Prologue

13.2K 189 79
                                    

What have I done?

Iyon ang naunang pumasok sa isip ko habang ako'y nakahiga sa kama, walang saplot at katabi ang isa sa mga matalik kong kaibigan.

Nadala lang ako ng emosyon. Hindi ko na uulitin.

Iyon ang aking sunod na naisip. Pero alam kong hindi mangyayari iyon. Hindi ko naman kasi mapagkakaila na mahal na mahal ko ang katabi ko. Noon pa'y matagal ko na siyang kaibigan. At hindi lang ito isang beses na nangyari sa amin. Hindi rin ikalawa. Hindi lang rin ikatlo.

Dahil lang to sa divorce. Mahal ko pa rin siya kaya ako ako naguguluhan.

Ang sunod na pumasok sa isip ko. Pero alam ko namang hindi rin ito dahil doon. Ilang buwan na din ang nakalipas matapos ang divorce na yun bago pa nangyari ang mga bagay bagay at mabuti naman naming iniwan ang isa't isa sa divorce na iyon. Pero bakit ako nagsisisi na parang nagtaksil ako sa aking ex-wife ko?

We were married for 16 years at lubusan ko siyang minahal kaya siguro ako nagsisisi.

Iyon ang sumunod na naisip ko. Iyon ang cycle ng mga tumatakbo sa aking isipan bago ko tignan ang aking katabi, makita ang kanyang napaka-among mukha sa mahimbing na pagtulog at doon mabubura lahat ng aking iniisip.

"I think I'm falling in love with you." Ang mahinang bulong ko sa kanya sabay halik sa kanyang noo. Ngumiti lamang siya at sabay akap sa aking dibdib. Ramdam na ramdam ko ang kanyang mahinhing paghilik at di ko maiwasang lalo pang mahulog sa mala-anghel na nilalang na ito na dati'y kapatid lang ang turing ko.

Hindi ko pa rin alam kung ano ang nagbago ngunit alam ko na noon pa ma'y mahal ko na siya, bilang kapatid.

Nagulat na lamang ako dahil biglang tumunog ang doorbell sa aking bahay.

"Shit? 10:00 na ah. Sino naman kaya yun?"

Agad kong dahan-dahang tinanggal ang brasong nakadantay sa akin, tumayo, nagsuot ng boxers at ng robe at agad na pumunta sa baba.

Pagsilip ko sa peep-hole ay laking gulat ko na ang ex-wife ko ang nasa harapan ng pinto. Binuksan ko agad ito.

"Maine? Anong ginagawa mo dito? Where are the kids? Are the kids ok?" Ang bungad ko sa kanya.

"Can we talk?" Ang kanyang sagot. "Nasa bahay ko ang mga bata. Iniwan ko sila dahil may pasok pa sila bukas."

Tinignan ko lamang siya sabay alok kung gusto niyang pumasok muna dahil malamig ang simoy ng hangin sa labas.

"Matutulog ka na ba? I feel like I should've done this tomorrow." May panic sa boses niya ngunit di ko na ito inintindi dahil alam kong nasa ambuting kalagayan naman ang mga bata.

"Do you want anything? Water? Infused water? Coffee? Tea?" Ang tanong ko sa kanya ngunit umiling lang siya.

"I just need to say something." Ang kanyang sambit. Tinignan ko lang siya at naghintay ngunit ramdam ko na nahihirapan siya kung ano man ang sasabihin niya. "I…"

Bago niya itinuloy ay huminga muna siya ng malalim ng mga ilang beses. Alam ko na maaaring natitrigger nito ang anxiety niya kaya kinailangan niyang gawin iyon. "It's a mistake. The divorce."

Nagulat ako. Hindi yun ang inaasahan kong lalabas sa kanyang bibig. "What do you mean?"

"Hindi dapat ako nakipaghiwalay sayo. Alam ko choice ko yun at napilitan ka lang because you wanted to make me happy. Pero I'm saying na mali ako and I'm sorry."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. I had someone upstairs and I didn't know how she'd take it. Hindi ko rin akalain na babalik pa siya sa akin matapos niyang sabihin na hindi na niya ako mahal at hindi na siya masaya.

" I want to make things work again. It's only been three months." Hinawakan niya ang aking kamay at naramdaman ko muli ang init na galing sa kanya.

Mahal ko pa rin siya.

"I still love you RJ. This isn't some impulsive decision. Isang buwan ko pinag-isipan to." Alam kong sincere siya sa kanyang mga sinasabi dahil kita ko ito habang tinitignan ang kanyang mga mata. Magsasalita sana ako ngunit wala akong masabi. "It's ok. You don't have to say anything yet. Pahinga ka muna and I'll talk to you again tomorrow." Hinalikan niya ako sa pisbgi at agad agad na umalis.

Dinig ko ang mabilis na pag-atras ng kanyang saaakyan at ang pagalis ng ugong nito palayo sa aking bahay. Umupo lang ako dahil sa sobrang daming pumasok sa aking isip, nablanko na lang ako.

"Babe, who was that?" Iyong mga katagang iyon ang nakapagbalik sa akin sa kasalukuyan at paglingon ko'y naroon na nga siya, nakatayo at dahan dahang bumababa ng hagdan.

"Si Rizza, may kinuha lang na naiwan niya. Gagamitin daw niya, may pupuntahan siya mamaya." Paglingon ko sa kanya ay kinukuskos pa niya ang kanyang mga mata lumapit siya sa akin, umakap sa likod ko at hinalikan ako sa pisngi.

"Come back to bed." Ang halos na pabulong niyang sinabi. "Please?"

"Okay." Napangiti ako. Hinawakan niya ang aking kamay at dali daling hinila pabalik sa taas. "Ang cute mo pa rin kahit mukha kang bagong gising."

"I'm Sebastian Benedict. Embedded na sa DNA ko ang pagiging cute." Ang kanyang tawa.

Doon sa saglit na yun, alam ko agad na nagsinungaling ako sa aking ex-wife at sa aking boyfriend. I'm beyond screwed.

Beyond Screwed #Wattys2018 (An ALDUB | MAICHARD #imaginepamore Spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon