Unang Gatas
Nakarating ako ng Condensed Banana Inc. after an hour.
Malaki at mataas ang buliding ng CBI, gawa sa glass ang mga bintana, at may malaking logo ng Saging na may condensada sa itaas.
I checked my outfit. I am wearing a simple floral dress matched with the perfect accessory, my smile. Napangiti ako, bagay na bagay ang ka-dyosahan ko dito. Paano ko nasabi? They hired me without thinking twice.
Agad akong nagtungo sa receptionist.
"Good morning, Ma'am. How may I help you?" bati sa akin ng isang maputing babae. Makinis, matangkad at... alaga sa make-up ang mukha.
"I'm here for the photoshoot."
Yes, you read it right. Narito ako para sa isang photoshoot. I'm not really a model. Pinilit lang akong mag-punta dito ni Nathalia. Naging magkaklase kami before sa Typographical Errors Management 101.
May tinawagan ang receptionist sa phone at bumaling sa akin. "Please proceed to Nido Floor," sabi niya na may ngiti sa labi.
Sinunod ko naman ang sinabi niya at agad na nagpunta sa elevator. Pagkasakay ko ng elevator ay tsaka ko lang na-realize na hindi ko naitanong kung anong floor number ba ng Nido Floor na yun.
Minsan talaga shunga ka, Karen eh! Buti na lang talaga at maganda ka. Hay. Totoo nga, you can't have everything in life.
Bababa sana ako ng elevator para magtanong sa receptionist kaso nasiksik ako sa likod. What do I do now?!
"Which floor, Ma'am, Sir?" tanong ng elevator girl.
"Anlene floor."
"Birch Tree floor."
"Enfagrow floor."
"Gain Plus floor."
What?! Teka. Baka naman natutulog pa ako at hanggang dito sinusundan ako ng gatas.
I pinched my cheeks pero hindi ako nasaktan. Kaya inuntog ko na lang yung ulo ko sa wall, at luckily, nasaktan ako. So hindi nga ito panaginip. Para tuloy akong si Suzy Bae sa Dream High. Hihihi. Pero mas maganda ako sa kanya.
"Uhm, ma'am okay lang po kayo? Anong floor po kayo?" tanong sa akin ng elevator girl.
"U-uh... Nido floor," nag-aalangang sagot ko kanya.
Babymaker siguro ang may-ari ng kumpanyang 'to kaya puro pangalan ng gatas ang ginawa niya sa floors niya? I wonder.
Agad akong lumabas ng elevator pagdating sa Nido floor. I checked my watch. 10:00am pa lang. 10:30 ang schedule ng photoshoot.
![](https://img.wattpad.com/cover/18685962-288-k255809.jpg)
BINABASA MO ANG
Mamili ng Isang Lalaki, Karen
FanfictionThree men, one girl. A cliché love story made with ingredients such as saging and condensed milk. Who will she choose? The vocal or the nutritionist? I said three, but where's the other one? Read and find out.