"Currrrttttt!" hagulgol na sabi ni Alena dito"Sandale! Hindi kita maintindihan!"
Kasalukuyang nasa kwarto ni Alena si Curt dahil tinawagan siya nito na kailangan daw niya ng mag cocomfort sa kaniya at nag-alala rin kasi si Curt kasi iyak ng iyak si Alena habang kausap siya nito sa telepono
Nagkalat na ang tissue na naka rolyo sa sahig na ginamit ni Alena hindi na nga alam ni Curt kung nakailang pakete si Alena ng tissue."Babae! Hindi kita maintindihan kung iyak ka lang ng iyak." naiistress na sabi ni Curt kay Alena
"Shi(blow ng sipon)bagnge!" iyak ng iyak na sabi ni Alena
"Hirap talaga pag first time na ma broken hearted.tsk." sabi ni Curt sabay himas sa umiiyak na si Alena
"Hindi lang siya yung lalaki sa mundo,Alena? Okay." pagpapakalma ni Curt dito
"Hindi siya lalaki! Bakla siya! Bakla!" singhot sabay iyak ni Alena
"OMYGHAD!" napatakip si Curt sa kaniyang bibig
"Diba? Kilala kita ganyan magiging reaction mo! Di mo naman ako masisi,ang touchy touchy nya kasi sakin! Tapos! Pinapasaya niya ako kahit sinusungitan ko siya! Nakakainis talaga dapat di ko na pinatira dito yun." singhot na sabi ni Alena at umiyak ulit
"Si Benjie!?"
"Sino pa bang' bakla kilala ko! Si Benjie lang naman!" sabi ni Alena habang nagbubukas ng isa pang pakete ng tissue
"Di naman kita masisi kung naging ganon talaga yung pakitungo sa'yo ni Benjie,posibleng mahulog ka talaga sa baklang 'yun." sabi ni Curt habang hinihimas ang likod ni Alena
"Curt,paabot ng Ice Cream." humihikbing sabi ni Alena,inabot naman ni Curt ang isang galon ng Ice Cream kay Alena at agad na kinain ni Alena ang Ice Cream
"Tignan mo itsura mo Alena! Jusko!" nag-aalalang sabi ni Curt dito,wala namang pake si Alena sa sinasabi ni Curt dahil patuloy lang ito sa pagkain ng ice cream.
"Alam mo Alena hindi masosolusyunan ng ice cream yang' problema mo." sabi ni Curt
,nagtaka naman si Alena sa sinabi nito.
bigla naman siyang hinila ni Curt pababa nadatnan nila si Cong,Bildo at Birdinand na na nakikinood nanaman."Hello! Curt my loves." biglang tayo ni Cong at nagpa-pogi sa harap ni Curt
"Ano ba 'to,Aso nyo?" nandidiri na sabi ni Curt
"Grabe ka naman sakin,My loves." naka-pout na sabi ni Cong
"Anong nangyari bat' ganyan itsura ni Alena?" nagaalalang tanong ni Birdinand at tumayo na rin. tinakpan naman ni Alena ang mukha gamit ang dalawa niyang kamay.
Gulo-gulo ang kulot na buhok ni Alena at naka suot lang ito ng pajama at naka sando lang ito."Ahm Birdinand guys,pwedeng favor."
sigh na sabi ni Curt"Anything for you my loves." sabay kindat ni Cong dito,habang tinatakpan ni Alena ang mukha niya di niya maiwasang tignan kung ano pinaguusapan ng mga ito.
kaso di niya rin marinig kasi binubulong ni Curt kay lahat ng sinasabi niya kay Birdinand. Ilang segundo lang natapos na ang pagpupulong ng apat, nakita ni Alena na umalis ang tatlo na kaniyang ipinagtaka."Uy bat' pinaalis mo sil-a." humihikbi paring sabi ni Alena
"Hindi ko sila pinaalis may inutos lang ako. Kumalma ka nga girl." sabay himas ni Anne sa likod ni Alena.
"Ano ba kasi inutos mo sa kanila." tanong ni Alena dito
"Basta malalaman mo pag dating nila just trust me on this." nakangiting sabi ni Curt
"Nasan na pala si Tatay at Milo?"
"Tulog na sila girl,di mo namalayan kakaiyak mo kasi 10pm na nga o,ilang oras ka na iyak ng iyak." sigh na sabi ni Curt