TAGAKTAK na ang pawis niya pero wala pa din siyang reklamo sa ginagawa niya. Gustuhin man niyang magreklamo hindi niya naman magawa dahil na din ginusto naman niya ito. isa pa para ito sa kaligayahan niya, iyon ngayon pambubugbog sa kanya nakaya niya ito pa kaya.
"Papa, mabigat?"inosenteng tanong naman sa kanya ng anak niya.
Napangiti naman siya sa anak niya, pakonswelo nalang na kasama niya palagi ang anak niya sa buong maghapon. Gusto kasi nitong palaging nakikita siya kaya kahit saan siya naroroon kasa-kasama niya ito.
"Not really, boss"sagot niya sa anak.
Pero parang gusto niyang bawiin ng utusan siya nito pasanin din niya ito dahil masakit na daw ang paa niya kakalakad. Packing tape naman, may buhat siyang dalawang timbang malalaki na puno ng tubig tapos gustong magpabuhat sa kanya ng anak niya.
"Please, papa"pakiusap pa nito sa kanya.
Wala naman siyang nagawa kundi sundin ang gusto nito. ibinaba niya ang mga buhat-buhat niyang timba at pinasan ang anak niya sa kanyang balikat. Isang timba nalang ang kinuha niya para maalalayan pa niya ang anak niya habang naglalakad sila.
Parusa pang matatawag na napakalayo ng iigiban niya ng tubig sa paglalagyan niyang drum. Isa pang nakakatawa, benteng drum ang pinupuno niya sa isang araw.
"Yehey, ang lakas-lakas talaga po ng papa ko"pagyayabang pa ng anak niya habang naglalakad sila pabalik.
May mga nakakasalubong silang mga tao habang naglalakad sila, nasa isang probinsya sila ngayon. Halos dalawang linggo na silang nandito kasama ang mga magulang ni Trinity.
Plano talaga siyang pahirapan ng mga magulang ni Trinity.
Dumadaan siya ngayon sa old version ng panliligaw. Kailangan niyang suyuin ang mga magulang ni Trinity sa makalumang paraan. Hindi naman niya alam na kamag-anak pala ni Rizal ang tatay ni Trinity na sukat ba namang gawin siyang kalabaw nito sa buong maghapon.
Sa umaga kailangan niyang mag-igib ng tubig dahil walang poso o gripo sa tinutuluyan nila. After noon maglilinis siya ng paligid dahil madamo ang kapaligiran nila dahil matagal na hindi na natirahan ang bahay ng mga magulang ni Trinity dito sa probinsya. After naman noon sasama siya sa mga trabahador ng tatay ni Trinity sa bukid para magsaka. Doon na siya maghapon, andyang magtatanim siya, magbubungkal ng lupa, magpapataba ng mga pananim, maghaharvest ng mga bunga ng gulay at napakarami pang iba. Sa hapon naman pagdating niya mag-iigib na naman siya dahil naubos na ang tubig na naigib niya sa umaga.
Ewan ba naman niya paano nauubos ang benteng malalaking drum ng tubig na iniigib niya sa buong maghapon na iyon.
Pero sa lahat ng iyon wala siyang reklamo, dahil alam niya after ng lahat ng ito. worth it naman dahil ang mag-iina niya ang kapalit. Kaya nagtitiis siya sa lahat ng pahirap sa kanya ng mga magulang nito.
He has to earned Trinity's parents trust first before anything else.
"Caleb bumaba ka nga dyan"gulat na utos naman ni Trinity ng mabungaran nila ito sa may gate ng bahay.
Humagikgik lang naman ang anak niya habang nakatingin sa ina nito. maging siya din naman nakangiti na habang nakatitig sa pinakamamahal niyang babae sa balat ng lupa.
"Leigh, masyado mo ng ini-spoiled ang anak mo"sermon naman sa kanya ni Trinity.
Pagtapat niya sa dalaga ibinaba niya ang dalang timba sunod ang anak niya. pag-angat niya sinaktuhan talaga niya na matapat sa dalaga para makanaw ng halik dito sa labi.
"Ano ka ba"gigil naman na sita nito sa kanya.
Nag-apir naman sila ni Caleb after niyang mahalikan ang ina nito. okay na sa anak niya na halikan niya si Trinity sa labi. May kasunduan na silang dalawa doon.
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN'S QUEEN #4: TRINITY
RomansaFORTH BOOK OF GENTLEMAN'S QUEEN Leigh and Trinity Story Cover by: PANANABELS