Chapter 1

2.9K 47 0
                                    

Deanna's POV

"Hoy Deans, tulala ka na naman diyan! Ano ba kasi yan?" Naiiritang sabi ni Luigi.

"Wala, may iniisip lang." Sabi ko habang nakatingin pa din sa malayo.

Tinabihan niya ako at inakbayan. "Si first love na naman ba yan?" Natatawang sabi niya.

"Ulul. Hindi no." Sabi ko pero ang totoo, tama siya. Yung taong yun pa din ang iniisip ko.

"It's been what?" Then nag-act siya na parang may binibiling sa mga daliri niya. "It's been 8 years tas 'di ka pa din nakakamove-on sa kanya? Bakit kasi ayaw mong sumama samin nila Bei sa pagba-barhopping?" Natatawang sabi niya.

I removed her hands and look at him for a while at binalik na ang tingin sa kawalan. "Para namang makakahanap ako ng matinong tao dun eh, no? Atsaka si Ate Bei? Sus, hindi naman yun naghahanap, she's jus there para 'makalimot'." I said with a knitted eyebrows.

He shrugged. "Ah, oo nga pala. Then you should come with us pala lalo para makalimutan mo na yung first love mo." Sabi ni Luigi.

Napakunot naman ang noo ko. "'Di ko na nga yun gusto. Atsaka, why are you so eager ba na makalimutan ko yung taong yun?" Naiiritang tanong ko sa kanya.

Para naman siyang kinabahan sa tanong ko. Bat naman siya kakabahan? "Ah, eh, wala naman. Sige maiwan na kita diyan. Ingat!" Hindi niya na ako hinintay sumagot at nagmamadaling umalis na.

"Aish. Epal." Sabi ko na lang sa hangin. Kinuha ko na lang ang wallet ko at kinuha ko ang picture na sobrang tagal ng nakaipit dito. Yun yung litrato niya. Picture ng first love ko.

-Flashback

"Happy Birthday, D!" Nakangiting sabi niya.

Nandito kami sa park kung saan lagi kaming naglalaro kasama sila Ate Bea, Tots, and Ricci. It's my birthday and pumunta kami dito para ibigay niya sa akin yung birthday gift niya daw.

"Thanks, J. Pero alam mo naman na your presence is enough, right?" Napatingin naman ulit siya sa akin and smiled. Ghad. That smile.

"I know. Pero syempre, hindi naman pwede na sila Cci lang ang may gift sayo." Nakangiting sabi niya at may kinuha sa likod niya. "Happy Birthday ulit, D!" Then binigay niya sa akin yung paper bag na hawak nya.

Binuksan ko naman and nakita ko yung wallet na pinapabili ko kila Mommy pero ang sabi nila, hindi pa daw naman sira yung sa akin kaya 'di nila binili. Excited ko 'tong kinuha at binuksan. Nakita ko naman ang picture niya at napangiti naman ako dun. Tinignan ko naman ang taong nagbigay nito and I smiled wider ng nakitang nakayuko siya.

"Hey J, bakit ka nakatungo?" I asked her while smiling. She just shake her head and nakatungo pa din siya.

I held her chin and tinaas ito and I saw her blushing. Napatawa naman ako. "Why? Nahihiya ka ba?"

She just swatted my hand and tumungo ulit. "Ehhhh, D naman"

I chuckled kaya napatingin siya at inirapan ako. "You don't need to be shy naman eh. Thank you, J. So much." I said with sincerity.

Kinuha ko naman ulit yung paper bag para sana ibalik yung wallet pero may nakita akong box. I look at her and she just smiled. Kinuha ko naman ito and binuksan at nakita ko ang isang kwintas na may pendant.

"Open it." Sabi niya and I think she's pertaing dun sa pendant. I opened it and saw a picture. Picture naming dalawa. "I just thought na maybe it will be a nice gift. I know I'm just 13 and you just turned 11 today but I want to make a promise. I promise na kahit saan man ako pumunta, I will never forget you. Maybe my mind will but I promise you na in my heart, you will always have the biggest part in it. And if ever man na may magagawa akong kasalanan, please, please don't hate me kasi hindi ko yun makakaya. I love you, D." She said and I saw a tear escaped from her eyes but I'm quick to wipe it.

I smiled at her and held her cheeks. "Thank you and promise ko din sayo na kahit saan ako magpunta, kahit sa ibang planeta pa yan," She giggled and I smiled "I will always remember you. Kahit ano pang kasalanan mo, kahit pumatay ka pa ng anak ng presidente, I will always forgive you. And kung dadating man ang araw na mapapaisip ka na wala ng nagmamahal sayo, please never forget my love for you. I will always love you as long as I'm alive, J." I said and we both smile to each other.

"Oh, isuot mo na 'to sakin." She just nodded and pumunta sa likod ko para isuot sa akin ang necklace.

Nang mailagay niya na ay tumingin siya sa akin and smiled. "It fits well."

"Syempre, parang tayo lang yan eh." Sabi ko naman at kumindat sa kanya. "Tara na, it's already late. Baka hinahanap na nila tayo."

She smiled and kissed me on my left cheek. "Thanks, D." She said.

"Always."

-end of flashback

Naalala ko naman ang kwintas na suot ko. Lagi ko 'tong suot and hinuhubad ko lang 'pag naliligo ako. I opened the pendant and nakita ko ang picture naming dalawa.

"I miss you so much, J. Please come back to me."

***

"Aba, himala! Paano mo napasama ang isang Deanna Wong sa atin ngayon, 'Uigi? Isa kang alamat!" Natatawang sabi ni Tots.

Nandito kami ngayon ni Luigi, Ate Bea, and Tots sa isang bar near Ateneo. I decided to join them kasi wala din naman akong ginagawa and para din makabonding sila.

"Pogi kasi ako kaya madali na lang yang mga ganyang mga bagay!" Mayabang na sabi naman ni Luigi at nagpogi-sign pa ang gago.

"Ulul! Kung pogi ang pag-uusapan dito, kami yun nila Deans! 'Di nga namin alam kung bakit napasama ka dito!" Napatawa naman kaming lahat sa sinagot ni Tots.

"Uy Bei, hinay lang. I just want to remind you na may training at klase ka bukas no! Lagot ka na naman kay J--- aray naman, Deans at Tots!"

'Di na natuloy ni Luigi ang sasabihin niya ng binatukan namin siya ni Tots. "Akala ko ba nandito para makalimot tapos you will mention a name? Eh gago pala u eh! Minsan naiisip ko kung bakit bestfriend ka namin eh." Naiiritang sagot ko kay Luigi.

Napakamot naman sa ulo si Luigi. "Eh, hehe. Sorry na, nakalimutan ko hehe. Tsaka bestfriend niyo 'ko kasi kailangan niyo ng gwapong magdadala sa inyo." Naka-smirk pang sabi nito.

Nabatukan naman ulit siya ni Tots at Bea. "Gago! Bea, hanap ka chick and ask kung sino pipiliin niya sa ating apat to prove this boy kung sinong tunay na gwapo!" Napatawa naman si Bea sa sinabi ni Tots.

"Ha! 'Wag na kayong humanap kasi ako naman ang isasagot nila eh!" Sabi ni Luigi with mapang-asar na tawa and tone.

Sakto namang may dumaang chicks kaya hinarang ito ni ate Bea. "Hi miss, can I borrow some of your precious time? We just want to ask something lang sana." Ate Bea said with her famous smile na nagpapabaliw sa mga tao.

Namula naman yung babae at tumingin sa amin. "S-sure." Then ngumiti.

"Among the four of us, who do you think is the most attractive one?" Ate Bea asked.

Napatingin naman sa amin yung babae. Tots and I just smiled at her habang si Luigi, kinindatan pa yung babae at todo pa ang pacute.

Napatingin naman ulit yung babae kay ate Bea. "I think you're the most attractive one but the two of them are also attractive." She pointed at me and Tots. "By the way, I need to go." She smiled and ate Bea, me, and Tots thanked her before she walked away.

Nilabas na namin ang tawa na kanina pa namin pinipigilan. "Oh, sino na pala ang gwapo ngayon, ha?" Natatawang sabi ni Tots at nagtawanan lalo kaming tatlo habang si Luigi ay sumimangot lang.

All These YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon