bagay-bagay.
Pagkagising ko pa lang sa umaga, isang 'magandang umaga' na ang naipadala niya.
At sa tuwing nagbibiseklita naman ako ay nakasunod lang siya. Malapad ang ngiti.
At umaasang susuklian ko rin ito ng ganoong awra.
Sa umpisa, lahat ng ginagawa niya ... Tila hangin para sa akin.
Alam ko na gusto niya ako, bulag na lang ang hindi makakakita nun.
Iniisip ko kung paanong siya pinag-aaksayahan ang tulad ko.
Akala ko, ang ginagawa kong pagtulak sa kanya ay natural lang para sa akin.
Hindi ko alam na nakakasakit na pala ako ng damdamin.
Sinabi niya na hindi niya na ako hahabulin.
Tuwing umaga ay wala ng Xiao Xi na bumabati.
Wala ng maingay na nakabuntot.
Panay ang iwas niya sa akin.
Ano bang kasalanan ko?
Sumobra ba ako?
Mayabang?
Dahil sabi niya mayabang ako porke't gusto niya ako.
Hindi ko alam bakit sa isang iglap, kahit ayoko... Natakot ako.
Sa isiping tulad ni papa, may isang taong maglalaho at wala ng pakialam sa presensiya ko.
Kaya pinilit kong isipin kung paano ko, mapapabalik ang pagtingin ni Xiao Xi sa akin.
Ngayon ko lang natanto, na matagal ko na pala siyang gusto. Hindi ko lang maamin dahil sa duwag ko.
Na bawat araw, hinihintay ko pala ang bawat totoong ngiti niya para sa akin.
Ang ngiting hindi niya maibigay sa iba kundi sa akin lang.

XIAO XI

Ano ba naman,
Kung saan handa na akong pakawalan si Jiang Chen
Kahit na hindi ko naman siya naging pag-aari.
Hindi ko talaga siya mabasa e,
Noong nilayuan ko siya at ipinakitang galit ako, saka naman siya ngayon nagpapakita ng pagpapahalaga sa akin
Hindi ko alam paano niya nakabisa ang audition piece ko,
Hindi kaya noong time na 'yun nakikinig siya sa engot na pagkanta ko sa stage o kaya naman,
Nakita niya talaga ako habang nagmamakaawa sa mga hurado?
Ano ba talagang nasa isip mo Jiang Chen?
Ano bang nasa puso mo? Hindi ko alam kung ano ang role ko sa buhay mo.
Kaibigan ba, aso, kapitbahay...
Huwag mo naman na ako paasahin sa mga actions mo.
Ngayon ko lang kasi natanto na masakit ang pakiramdam na yun
Hindi mo alam kung may mahihintay ka ba talaga o kailangan mo na tumigil.
Ano ba ako sa'yo, Jiang Chen?

****
-
******
Jiang Chen
******
Hindi ko alam bakit parang napupuwersa ako na hindi na paamuhin siya,
Bakit ko ba ito ginagawa?
Dahil ba ayokong nakikita siyang nakabusangot at nakaangkas sa iba?
Bakit naiisip ko ang mga bagay na yun.
Na ang tao pala, maaaring tumigil sa paghabol at pagpapakita ng interes.
Kaya naman, ang naisip kong bagay na gagawin ko ay tugtugan siya.
Noon pa niya ako kinukulit na ipagpiano siya.
Hindi ko alam bakit ako natatawa nung araw na nakita ko siya na parang sira na kumakanta sa stage
Ang lakas talaga ng loob niya kahit wala naman talaga siyang talent kundi magmake up ng wala sa huwisyo.
Sana, ayos na itong ginagawa ko.
Ito raw ang tinatawag na effort.
Xiao xi, hindi ko ito kailanman ginagawa sa iba.
Ikaw pa lang ang nakapagpagawa sa akin nang ganito.
Ang nagpapalito sa nararamdaman ko.
Gusto na ba talaga kita Xiao xi?
Magiging masaya ka ba kung gugustuhin ka na talaga ng kagalang-galang na Jiang Chen?

XIAO XI

Aasa na naman ba ako dahil sa tila pagbabago ng hangin?
Si Jiang Chen kasi, halatang nagpapapansin.
Kikiligin na ba ako niyan? 
Nakakainis siya. Nililito niya ako. 
Masakit pa naman umasa.
Humihina na ang power ko pagdating sa kanya. Naitanong ko tuloy sa sarili ko kung namimiss niya ba ang kakulitan ko,
O, nagsisisi siya dahil hindi na ako bumubuntot sa kanya.
Ang totoo, may oras nun na tinakbuhan ko siya ngunit nadapa lang ako.
Nakakahiya at nakakaasar.
Kunwari concern siya sa akin at nilinisan pa niya ng tubig ang sugat ko.
Pero bakit parang totoo na nag-aalala siya sa akin? Kahit ayoko, nagpumilit pa siyang i-piggy back ride ako. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at dinig ko ang bawat paglunok at pagbubuntung-hininga ni Jiang Chen.
Kung puwede ko lang pasukin ang komplikado niyang utak. Silipin kumbaga kung iniisip din ba niya ako palagi.
Kung gaano ba ako kaimportante sa kanya.
Kung kahit konti, may pagtingin ba siya sa akin.
******
Jiang Chen
******

Hindi ko alam bakit nag-iinit ang ulo ko sa pag-iwas ni Xiao xi sa akin. 
Dati naman, ayos lang kung hindi niya ako pansinin.
Ngayon, gusto ko siyang kulitin at pagsalitain kasi hindi nga niya ako kinakausap. Parang bata na kailangan pang amuin.
Para nga siyang nakakakita nang multo sa tuwing nasa malapit ako. Tumakbo pa siya. Ayon, nadapa tuloy.
Ang engot kasi e. Natatakot na ba siya sa akin? Ipinapakita ng pagkukrus ng kilay niya na ayaw niya sa ginagawa kong pagbuhat at paglilinis mg sugat niya.
Kating-kati na akong tanungin siya kung anong ikinagaganun niya. Pero ako ang taong hindi yun gagawin.
Siguro, sapat na itong ginagawa ko.
At dahil nagkasugat siya ay kailangan ko pa siyang i-piggy back.
Unang beses ito na may aso akong pinasan.
Maraming nakatingin sa amin.
Lalo na si Bo Song na agad na tinawag ang pangalan niya. Pinakiusapan niya akong ibaba ko siya na hindi ko naman ginawa agad, bagkus ay nilagpasan ko si Bo Song na iritado ang pagmumukha.
“Ibaba mo na ako, Jiang Chen... ”

Tumikhim muna ako at sinabing...
“Ihahatid na kita sa inyo.” 
Sa segundong iyon, pumintig ang puso ko. Isa, dalawa... tatlo at hanggang sa nagtuloy-tuloy na.
Ano ang bagay na ito?
Bakit?

A LOVE SO BEAUTIFUL Tagalog  FANFIC 1 OUT OF 3 SEASON 2 [ON-GOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon