Twelve

17.8K 619 23
                                    


Twelve

NAKATULALA nalang siya habang papalayo ang sinasakyan niyang sasakyan na minamaneho ng kanyang ama. Katabi niya ang kanyang ina na siyang nag-aalo sa kanya pero wala naman itong magagawa. Hangga't nasa loob siya ng sasakyang ito at hindi niya kasama si Leigh hindi siya titigil sa pag-iyak niya.

"Anak tumigil ka na sa pag-iyak. Smith is gone"saway na naman sa kanya ng ama niya.

"Pinatay niyo siya"paulit-ulit niyang sinasabi ito sa mga magulang niya.

"Listen Trinity"sigaw ng kanyang ina.

Umiling lang siya ng umiling tinakpan din niya ang kanyang mga tenga para hindi niya marinig ang anumang sasabihin ng kanyang mga magulang. Malinaw sa alaala niya ang itsura ni Leigh kanina bago nila ito iwanan. Nagsisisi siyang iniwanan niya ito habang naghihingalo ito.

"Leigh"

Napatingin pa siya sa kanyang kamay na may bahid ng natuyong dugo ng binata.

"He has to die--"

"Sino ba kayo para sabihin dapat siyang mamatay. Diyos ba kayo?"putol niya sa iba pang sasabihin ng kanyang ama.

"Hindi kayo ang magdidisisyon kung dapat bang mamatay ang isang tao dahil hindi kayo ang Diyos. Alam niyo ba kung ano si Leigh sakin."patuloy niya.

"Mahal ko siya, mahal na mahal ko si Leigh. At wala akong ibang lalaking mamahalin ng ganito kundi si Leigh at wala ng iba pa"sigaw niya.

Narinig niya ang pagsinghap ng kanyang pero wala siyang ibang inisip ng mga oras na iyon kundi ang lalaking pinakamamahal niya.

"Bakit kung kailan nahanap ko na ang taong mamahalin ko. Ang rason para talikuran ko ang isang yugto ng buhay ko, ang taong nagpabago sakin doon kayo susulpot at kukunin siya sakin. Mama, iniwanan natin si Leigh doon may tama siya ng baril. Please balikan na natin siya"pakiusap niya sa ina niya.

Umiiyak na din ang kanyang ina pero umiiling lang ito sakanya na lalo pa niyang ikinaiyak ng malakas.

"Patayin niyo nalang din ako"sigaw niya.

Nagsimula na din siyang magwala, kumalma lang siya ng ihinto ng kanyang ama ang sasakyan. Tatakas sana siya ng maramdaman niya ang pagturok ng kung anong matulis na bagay sa kanyang braso kasunod ang pamimigat ng talukap ng mata niya. hanggang sa mawalan na siya ng malay.

HINAHABOL niya ang kanyang hininga ng magising siya, parang ang layo ng tinakbo niya. ang katawan niya parang nauupos na kandila sa sobrang pagod na nararamdaman niya. napatigin siya sa paligid niya, wala siyang makitang kahit na sino sa tabi niya. tanging isang putting kwarto ang nakikita niya at wala ng iba pa.

Pinilit niyang igalaw ang kanyang mga kamay, maging ang kanyang mga binti par asana tumayo sa kinahihigaan niya ng wala siyang maramdaman na kahit na ano. Parang namamanhid ang buo niyang katawan ng mga sandaling iyon.

"Shit! Leigh"narinig niyang boses ng isang lalaki na nanggaling sa kung saan.

Sunod na nakita niyang nakaharang sa paningin niya ang mukha ng mga kaibigan niya na nagkakagulo kasama ang mga asawa ng mga ito.

"Tumawag na kayo ng doctor"natatarantang utos naman ni Diwata.

Sunod na nangyari ay ang pagpasok naman ng ilang mga doctor sa loob ng kwarto niya. doon lang niya naalala ang nangyari sa kanya kagabi. Na marahil nasa isang ospital siya ngayon at nakaconfine.

"T-tri"nanghihina niyang usal.

Hindi pa niya kayang magsalita ng maayos kahit pa gusto na niyang murahin ang mga kaibigan niyang parang sira na nagkakagulo sa tabi niya.

GENTLEMAN'S QUEEN #4: TRINITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon