Chapter 1

20 0 0
                                    

They say graduating from high school is the beginning and the end of a students life. It's the beginning of another chapter and the end of ones childish acts. Since we all know that when you pass that part of your life, that time that you have to be mature because you are going to college. Ibig sabihin lang naman nito, hindi mo na pwedeng gawin ang mga dating ginagawa ng isang estudyante sa high school. Tulad na lang ng pagcu-cutting classes, pagiging absent at pagiging late. Kailangan mo ng maging responsable sa mga dapat mong gawin.

Well, I'm about to graduate from high school and somehow, I'm excited and scared at the same time. Excited siguro kasi hindi ko alam kung anong mangyayari after my high school life. (HAHAHA) I'm the type of person kasi na mahilig sa adventures. Gusto ko ng thrill, ng suspense and this, this graduating thingy is giving me chills. Pero at the same time, takot akong iwan ang nakasanayan na. For I know it will never be the same again.

My name is Briar Rose Rivera, I'll be graduating at Los Alaminos High School without honors. Yep, you read it right. I'm not actually an academic kind of person. Don't get me wrong, I really give a damn about my grades. Its just that as long as I'm doing good and I'm passing, I don't care at all. Call me ordinary and I'd prefer it if I'm just a nobody.

Andito kami ngayon sa school ground kasama ko mga classmates ko and my two bestfriends Vector and Jean Von. These two might be one of the reasons kung bakit natatakot ako maiwan kung anong nakasanayan ko na. These two are like family to me. I just hate the thought that we are going to diffirent schools. I won't see them as often as I always do.

"Hoy BBF! Sasama ka ba sa amin mamaya??", untag si Vector.

"Ha??", nagulat.

"Sang parte ka na naman ba ng mundo at mukhang malayo ata ang nilipad mo?", sigaw ni Jean.

"Nothing. Mami-miss ko lang talaga kayo, that's all.", sabi ko.

"I know BBF, I feel you.", Vector said.

"Ano nga sabi mo kanina?", I asked.

"Ang sabi nya, kung sasama ka ba sa amin mamaya?, sabat ni Jean.

"Yes, BBF. We are going to Jean's house mamaya like the usual. Naisip ko kasi since we're graduating tomorrow, might as well do something fun together even for the last time.", Vector.

"Last time? Ano kaya yun? Pag-umpugin ko kaya mga ulo nyo?", I frowned.

"What he really--", Jean.

"He? Ano ako? Tibo?", Vector yelled.

"I mean she really meant was our last days of being on high school." paliwanag ni Jean.

"Ganun ba? Linawin nyo kasi!", ako.

"So sama ka nga?", tanong ni Vector.

"Hell, yeah!", bigla kong sigaw.

After ng practice namin, since last day naman namin ngayon binigyan kami ng quality time ng principal at para na rin makapag-prepare para sa pagtatapos namin bukas. Paglabas namin ng school, sumakay na kami ng traysikel and after 20 minutes dumating na kami sa bahay nina Jean. Actually, ilang beses na din ako nakapunta sa bahay nila at pinagkakatiwalaan talaga ako ng mga magulang nya. Jean's not some typical Christian girl. Seventh-Day Adventist lahat ng myembro ng family nila but that didn't get in a way of our friendship. Her father is really silent and strict but I know he trusts me. Last Christmas nga, I invited Jean to spend it with my family at pumayag naman mga magulang niya na mag-overnight sya sa amin.

"Ma, Pa, good afternoon po.", sabay halik sa pisngi ng mga magulang.

"Hi tita, tito.", sabay bati namin ni Vector.

"O, wala na ba kayong mga pasok?", papa ni Jean.

"Pinauwi na po kami para daw po makapag-pahinga at makapag-prepare para bukas.", explain ni Jean.

"Mag-meryenda muna kayo dito.", mama ni Jean.

"Ma, dadalhin na lang namin ang pagkain. Punta muna kami sa kubo natin sa tabing dagat. Dun na lang kami kakain.", pagpapaalam ni Jean.

"Sige, ibabalot ko muna ito. Sandali lang. Maupo muna kayo jan.", Mama ni Jean.

Mga ilang minuto ang nakalipas bumalik na sa sala ang Mama ni Jean na may mga dalang paper bag. Inabot nya ito kay Jean.

"Ma, Pa, alis muna ho kami." paalam ni Jean.

"O sige, mag-iingat Jean Von okay?", Papa ni Jean.

"Bye po. Salamat!", ako.

Palabas na kami ng bahay nina Jean papunta ng kubo. Hindi ko talaga maiwasan mamangha habang naglalakad papuntang tabing dagat. Malayo ka pa lang kasi mararamdaman  mo na ang ihip ng hangin. Mapapansin mo ang pagsasayaw ng dahon sa puno ng niyog. Pagdating namin sa kubo.

"Hay, ang ganda talaga dito no?", ako.

"Oo nga eh. Kung pwede nga sana dito na lang mamalagi.", sang-ayon ni Jean.

"Hmm.. Wag na kayong emo kasi kahit pa bukas tapos na ang buhay high school pero tayong tatlo friends forever. Yan ang wag nyo kakalimutan kundi kakaladkarin ko kayo palabas ng school nyo.", may halong pagbabanta ni Vector.

"What are BBF's are for?? I love you mga sira!" sabi ko.

(BBF stands for Baklang Best Friend)

"Tse! Kumain na nga lang tayo.", yaya ni Jean.

Pagkatapos namin kumain, naglaro muna kami ng luksong baka sa buhanginan. At dahil siguro sa init ng panahon kaya naisipan namin na maligo na lang ng dagat na suot-suot ang mga uniporme namin. Sobrang saya namin ng time na yun. Malungkot kasi hindi na magkikita ng madalas pero alam ko, itong dalawang ito hinding-hindi ko talaga kakalimutan.

Life As We All Know ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon