"Magpapakamatay na lang ba kayong matulog dyan? Aba! Nag-anak pa kayo kung di nyo naman kayang alagaan!"
Nagising ako sa sigaw ng aking lola. For sure, pinapagalitan na naman nya ang mga tita ko. Nasa iisang bahay lang kami nakatira. Extended family kung tawagin. Hindi naman kasi perpekto ang mga buhay namin. Ang dalawang tita ko kasi, sina tita Martha and tita Sheena na parehong may anak na pero sa kasamaang palad hindi si tita Martha mukhang ayaw ata panagutan ng ama ng mga anak nya. Oo dalawa na anak nya. Actually twins talaga. Habang si tita Sheena naman ikinasal sya sa isang Hapon pero hindi ko na matandaan lahat ng detalye ng pagsasama nila. Ang alam ko lang hindi nag-work out kasi nambababae daw yung asawa niya. So ayun iniwan nya pero nabuntis naman sya ng ibang lalake. Babae ang naging panganay nya, at ang pinaka-close kong pinsan si Frances. I don't know what happened after that basta nagka-anak siya ulit sa ibang lalake naman at lalake ang naging anak nila, si Lorenzo. Parehas naman siya gustong pakasalan ng parehong lalake pero mukhang ayaw na pumasok ng tita Sheena ko sa buhay may asawa. So lahat kami ngayon ay nakatira sa iisang bahay together with my grandparents and at ang aking tito which is by the way already married to my cousin from my father's side.
"O, kumain ka na Briar Rose bago ka mahuli sa graduation ceremony ninyo", lola ko.
"Good morning po Ma", sabi ko sabay yakap kay lola.
Btw, I call my lola as Mama kasi nakasanayan na lang talaga namin. My mom? She's at another country trying to work para naman matustusan ang mga pangangailangan namin. Since I'm going to college and my older sister is already at her second year on college. Magastos since sa isang pribadong unibersidad kami mag-aaral.
"Kailan ba uuwi si Serena dito?", pagbabasag ng katahimikan ni lola.
"Mamaya po atang hapon since may tinatapos pa po siyang group project para sa clearance nya.", pagpapaliwanag ko.
"Papa mo na lang ba a-attend ng graduation mo?", lola ko.
"Opo. Kasabay ko po siya mamaya papunta dun.", sabi ko.
"Buti naman. Kasi hindi ako makaka-attend since madami ako inaasikaso dito at walang magbabantay sa tindahan natin.", paliwanag ni lola.
"I understand naman po. Kasama ko naman po si mama tsaka si Serena.", sabi ko.
"Martha!! Sheena!! Asikasuhin nyo nga mga anak nyo dito at may gagawin pa ako.", sigaw ni lola.
"Ma, wag naman palaging nakasigaw. Nabubulabog mga kapitbahay eh.", reklamo ni tita Sheena.
"Kilala na ako ng mga tao dito. At isa pa, mga pinsan mo naman ang nakatira sa kabilang bakod ah? Kung di ba naman kayo masyadong tamad gumising ng maaga eh, sisigaw pa ba ako?", talak ni lola.
"Oho. Sige na po. Kami na bahala dito sa bahay. Punta na kayo sa tindahan." tita Martha
Natawa na lang ako sa mga narinig ko. Sanay na ako na umaga pa lang maingay na. Si Mama (lola ko) ang alarm clock ko dito kaya kahit gusto mo pa matulog hindi mo na magawa. This is my life. Its not perfect like we usually see on television pero masaya, nakakapagod pero worth it, nakaka-asar minsan pero hinding-hindi ka magsasawa. Dito na kami tumira almost all of our lives. My parents got separated when we were still at kinder. Kaya kung hiwalay man sila ngayon at broken family man kami, we're used to it. And we're happy with our lives. Nagpatuloy na lang kami sa pagkain.
![](https://img.wattpad.com/cover/18705245-288-k287350.jpg)