Juan again...

49 0 0
                                    

(Tumawag si Juan sa bahay nila habang nasa trabaho, isang bata ang sumagot sa telepono.)
Juan: Oh anak, ikaw ba yan? Asan mommy mo?
Bata: Nasa loob po ng kwarto n'yo po, pa. Kasama si ninong.
Juan: Ano? Anong ginagawa ni ninong mo sa kwarto namin ni mommy mo?
Bata: Hindi ko po alam eh. Basta natutulog po silang nakahubad.
Juan: Ang mga hayup! Mga manloloko! Oh sige, gisingin mo ang mommy mo. Sabihin mo dumating na ang daddy mo. Naka-park na yung kotse sa garahe ng bahay.
(Ibinaba sandali ng bata ang telepono, pagkalipas ng ilang minuto)
Bata: Hello po daddy? Nasabi ko na po.
Juan: Oh ano nang nangyari?
Bata: Ayun po, nagmamadali sila sa pagtayo. Si mommy po nagmamadaling magbihis, tapos si ninong biglang tumalon sa binta at bumagsak sa swimming pool. Eh di ba tinanggalan n'yo po ng tubig yun kahapon? Ayun nabagok po yung ulo.
Juan: Teka, anong swimming pool? Wala naman akong swimming pool ah. Eto ba yung 5467904?
Bata: Hindi po. 3453246 po.
Juan: Ay sorry. Wrong number.

Ctto

Tawa Tayo! 。◕‿◕。Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon