"Nakabusangot ka dyan?" tanong ni Birdinand kay Alena na nakatingin ng malayo pero halata naman dito na tinitignan nya si Tolits at Benjie sa harap ng bahay ni Cong dahil magkatapat lang naman ang bahay netoImbis na sumagot si Alena huminga na lang eto ng malalim
"Inggit ka ba sa kanila? edi tawagin si Boss Avelino.." ngising ngiting sabi ni Birdinand
"Hoy Wag! hindi na kailangan.." sabi ni Alena
"Sus! eh bakit tingin ka ng tingin sa kanila? Gusto mo tayo na lang gayahin natin sandal ka dito sa dibdib ko, hawak ka sa kamay ko.." ngiting ngiti sabi ni Birdinand
"Sapakin ko na lang dibdib mo tapos putulin ko kamay mo mas gusto ko yun eh.." rolled eyes na sabi ni Alena
"Ayaw po.." tikom na bibig na sabi ni Birdinand at hinawakan ang sariling kamay
"Bat ka ba nandito diba dapat na kila Cong at Bildo ka?" kunot noong tanong ni Alena kay Birdinand at sabay humarap dito
"Eh napansin ko lang ang lalim ng iniisip ng Bruh ko at nakita ko ang mga lungkot sa mata ng Bruh ko habang pinapanood ng Bruh ko si Tolits at Benjie..Yung totoo ano ba meron?" maka hulugang tanong ni Birdinand kay Alena
"Wa-la anong meron.." pag tanggi ni Alena
"Kilala kita.."
"Ang issue mo wala naman talaga.." naiilang na sabi ni Alena
"Talaga?" pangungulit ni Birdinand
"Fine,kasi ano si Benjie.."
"Ano?"
"Wala lang kasi parang feeling ko hindi nya na ako pinapansin, tapos basta hindi na sya makulit,siguro na sanay lang ako dati hayaan mo na hindi naman na mahalaga yun,masaya naman ako para sa kaniya eh dahil nandyan si Tolits para sa kaniya.." pilit na ngiting sabi ni Alena
"Alam mo sa sinabi mo mukhang malapit nga kayo ni Benjie sa isa't-isa.." sabi ni Birdinand
"Ngayon parang hindi na.." hingang malalim na sabi ni Alena
"Wag mo na masyadong isipin busy lang siguro sa boylet nya,Ikaw ilibang mo na lang sarili mo kay Boss Avelino.." ngiting sabi ni Birdinand
"Ikaw talaga,Salamat Bruh ah.." sinserong sabi ni Alena
"Ikaw pa para saan pa't Bruh tayo eh.." sabi ni Birdinand
"Alam mo kanina habang tinitignan kita kung pano mo pagmasdan sila Benjie iisipin ko nagseselos o may gusto ka kay Benjie buti na lang nag explain ka HAHAHAHA..pero imposible namang mangyari yun.." sabi ni Birdinand"O-o naman im-mposible mangyari yun.." pautal utal na sabi ni Alena
Paulo is Calling..
"Hello.."
"Napatawag ka?" Sabi ni Alena sa kabilang linya
"Bakit Bawal ba?"
"No,hindi..,akala ko kasi busy ka.."
"Hindi naman,kaya nga ako tumawag dahil hindi na ako busy labas naman tayo.." sabi neto
"Ahm- O sige,mag bibihis lang ako.."