Chapter 2

17 1 1
                                    

SANDRO AND SANDRA PLAYROOM PHOTO

Pagbukas ko ng kwarto ko mas lalo akong namangha black and pink ang motif nito ang laki ng kama pumunta din ako sa Cr na may bath thub, shower may glass door din ang CR. Nakakatuwa naman na kahit babysitter lang ako dito para namang buhay prinsesa ang mangyayari sa buhay ko dito. Kinuha ko yung bag ko at tiningnan pa ang ilang files na tungkol Kay Anthony Chen pati sa mga anak niya.


Anthony Chen Likes
Food: Adobong Baboy
Sports: Tennis, Golf
Color: Black (di naman masyadong halata eh mula sa bahay hanggang sa mga maids nakaitim talo pa naming ang men in black)

Dislikes

Loud Noise
Sweet foods
Pink


Ayaw niya ng sweet foods? Pati chocolate? Saklap naman ng buhay niya

Isinara ko na ang mga files. Sabi ni sir noel kaylangan ko daw makahanap ng Drugs o Anything na ebidensya eh pano? Isip Rachel Isip..

Ah Alam ko na parang may light bulb na umilaw sa tuktok ng ulo ko since ako ang babysitter ng mga anak niya magkakaroon ako ng access sa kwarto niya tama tama. Genius mo talaga Rachel. Kaylangan ko na nga pala lumabas para sa hapunan. Inayos ko muna ang sarili ko at tamang tama pagbaba ko ng hagdan andun na sila nakapila na rin ang mga maids in short na late ako sa pagbaba. Tanga mo talaga Rachel F na F mo kasi ang pagiging Prinsesa. Humilera na rin ako sa pila ng mga maids sa pinakadulo habang nakatayo nakayuko ako pano ba naman kasi pinagtitinginan nila ako. Grabe naman sila porket na late ako parang gusto na nila akong katayin ng buhay. Habang hiyang hiya ako

Mommy!

Napalingon naman ako sa batang nagsalita teka kilala ko to ah

Mommy! Sabay lapit at yakap sa akin

Siya yung batang umubos ng halo halo ko

Alexandra Finish your Food

Natakot naman ako sa tono ng boses ni sir Anthony kaya naman binuhat ko si baby Alexandra at inupo sa upuan nya.

Baby finish your food muna sabi ng daddy mo mamaya na lang tayo maglaro pagkatapos mo ng kumain

Napasimangot naman si Alexandra

OK po mommy pero I think you need to feed me sabay ngiti ng nakakaloko

Aba ilang taon palang ang batang to pero napakapilya

Pls mommy puppy eyes

Pasalamat Ka cute Ka

OK sige I'll feed you

Umupo ako sa tabi niya pero parang may Mali diba may kambal si Alexandra? Si Alexander asan sya?

Natapos na ang kainan session namin ni Alexandra dyusmeng bata to ayaw ng gulay puro hotdog ang kinain. Binuhat ko siya pababa ng silya niya.

Mariel go to my office

Nagulat naman ako sa sinabi ni Sir Anthony napalingon naman sakin si Alexandra na parang nagsasabi na "You promise me na maglalaro tayo pagkatpos Kong kumain"

Sige po Sir

Umakyat na si Sir at kami na lang ni Alexandra at manang Celia ang naiwan dito.

Baby kakausapin kasi ako ng daddy mo pero promise pagkatapos Kong makausap ang daddy mo didiretso ako sa playroom mo at maglalaro tayo

Muli namang sumilay ang ngiti sa mukha ni Baby Alexandra

Ok po mommy I'll wait you there na lang po

Agent NannyWhere stories live. Discover now