Kabanata 2: Totoo kaya?

5 0 0
                                    

Kabanata 2

Rexan Point Of View

It's Saturday Morning ngayon 'yung plano namin na mag mall kasama si Tita Jullie at Julianne, 10:30 Am palang ay naligo na ako sabi kasi kagabi ni Julianne bago ako umuwi kailangan daw 12Pm andon na ako sa bahay nila, baka daw kasi matagalan kami sa Mall.. I'll check my phone kung may text na nangagagaling kay Julianne pero wala, naglagay ako ng pabango at inayos ko ang buhok ko.. Ilang sandali ay tumunog ang phone ko.

To: Julianne.

Uy, nakapagbihis kana? 12 pm, Rexan.

Napairap ako sa hangin at nagtext kay Julliane.

Tapos na po, Madame. Paalis na ako sa bahay.

*Send.*

Itinagi ko ang Cellphone ko sa pants ko at tumingin ulit sa salamin kung ayos na ba ang mukha ko.

"Perfect." Bulong ko.

Saktong 11 Am ay lumabas na ako sa Kwarto ko nadatnan ko si Kuya Reben na nakaupo sa sofa at naglalaro ng Mobile Legends at si Kuya Rex naman ay nagluluto sa Kusina.

"Kuya Reb, Aalis muna ako ah." Paalam ko kay Kuya Reben pero hindi ako pinansin, Aba.. Ganyan kasi 'yan eh, pagnaglalaro ng Mobile Legends hindi ka pinapansin, Tsk. Pumunta nalang ako sa Kusina para mag paalam kay Kuya Rex.

"Kuya Rex, aalis muna ako ah." Sabi ko.

"Saan ka naman pupunta?" Tanong n'ya.

"Sa Mall kasama ko si Julianne pati 'yung mama n'ya."

"Oh, sige. Kailangan 8 pm andito kana sa bahay, Rexan ah."

"Opo."

"Oorasan kita."

Umalis na ako sa Kusina at nakita ko na naman si Kuya Reben na laging nasa Atensyon n'ya ang ML.. Buti pa si Kuya Rex ang tinong kausap kaso strikto lang akala mo tatay ko kung makapag salita. Etong si Kuya Reben naman kapag kinakausap mo hindi ka papansin, As in nakafocus lang s'ya sa Cellphone n'ya. Pero kahit ganon 'yung dalawa kong magkapatid. Mahal na mahal ko 'yun.

Hindi ko na binalak na kotse ko ang gamitin ko alam ko kasing gagamitin ni Tita Jullie ang kotse n'ya.. Naghanap ako ng Taxi sa labas ng Subdivision, 5 minutes siguro bago ako makahanap ng Taxi.

"Kuya sa Steyn Subdivision tayo." Sabi ko sa driver.

Medyo malayo ang Subdivision nila Julliane sa Subdivision namin. Kung maglalakad lang ako don baka 12:30 pm na ako makapunta don.. Kinapa ko ang limang tigyawat ko na nasa noo ko, 'yung iba hinog na at 'yung iba tumutubo palang, Bwisit. Kailangan ko pang magpa-derma para mawala ito.

30 Minutes akong nasa byahe, malapit na ako sa subdivision nila Jullianne at saktong nasa labas na ako ng Subdivision doon na tumunog ang phone ko, Binuksan ko ito at tamang hinala nagtext na nga si Jullianne.

So that, I love youWhere stories live. Discover now