Hiii
***
Jema's POV
Nagising naman ako at dahan-dahang minulat ang mga mata ko. Nagulat naman ako ng marealize ko na hindi ako familiar sa place kung nasaan ako. Naalala ko naman ang nangyari kagabi at nagulat. Tinignan ko ang katawan ko na nakakumot kaya inangat ko ito and saw na yun pa din naman ang suot ko. Dali-dali naman akong bumangon pero nakaramdam ako ng sakit ng ulo.
"Ouch!" I said and hinawakan ang ulo ko. Napatingin naman ako sa bedside table and nakitang may tubig, gamot, pagkain, at note dito.
"Hi, good morning. Drink this medicine para mabawasan yung sakit ng ulo mo and eat the food para may energy ka. You can use the bathroom and may hinanda na din akong damit don na pwede mong suotin. Please lock the door when you leave and have a nice day :)"
Yan yung nakasulat sa note and napangiti naman ako kasi ang sweet ng taong 'to. Siya siguro yung sumuntok dun sa lalaki na pinipilit akong sumama sa kanya kagabi. Pilit ko namang tinatandaan ang itsura niya pero hindi ko talaga matandaan. Aish. Pabayaan na nga. I smiled once again and kinain yung pagkain na nakahanda.
Once I'm done, tumayo na ako para hugasan yung plato and pumunta na ng cr para magshower. Nakita ko naman yung mga damit na nakaready kaya tinignan ko ito. It's a blue shirt na may nakasulat na 'ATENEO' sa unahan. Ateneo? Maybe dun siya nag-aaral.
Lumabas na ako ng cr and naghanap ng ballpen and a piece of paper at nakakita naman ako. Nagsulat din ako ng note and put it on the bedside table. I get my pouch and leave the room but before I close the door, I smiled and look at it again before leaving.
"Thank you, savior." I said to myself and locked the door.
***
Deanna's POV
Napahikab naman ako at kinusot ulit ang mata ko. Hayy. Napuyat ata ako.
"Bat mukha kang zombie?" Sabi nong taong nagsalita at nakitang si Ponggay pala 'to.
"'Di ako nakatulog ng ayos eh." I said at tumingin ulit sa malayo.
"Eh bakit hindi ka sa dorm natulog kagabi?" Tanong niya ulit. Ginulo ko naman ang buhok niya kaya tinaboy niya 'to at inirapan ako. "Aish, Deanna!" Reklamo nito.
Tinawanan ko na lang siya at tumayo na. "Dami mong tanong." Natatawang sabi ko at naglakad na palayo.
Well, napuyat lang naman ako kakatitig kay Jessica. Yep, pinanood ko lang siya magdamag at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising din ako ng maaga so nagpadeliver na ako ng pwedeng kainin ni Jessica pagkagising niya kasi hindi naman ako marunong magluto hehe.
Nakita ko naman si ate Bea kaya nilapitan ko siya at tinabihan. Hindi man lang niya ata ako napansin kaya napatingin ako sa tinititigan niya at nakita kong si Maddie 'yon. "Ah, kaya pala." Sabi ko.
Para namang nagulat si ate Bea at napatingin sa akin with wide eyes. "What the hell, Deans?! You scared me!" Gulat na tanong ni ate Bea.
"Hehe, I didn't mean to." Kamot-ulong sabi ko. She just looked at me at tumingin na ulit kay Maddie. "Titig na titig ka na naman." Natatawang sabi ko.
"Go away!" She said with matching irap pero hindi niya ako tinitignan at patuloy pa din ang pagtitig kay Maddie.
"Why don't you admit it to her? Malay mo may chance kayo?" I asked while looking at Maddie who's talking to Jho.