Present Time
Pag gising ko ng umagang iyon matapos ako bisitahin ni Maine ay wala na si Baste. Napansin ko naman agad ang iniwan niyang note sa bedside table oo.
"Jay, had to leave early. May taping daw kami sa Bulacan. We'll be back on Tuesday. See you in 5 days."
Kahit anong gulo na nararamdaman ko ng oras na iyon, naibsan ito dahil sa napakatamis na maliliit na ginagawa ni Baste.
You've crossed the line. You're lying to yourself kaoag sinabing di ka pa in love sa kanya.
Paulit ulit na tumatakbo ang mga katagang iyo sa aking isipan. Totoo naman. Mahal ko na si Baste noon pa pero ngayon, I'm in love.
Nagulat ako ng biglang may nag-doorbell nanaman. Wala naman ako laging inaasahang bisita lalo na ngayon na busy ang mga tao. Agad akong nagsuot ng salawal at ng robe at bumaba para pagbuksan kung sino man ang tao na dumating.
"Morning dad!" Nagulat ako dahil alam ko na nasa school dapat si Alex.
"You should be in school!" Ang bungad ko. Di ko maiwasan dahil magulang pa rin ako.
"No. Di mo ba naaalala? Wala kaming pasok ngayon. Si Celestine nasa mall kasama friends niya." Napansin niya ang pag aalala sa mukha ko. "Don't worry, di ako nag-commute. Sinundo ako ni Tita Rizza." Agad na siyang pumasok dala dala ang kanyang mga gamit.
"Dami mong dala." Pansin ko kasi na hindi lang pang ngayong araw na ito ang mga gamit na dala dala niya.
"Yeah. Wala din kaming pasok bukas so dito na ako mag-stay. Si mommy pumayag naman. Tsaka she said she'll be having ad shoots this weekend. Si Celestine naman mag Hong Kong kasama bestfriend niya tsaka parents nito." Habang naglalakad siya ay pansin niyang wala pang nangyayari sa bahay dahil walang laman ang kusina. "Looks like kakagising mo lang dad. Don't worry. I'll make you breakfast. Akyat ko lang 'to." Nagsimula na siya umakyat pero napatigil siya. Bumalik siya sa akin, nagmano, humalik sa pisngi ko at agad nang umakyat.
The rest of the day was uneventful. Naglagi lang si Alex sa kanyang room at ako naman ay nagtrabaho lang sa opisina ko. Bumababa lang si Alex kapag kakain na, which we did a lot. Buti na lang ay lagi rin itong nag-gy-gym katulad ko kaya naman na-me-maintain namin ang magandang hubog ng mga katawan namin. Bilang tatay, siyempre proud ako na katulad ko ang aking anak.
Pero magiging proud pa kaya siya pag nalaman niyang boyfriend ko ang tito Seb niya? At paano naman yung pasabog ni Maine kahapon?
Apparently, hindi sapat ang isang araw na ibinigay sa akin ni Maine para makipagbalikan. Kailangan ko pa rin mag-isip and I need to tell her that the divorce was her choice. Mahirap na na baka mamaya magbalikan kami tapos ayaw nanaman niya.
Alas-11 ng gabi ng muling bumaba si Alex mula sa kanyang kwarto. "Dad, still not done?"
"Di pa, kiddo. What are you doing up? Late na ah." Ang sabi ko naman sa kanya.
"Kuha lang ng tubig. Tsaka wala namang pasok bukas. Don't judge me." Tunawa siya at pumunta na sa kusina. Nag-ring nanaman ang doorbell ng oras na iyon.
I keep getting visitors in the middle of the night. Bakit?
"I'll get it." Ang sabi ko naman.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Baste. Agad akong inakap at hinalikan sa labi. Di ko iyo inaasahan pero napalaban ako ng halik. Reflex eh.
Napabalikwas kami ng marinig ang isang basong bumagsak at nabasag at paglingon namin pareho ni Baste ay nandoon si Alex, nakatayo at nanlaki ang mata.
Shit!
BINABASA MO ANG
Beyond Screwed #Wattys2018 (An ALDUB | MAICHARD #imaginepamore Spin-off)
RomanceThree months after an amicable divorce of a 16 year marriage from Maine Mendoza, RJ Faulkerson was shocked to see her on his doorstep asking to take her back.