Present Time
Nakatitigan kaming tatlo. Parang oras ang lumipas sa titigan na iyon. Ibang kabog ang naramdaman ko sa aking dibdib at para akong aatakihin sa sobrang nerbyos. Lahat naman ng kapit sa akin ni Baste ay nawala ng parang bula at para siyang nanigas na statwa sa harap ng pinto.
Bigla na lang tumawa si Alex. "This is priceless. Yung mukha niyo." Tumawa siya ng tuloy tuloy bago huminga ng malalim. "Dad, sorry dun sa baso. For dramatic effect lang yun."
"Huh?" Ang sagot ko. Pansin ko kay Baste na parang hindi pa rin siya humihinga sa sobrang nerbyos.
"Akala mo ba di ko alam?" Tumawa ulit si Alex. "Mommy's right. You really are the most clueless person ever." Umalis siya sa paningin namin habang tumatawa. Agad ko namang hinarap si Baste.
"What the hell are you doing here? Akala ko sa Tuesday pa balik mo?" Hinila ko na siya papasok bago pa magkaroon ng eskandalo na makita ng maraming kapitbahay. I kept thinking, kung alam ng anak ko, who else?
"We taped for like 15 minutes. Tapos sa Monday na daw ulit since weekend naman. Umuwi na kami. I decided to go back here kasi akala ko wala akong dadatnan dito kundi ikaw." Ang pabulong niyang sagot sa akin.
"Anong binubulong bulong niyo diyan?" Nakabalik na si Alex na may dalang walis at dust pan. Pag tingin ko sa lapag, agad ko napansin na walang tubig sa lugar kung saan nabasag ang baso. Pinlano nga ni mokong.
"Kailan pa? Kailan mo pa alam?" Ang tanong ko sa kanya while crossing my arms. Lumabas ang pagiging tatay sa boses ko.
"Day after you and mom got divorced." Nanlaki amg mga mata ko.
"So na…"
"Yes dad. I saw you lying in bed with tito Seb and both of you had that freshly fucked look." Tumawa ito ng malakas habang winawalis ang nabasag na baso.
"Language!" Ang sabi ko sa kanya. Kahit na alam kong 16 na siya, ayoko pa rin siyang nagmumura.
"Sorry dad. Anyway, I knew you were happy that day. I was shocked kasi, come on, he's almost my age." Tumawa si Alex. Doon na din tumawa si Seb. "Pero, kung san ka masaya, dad, ok sa akin." Tumawa ulit si Alex bago bumalik sa kusina at itapon kung ano man yung nawalis niya na nabasag.
Tinignan ko lang si Seb dahil di ko alam ang gagawin ko. "Don't look at me. Ang talino ng anak mo." Tumawa siya tapos pumunta papuntang kusina. Sumunod naman ako.
"Tito Seb, just go grab anything you want from the fridge. I'll go back to bed."
"Thanks, Alex." Naabutan ko ang usapan nila at doon ko nakita na inakap ni Alex si Seb. Pagkabitaw nito ay umakyat na sa kanyang kwarto para matulog. Sinundan ko naman siya.
"Dad, what're you doing here? Sabi ko naman ok na sa akin." Ang taning jiya nang makita niya akong nakatayo sa labas ng kwarto niya.
"I'm just surprised that you knew and you never told me. I also wanted to say sorry." Ang sabi ko sa kanya.
"Wala ka naman dapat i-apologize eh. We fall in love with a lot of people and you and tiyo Seb had nothing to do with the divorce." Nagpabting ang tenga ko sa narinig ko.
"What do you mean?" Napansin ko ang nanlaking mata ni Alex at alam ko na nakapag-isip agad siya ng isasagot. "I just mean you clearly fellbin love with him after mom so no big deal. At least nabuo kami ni Celestine, diba?" Ang kanyang sagot sabay tawa.
"Thanks."
"You have to tell mom, though." Ang dagdag niya. "I know she left last night looking for you. Sinabi niya sa'yo na gusto niya makipagbalikan, ano?" Tumaas ang kilay niya at ngumiti.
"Paano mo nalaman?"
"She's guilty." Napakahina ng pagkakasabi niya ngunit nadinig ko pero hindi ko pinahalata.
"What was that?" Ang sinagot ko na lang.
"I said she's lonely. Wala pa kasi siya makita magiging jowa. Yung sa'yo lang yung type niya. I would know. I inherited it." Sabay tawa ng malakas.
"Alexander Faulkerson!" Natawa din ako. "Matulog ka na nga."
"Good night, dad." Tumayo siya mula sa kama at inakap ako. "Does my good behavior for not telling mom get me a new car?"
"Good night, Alex." Ang sagot ko sa kanya sabay tawa. "You'll get your car when you get your license at pag nakapasa ka sa Ateneo."
Tumawa lang ito at doon na ako lumabas ng kwarto niya. Di maalis sa isip ko ang sinabi ni Alex na guilty si Maine, pero saan?
Pag baba ko naman ay nakaupo si Baste sa loob ng opisina ko na walang T-Shirt. Nang marinig niya ako, humarap siya sa akin. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko sa saglit na iyon. Buti na lang at soundproof ang opisina ko.
BINABASA MO ANG
Beyond Screwed #Wattys2018 (An ALDUB | MAICHARD #imaginepamore Spin-off)
RomanceThree months after an amicable divorce of a 16 year marriage from Maine Mendoza, RJ Faulkerson was shocked to see her on his doorstep asking to take her back.