Kabanata Three

7.3K 211 36
                                    

Kabanata III - Lightning's Thunder

HERAs POV

"Ano bang nangyari Hera? Pinagalala mo ako ng husto" ininom ko muna yung tubig na binigay niya sa akin at kinwento lahat ng nangyari.

Nagulat nalang ako ng tumayo siya at sinuntok yung pader. Iyak parin ako ng iyak sa nangyari. Agad ko siyang pinigalan sa pag-suntok baka kasi kung mapano pa yung kamay niya.

Agad niya akong sinamahan sa aking magiging kwarto para makapag-pahinga na ako. Bawal kasi daw ako ma-stress. Baka umiyak daw si baby.

"Yan yung kwarto mo" napabuntong hininga ako at ngumiti ng pilit

"Salamat Lightning ha? Siguro kung hindi ko nalaman na nandito ka na pala nag-tatrabaho sa Pilipinas. Hindi ko alam kung saan pa ako pupunta. I know na magagalit lang yung mama ko" he just hugged me in return at hinayaan na akong makapag-pahinga sa aking kwarto.






Umaga nung napagpasyahan ni Light na ihatid ako sa bahay. Ayaw ko sanang magpahatid kaya lang he insisted. Pagbukas ko ng pinto agad na tumambad sa akin at naka topless na Zeus at nakabra na si Mnemo.

"May bisita ako" sabi ko at agad na pumasok si Lightning

Tiningnan ko ang reaction ni Zeus at rumihistro sa mukha niya ang pagkagulat.

Naalala ko iyong sinabi ni Lightning sa akin. "You need to be strong Hera not just for the baby but also for you. Kahit na arranged marriage lang kayo, who cares? Dapat kapadin niyang ingatan at alagaan" Hindi ko din alam kung anong pumasok sa isip ko at pinatuloy ko si Lightning.

"Longtime no see pre" bati ni Lightning at ngumisi! Tiningnan ako ni Zeus pero agad ko naman iniwasan yung tingin niya

"Punta ka muna sa kwarto" utos ni Zeus kay Mnemo na agad namang sumunod sa kanya.

"Kailan pa to?" simula ni Zeus

Hindi ako tumingin kay Zeus at napapikit ng mariin. For sure! Iba na naman ang iisipin nito.

"Kailan pa kayo nagkita?" Lightning just smiled at umupo nalang sa sofa. Nakita ko naman ang nag-uusok na tenga yung tenga ni Zeus

"uh-- secret" he smiled at me "Balita ko kasal nadaw kayo ni Hera?" tumingin ako sakanya at prente lang siyang nakaupo sa sofa habang pinagmamasdan ako "at balita ko rin, may kabit ka?"

Nagulat nalang ako ng kwelyuhan ni Zeus si Lightning kaya agad akong pumagitna sa dalawa. Eto talaga yung ayaw ko, yung nakikita ko silang nag-aaway.

"GET OUT" sigaw ni Zeus, ngumiti naman si Lightning at kinewelyuhan rin si Zeus. Napahawak nalang ako sa sentido ko ugh!

"Isasama ko si Hera" sigaw ni Lightning na nakaagaw ng pansin ko

"Shut up, Hera umakyat ka sa taas now" bigla nalang ako sinigawan ni Zeus na agad na nagpakilos sa akin. Umakyat nalang ako sa taas para siguro hindi ko marinig yung pag-uusapan nila









ZEUS POV

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Lightning at kinwelyuhan siya. Bakit siya nandito? Bakit niya kasama si Hera? Ptngna! Gusto ko na siyang bugbugin pero nakahawak si Hera sa braso ko at pilit na pinipigilan ang kamay kong nakakwelyo kay Lightning.

Sinigawan ko si Hera na umakyat sa kwarto na agad naman niyang sinunod.

"6years ago, sinabi kong mahal ko si Hera. Nang malaman kong ikakasal kayo hiniling ko na alagaan mo siya pero anong ginawa mo ha?" bulyaw niya sa akin. Ni hindi man lang natinag sa pag-kakakwelyo ko sakanya.

"6Years ago, I was inlove with Mnemo and my fvkin mom want Hera to be my wife" sigaw ko pabalik sakanya. Binitawan ko siya at pinakita ang wedding picture namin ni Hera "for fvkin years, i wanted to be free Light" sigaw ko at tinapon ang wedding picture sa sahig

Nagagalit ako. All this year, I just wanted to be happy. Pero kinuha nila yun.

"Kailangan mo ba siyang saktan? Hindi naman porket mahal ka niya, pinipeste mo na siya" I just smirked na siyang kinainis niya. Bigla niya akong sinuntok at sinuntok ko naman siya pabalik.

"She deserves it" susuntukin na sana ulit ako ni Lightning ng dumating si Mnemo

"What's happening?" Mnemo said. Napahinto naman kami sa pag-susuntukan. Nakita ko namang napatingin si Lightning kay Mnemo.

"Mnemo?" tawag ni Lightning sa kanya. Tumayo naman ako habang inaalalayan ni Mnemo "Hindi mo ba alam na nakaka-agrabyado kana? Pinatulan mo ang may asawa na. Hindi ba kayo nakokonesiya?" tanong niya at bigla siyang tumawa

"Oras na malaman kong sinasaktan niyo ulit si Hera. Kukunin ko na siya" pagbabanta niya tyaka umalis.

"Gamutin na natin yang sugat mo" sabi ni Mnemo at pilit na ngumiti. Alam kong nasasaktan din siya. Ugh!

****

Hera: The Marytr Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon