AlenaAlena Buhaghag 31 years old..
Nagtratrabaho ako sa isang tanyag na kumpanya sa Makati,Bread winner ng pamilya dahil bata pa lang ako at sanggol pa lamang ang aking bunsong kapatid Iniwan na kami ng aming Ina,Kahit kami na lang ng kapatid ko at ng Tatay ko ang mag kasama sa buhay napapana tili naman naming masaya ang aming pamilya sa munting bahay namin..
Kasalukuyan akong nag ta-type sa aking laptop kanina pa dahil ako na lang ang inaasahan sa pamilya kailangan kong mag sipag sa aking trabaho
Knock..Knock..
Agad kong binuksan ang pinto ng aking kwarto upang tignan kung sino ito
"O? Milo? ano kailangan mo wala akong pera ngayon?" sabi ko dahil alam kong kapag pumupunta ito pag hihingi ng pera pang meryenda nya
"Ate mamaya pa ako hihingi ng pera,nandyan kasi si Aling Pechay manini ngil na daw sya ng renta" sabi neto habang kumakain ng kropek
"Ay nako naman,wala pa akong sweldo ngayon.." namomoblema kong sabi kay Milo
"Ate wrong timing ka mainit ulo ni Aling Pechay kasi yung iba hindi na rin nakapag bayad ngayon kaya ikaw ine expect nya na mag babayad ngayon.." sabi ni Milo habang nguya nang nguya
"Nako naman!" agad akong bumaba para kausapin si Aling Pechay
"Alena hindi ako tumatanggap ng istorya galing sa MMK lalo na ang linyang "Bukas na lang" mag bayad na kayo.."
"Aling Pechay Tommorow i will give the payment i promise.."
ngiti kong sabi"Aba namimilosopo ka pa ah!"
talak sa akin ni Aling Pechay,
pasensya Alena."Aling Pechay Tommorow na nga lang daw! sabi mo kasi hindi ka tumatanggap ng linyang "Bukas na lang" eh baka yung sinabi nya ka tanggap tanggap.." natatawang sabi ni Jonjon isa sa mga kumpare ng Tatay ko at miyembro ng Toda sa aming baranggay
"Hindi ikaw kinakausap ko Jonjon manahimik ka!" sigaw ni Aling Pechay na nagpa tahimik kay Manong Jonjon
"Ikaw! Siguraduhin mong mag babayad kayo bukas kundi umalis na kayo sa bahay na to kung hindi kayo marunong mag bayad ng tama!" talak sa akin ni Aling Pechay
Tumango na lang ako sa takot
umalis na eto bakas talaga sa mukha neto ang pagka init ng ulo"ihampas ko sa kaniya tong walis tambo eh.." bulong kong sabi
"Manong Jonjon nasan po si Tatay?"
tanong ko habang naka upo eto sa trycycle at nag aabang ng pasahero sa tapat ng aming bahay"Nasa palengke, mamaya maya nandito na yun kanina pa umalis eh.." sagot ni Mang Jonjon
"Ah sige po Salamat!" sabi ko at sinarado na ang gate ng aming bahay at tuluyan ng pumasok sa loob para tapusin ang aking ginagawa
"Milo!! ibaba mo si Style sa kama ko ngayon na!" sigaw kong sabi
Pinababa ni Milo si Style sa aking kama ang alaga nyang aso
"Ano wala kayong balak umalis sa kwarto ko?" taas kilay kong sabi
"Sabi mo ibaba ko lang si Style sa kama mo po" inosenteng sabi ni Milo habang kumakain ng mabuhay na chichirya