C.X
PADARAG akong umupo sa upuan ko. Ayan na naman sila. Ang ingay na naman. Ang sakit sa tenga ng mga sigaw, mura, chismis at mga trash talkan nila. Nag-plaplastikan lang naman sila. Bakit pa nila kailangang lakasan? Nakakarinding marinig ang mga boses nila. Kaya nga nag-dadala ako palagi ng ear phones o 'di kaya'y head phones. Pero sa kinamalasmalasan ko ngayon, nalimot ko sa bahay ang dalawa. Hays, magtitiis na naman ako.
Kaya ko 'to. Makakatiis ako. Konting tiyaga lang-
HINDI KO KAYA! Ang sakit sa tenga, sobra!
Sa sobrang inis, hinalungkat ko na lang ang bag ko. Ang dami pa lang basura. Lilinisin ko na lang 'to mamaya.
Nang mahalungkat na ang loob, triny ko yung bulsa. And luckily, may ear plugs doon. Hay salamat. Pagtitiis? Good bye!
Agad ko itong sinuot. Hay salamat. Tahimik na. Pinag-masdan ko nalang sila. Ang mga laway nilang nag-shoshopping. May ibang nag-tatravel. May naka-abot ng Japan, Paris o mas malala, Antarctica. May nag-aaway, tapos may fame whore na sisingit. May nang-bubully sa may harapan. Binubuhusan ng harina at pintura ang mga nerd. May mga nag-lalandian. May pumasok na sa CR. May nag-papaganda sa may health corner na walang talab ang make-up sa mga oily na mga mukha. May nag-papataasan ng ilong na peke naman. Nag-papaabaan ng eye lashes na dinikit lang. Nag-papagandahan ng mata na contact lense lang naman. May nag-paparamihan ng nabasang libro sa gilid. Na puro authors at title ng story ang lumalabas sa bibig. Wala na bang bago? Paulit-ulit. Unli. Never ending. Nakakasawa.
Boring. Wala akong magawa.
Nakita ko ang pagpasok ni Charles o 'di kaya'y Charlie, sa kwarto. May sinabi siya na nag-hikayat sa mga kaklase ko lumabas. Tch. Useless gossips or shows maybe. Game ng Team ganito ganire, so typicaly clichè. Nang ako nalang ang matira ay huminga ako ng malalim.
Ang sarap matulog!
Nagising ako ng matiwasay.
Pero nag-taka ako kung bakit ay wala parin akong kasama. Nasaan sila? Bakit ako nalang ang nasa room? Uwian na ba?
Agad kong sinukbit ang bag at tumayo. Tinanggal ko din ang ear plugs ko.
Teka.
Ang tahimik.
It is so quiet. Wala akong marinig ni kulisap.
Agad akong tumakbo patungo sa bintana.
Dapit-hapon. Kulay kahel ang kalangitan. Tamang oras para sa uwian.
Dapat puno ang field.
Pero wala akong makitang kahit ano. Ni anino ng hayop, o tao ay wala.
Lumabas ako ng kwarto.
Pati ang hallway, tahimik. Sinuyod ko ang mga katabing kwarto ng aming classroom.
Pero wala akong makitang tao.
Nasaan na ba sila?
Lumabas ako ng Junior Building.
Pinasok ang Freshmen, Sophomore at Senior Buildings pero wala parin.
Bakit wala?
Teka.
May nakita akong nakapaskil sa bulletin board.
Attention Students!
July 17 is Early Dismissal Day.
You will be dismissed at exactly 2 pm.
Good Day!Office
Something is weird. May kakaiba akong nararamdaman. Parang may nangyaring kakaiba. Pero..
Early dismissal naman pala eh. Problem solved.
Sumipol-sipol ako palabas ng gate.
'La. Bakit wala si Manong Guard. Umuwi na ba siya agad? 'Di ba six pa ang uwian ng mga guard? Aish. Ang weird na ha.
Nagsimula na akong maglakad pauwi.
Ang weird na talaga! Wala akong nakasalubong kahit isa! Wala ding tao sa mga tindahan. Bibili sana ako ng C2 eh. Uhaw na uhaw na ako.
Nang makarating sa bahay ay kinuha ko ang susi ko sa gate at binuksan ito. Lumikha ng isang matinis na tunog ang pagtama ng lock ng gate sa semento.
"I'm home!" dire-diretso akong tumungo sa kusina at kumuha ng C2 sa fridge.
Ininom ko ang C2 at umupo sa sofa. In-on ang T.V pero..
Anong nangyari sa T.V namin?! Naapektuhan ba ito ng virus? Tae, manonood pa ako ng finals eh! Bakit black and white nalang ang nandirito?!
Inis kong pinatay ang T.V at umakyat nalang sa second floor. Patungo sa kwarto ko.
Hmm.
Bakit ang tahimik?! I can't explain the feeling! Parang empty 'yong paligid ko! Parang ako nalang ang natitirang tao! Ano ba ito?!
Nilagay ko ang bag ko sa study table at kumuha ng damit sa wardrobe ko. Pinili ko 'yong pajama ko na color grayish-green na may alien design. Mahilig ako sa aliens, promise! Pero whatever.
Pagpasok ko sa C.R ng kwarto ko ay may narinig akong kalabog sa baba. Parang may mga nagsihulog na mga gamit. Hinawakan ko ng maigi ang damit na dala ko. Teka nga, baka sila Mama lang 'yon. Aish. Paranoid na nga ata ako.
Nag-bihis na ako at nag-ayos. Tapos naghanda na akong bumaba para kumain. Gutom na ako!
Nasa hagdan ako ng may marinig akong kakaibang tunog. Parang.. inipit na pusa.
"Mama? "
To be continued...
Feeling pabitin ako, pagpasensiyahan. Peace yow!

BINABASA MO ANG
Quiet
Mystery / ThrillerNasanay ako na maingay sa eskwelahan. Nasanay ako na maingay sa silid-aralan. Nasanay ako na maingay ang mga kamagaral. Ang hindi lang ako sanay ang maging tahimik sa mga lugar na ito. Papaano nangyari iyon? Nasaan ang mga tao?