Kabanata One

11K 241 37
                                    


Kabanata I - Their Story

HERAs POV

Imbes na maging masaya ako sa piling mo ba't mo ako sinasaktan ng ganito?
Masaya naman tayo dati nung mga bata pa tayo.
Anong nangyari sayo at pinagtabuyan mo ako ng ganito?

FLASHBACK...

Nagtatakbuhan tayo sa ating tambayan. Ako, Ikaw at si Lightning. Bigla akong nagulat nang kunin mo ang aking mga kamay at hinalikan.

"Bata pa tayo zeus" sabi ko at palihim na ngumiti.

Nasa labing-isang taong gulang palang tayo nun at halos puro laro lang ang aking alam. Kaya nagulat ako sa mga sinabi mo sa akin.

"Pero gusto na kitang makasama Hera. Hihintayin kita, I promise Hera." binatukan lang kita at nag-patuloy na ako sa pag-takbo. Nangako ako kay mama na hindi muna mag-boboyfriend. Bata pa kaya ako!

Pero—Nalaman ko nalang na umalis kayo ng pamilya mo papunta ng America. Sobrang nasaktan ako nun dahil hindi mo man lang simabi sa akin na aalis kayo.

Nung tumuntong ako ng highschool, nalaman ko na lang na bumalik kana ng Pilipinas. Nalaman ko nalang din kay Lightning na may nililigawan ka na. Labis akong nag-dadalamhati. Akala ko ba hihintayin mo ako?

"Hera, please be strong lalo na ngayong aalis na ako" napatango ako sa sinabi ni Lightning, wala na ang dalawa kong kaibigan.

Iniwan na nila ako.

Nang naging kayo na ng nililigawan mo, mag-isa kong hinarap ang sakit, ni hindi mo na nga ako pinapansin.

Pero makalipas ang ilang taon, pinag-kasundo tayo ng pamilya natin. Ayaw mo nung una pero pumayag karin.

Ganun mo ba kamahal ang babaeng niligawan mo noon?

END....

"Anong tinutunganga mo diyan? Aba magluto ka na Hera" tumango nalang ako sa sinabi niya at nag-focus na sa pag-luluto.

Yung tawag mo sa akin noon ganun parin pero ngayon mas naging cold.

2years na kaming kasal at oo may nangyari na sa amin. Ilang ulit na, kasi nga mahal ko siya, kaya't pinapabayaan ko nalang siyang gamitin ako para maging parausan niya.

Dalawang taon na din akong umaasang mamahalin niya din ako pabalik.

Pumunta ako sa kusina at hinawakan ang aking tiyan. Napangiti nalang ako habang iniisip ang anghel na nasa sinapupunan ko. Hindi ko muna ito sinabi kay Zeus dahil natatakot ako na baka di niya matanggap ang bata, naiisip ko palang yun naiiyak na ako.

"Tapos na Zeus. Kain kana" sabi ko. Nakita ko naman siyang umupo at nag-simula ng kumain.

So far, wala pa naman akong gustong kainin ngayon siguro dahil isang buwan pa naman si baby.

"Hera? Patay gutom ka ata ngayon, nakaka-tatlong kanin kana aber" hala! ni hindi ko nga alam na nakakatatlo na ako. Nako naman!

Tumigil nalang ako sa pag-kain at umakyat sa taas para makapag-pahinga. Baka mastress ako dito mahirap na di pa naman ako nakaka-punta sa doctor dahil wala akong oras.
















Nagising ako sa lakas ng ungol na nanggagaling sa kwarto ng asawa ko. Kahit alam ko kung ano yun pumunta parin ako at sumilip.

Si Zeus may kahalikan na namang babae at parang sarap na sarap pa sila. Bakit paba ako pumunta dito? Hays! Sinasaktan ko na naman ang sarili ko.

Napag-desisyunan kong pumunta sa aking kwarto at doon umiyak. Sana pala pina-soundproof ko yung kwarto. Gusto kong mag-wala. Gustong-gusto ko.

Nagising ako ng mga bandang alas siyete kaya dali-dali akong bumaba para makapag-luto. Hindi ko na siya hinintay na magising dahil alam ko naman na kasama pa niya yung babae niya.

Dali-dali akong pumunta ng kwarto para makapag-bihis. Naisip ko kasing pumunta ng Hospital ngayon para makapag-pa check up.

"Mrs. Hera Qinn? Kayo napo" tumango nalang ako at pumasok na sa kwarto ng doctor.

Lalaki yung doctor ko.

"Goodmorning doc" nakatalikod kasi yung doctor, may kinakalikot siguro

"Goodmorning Hera, luv" napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Luv?

"Hera, it's me Lightning" napanganga ako sa nakita ko. Naging doctor na siya ng mga buntis? Kababata ko si Lightning kaya napakasaya ko ng makita siya ngayon. Uhm- Dati ko din pala siyang manliligaw nung HighSchool kaso nga lang sa ibang lalaki ako nahulog.

"Sa ngayon, I'll just recommend you some vitamins to keep you and your baby healthy okay?" tumango nalang ako sa kanya habang siya namay busy sa pag-susulat. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Ang dating takot mag-padoctor na si Lightning ay Doctor na ngayon? Hindi kapani-paniwala.

"Kumusta na? Nasaan si Zeus? Dapat nandito siya kasi asawa ka niya" diretso niyang sabi

Paano ko ba sasabihin na wala namang pakialam si Zeus sa akin?

"Hera, always remember na wag ka masyadong mag-paka-streess okay?Nakakasama yun" tumango nalang ako at ngumiti

"Ang tagal mong bumalik Light, ikaw na nga lang yung tanging kaibigan ko umalis kapa eh" at nag-simula na nga akong umiyak. Psh! ang iyakin naman.

"Tell me everything Hera, your bestfriend is back" napag-desisyunan naming sabay na mag-lunch. Tutal gusto din naming kamustahin ang isa't-isa

Nauna na ako sa cafeteria na naka-pwesto sa tapat ng hospital. May iilan pa siyang pasyente na kailangan tingnan eh!

"Sorry natagalan" sabi niya

"Okay lang Doc." sabi ko

"Now tell me everything" determinadong sabi niya, kaya kinwento ko lahat lahat sa kanya.

"Gago talaga si Zeus" hinawakan ko yung kamay niya para kumalma siya

"Kumain muna tayo, baka mastress ako" i said, napangiti nalang siya sa akin

"Kung may problema ka, tawagan ko agad ako okay?" sabi nito at binigay ang phone number niya sa akin.

Nag-paalam na kami sa isa't-isa kasi marami padaw siyang pasyente na dapat tingnan.

Napatingin naman ako sa aking relo at masyado pang maaga para umuwi ng bahay kaya napag-desisyunan kong dalawin sina mama.

"Mamaaa" sigaw ko kaya napatingin lahat ng katulong sa akin

"Anak? Ba't kaba sigaw ng sigaw ha?" ngumiti lang ako at niyakap siya

"Ma buntis ako" sabi ko ng makawala ako sa yakap.

"oh dyosko! Salamat sa diyos! Halika at magluluto ako para sayo. Tawagan mo yung asawa mo dito na tayo mag dinner" napa-tingin ako kay mama

"Ma, diko pa sinabi sa kanya na buntis ako" hinila ako ni mama patungong garden at niyakap

"Anak kahit pinag-kasundo lang kayo, may karapatan parin siya" sabi ni mama habang yakap-yakap niya ako. Kaya umiling ako

"He hates me now ma, kaya di niya matatanggap yung bata" hinalikan ako ni mama sa noo

"Kung hindi ka pa handang mag-sabi ngayon, okay lang pero kailangan niya talaga yang malaman. Naiintindihan mo ako Hera? Wag mong paabutin na bumukol yang tiyan mo tapos diyan niya lang malalaman na buntis ka" tumango lang ako at niyakap ulit si mama

Tama si mama! Asawa ko siya at tatay siya ng anak ko kaya may karapatan siyang malaman ito. Pero wala akong lakas ng loob na sabihin yun sakanya.

Panginoon, bigyan mo po ako ng lakas para masabi ko sa asawa ko na may anak kami. Natatakot ako para sa akin at sa anak ko baka hindi niya kami matanggap. Lord tulungan niyo po ako...

****

Hera: The Marytr Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon