Kabanata Seven

6.8K 189 30
                                    

Kabanata Seven- Mnemosyne's Secret

HERAs POV

Dalawang araw ang lumipas bago sila dumating. Dalawang araw na pag-iisip kung ano ba ang gagawin ko. Hindi ko naman mapuntahan si Zeus sa kwarto dahil parating nakalingkis si Mnemo sa kanya. Kailangan ko ng plano.

Nakita ko si Mnemo na nag-hahanda ng pagkain. Buti nalang di niya ako sinusugo ngayong araw mukhang good mood ata siya.

Dahan-dahan naman akong umakyat dahil nadin sa kabigatan ng tiyan ko. Lumalaki na kasi talaga ito.

Kinuha ko ang brown envelope habang busy pa si Mnemo sa paghahanda. Mukhang tulog padin ata si Zeus. Kaya agad akong pumunta sa work place niya. Ito ay nasa tabi ng kanyang kwarto, ginagamit niyo ito pag-holidays tapos tambak ang trabaho niya.

Nilagay ko ito sa table niya na alam kong mapapansin niya. Lumabas naman agad ako na parang wala lang nangyari.

"Mauna ka munang kumain,mamaya na kami ni Zeus" sabi nito at iniwan ako sa kusina. Sa totoo lang gustong-gusto na talaga siyang samapalin. May anak at asawa na pala siya pero bakit siya nakikipag-landian kay Zeus?

Kumain nalang muna ako para mawala ang pag-kabahala ko. Hindi ko kasi alam kung anong magiging reaction ni Zeus kung makita niya man yun.

Matapos kong kumain ay nag-ligpit lang ako at pumunta na muna sa kwarto para manood ng tv. Ayaw ko kasi sa sala dahil for sure maglalandian lang sila doon.

Umabot ang hapon na ganun padin ang ayos, ako padin unang kumain tapos akyat ulit sa kwarto. Maya-maya nagulat naman ako ng may marinig ako isang tunog.

Malakas na tunog ng isang sampal.















"ANO TO? MATAGAL MO NA PALA AKONG NILOLOKO HA?" rinig kong sigaw ni Zeus. Pumunta naman ako sa pinto at nilagay ang tenga ko sa doon para mas madinig ko pa

"N—o, I can explain" rinig kong sabi ni Mnemo habang umiiyak. Nadidinig ko pa yung mga hikbi niya.

"SIGE NGA, ANONG EXPLANATION HA? ANO PANG EXPLANATION ANG KAILANGAN KONG MARINIG MULA SAYO? MAY ANAK KA PALA AT ASAWA PTNGNA KA" bigla tuloy akong napaiyak sa reaction ni Zeus. Hindi ko alam na magagalit siya ng sobra. Hindi ko pa nakikitang nagalit ng sobra si Zeus except nalang nung nag-break sila ni Mnemo.

"Zeus listen, I stil-l lo—ve you. Ye-s, may ana—k ako pero ik-aw parin naman ta-laga mahal ko" sumilip ako ng konti sa pintuan at nakita kong pilit na niyayakap ni Mnemo si Zeus.

"I TRUSTED YOU MNEMO. AKALA MO BA TATANGGAPIN PARIN KITA KAHIT ALAM KONG MAY ANAK AT ASAWA KANA HA?" umiling iling naman si Mnemo at pilit na niyayakap si Zeus pero tinulak siya ni Zeus dahilan para mapaupo siya.

"I'm sorry Zeus" sabi ni Mnemosyne kay Zeus at niyakap ang mga binti nito

"Wag kang humingi ng patawad sa akin. Dun ka humingi ng tawad sa anak at asawa mo. Just please umalis kana" sabi nito at tinuro ang pintuan. Umiiyak naman si Mnemo habang papaalis. Hindi man lang talaga natinag si Zeus. Galit na galit siya.

"AND YOU"  nagulat naman ako ng ituro niya ako at pumunta sa pwesto ko. Nako po! Alam niya palang nakikita ko siya. Napaatras naman ako nang buksan niya ang pinto

"YOU DID THIS RIGHT?" wala naman akong nagawa kundi ang tumango sa sagot niya. Ako naman kasi talaga ang nag-painbestiga kay Mnemo "Tsk" yan lang ang sinabi niya at tinapon ang brown envelope sa sahig.

Umalis naman siya na may sama ng loob.

Masaya ako dahil alam na ni Zeus na niloloko lang siya ni Mnemo. Masaya ako.















Kinabukasan ay agad naman akong pumunta sa kusina para makapag-almusal. Mukhang wala nadin si Zeus dahil di ko na nakikita ang sasakyan niya. Ang aga niya naman ata ngayon.

Bigla ko namang naalala yung nangyari kahapon. Oo nga pala, alam niya nang niloloko siya ni Mnemo. Sorry Zeus, nasaktan na naman kita pero para sayo naman ito. Wala naman na akong hiniling kundi ang maging masaya.

****

Hera: The Marytr Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon