Rent A Maid

185 3 3
                                    


Alena

"Kami na bahala rito.." sabi ng isang tanod sa baranggay namin

"San nyo ko dadalhin?" tanong ng nag Isnatch sa wallet ko

"Baka sa Banyo para doon ka ikulong.." sarcastic na sabi ni Bildo

"Hindi ikaw kausap ko Taba." rolyong matang sabi ng Snatcher,Aba tapang neto ah,Pinandilatan ko sya ng mata napaka lakas nga naman ng loob ng baklang to eh

"Charot lang.." biglang bawi nya

"Dalhin nyo na nga yan sa baranggay.." sabi ko

"Alena,sumama ka na rin samin para ikwento kay Kap ang nangyari.." Sabi ni Mang Obet na tanod ng baranggay

Tumango na lang ako..

"Sama kami !" sabi ng tatlo

"Mga buntot talaga kayo.."

"Para may pandagdag ako sa Video ko diba para naman ma tour ko yung mga subscriber ko sa baranggay.." sabi ni Cong na sabay pataas taas ng kilay



@Baranggay

"Ano ipapakulong ba natin ito,Alena?"
tanong ni Kap Roger

"Bat natin,Sya lang." komento ng snatcher na naka ngiwi

"Manahimik ka." seryosong sabi ni Kap sa Snatcher

"Tinatanong pa ba yan Kap,naka perwisyo yang baklang yan eh,Alam mo bang sa ginawa mo late na ako sa trabaho.." rolyong matang sabi ko sa Snatcher

"At alam mo ba yung ninakaw mo,pambayad sa renta namin yun,kung sakaling hindi ko nakuha yung pera sayo baka wala na kaming matitirahan.." dagdag ko pa habang tinitignan sya pero nakayuko lamang ito

"Teh..Sorry na di na mauulit,Nangangailangan kasi ako ng pera kaya ito kumapit ako sa patalim,Pinalayas kasi ako sa amin wala akong pera hindi ko magawan ng paraan nung pinalayas ako wala akong ka dala dala ni damit wala,Ilang araw na akong kumakain ng tinapay.." pagmamakaawa ng snatcher

"Atleast may kinakain pa rin sya.." bulong ni Cong kay Birdinand

"At sa gilid na lang ako ng edsa natutulog,palagi na rin ako napagsasamantalahan..Kaya please hindi na mauulit,wag nyo na akong ipakulong,Gagawin ko ang lahat lahat.." seryosong sabi neto at akmang luluhod pero pinigilan ko ito

Tagapagsalaysay

"Patay tayo dyan,napa amo nya si Alena..ganyang ganyan yung ginawa mo Cong eh nung ni nakaw mo yung paso nila Alena dapat ipapakulong ka na nga nya noon eh.." ngiwing sabi ni Bildo

"Haaay isa nanamang masamang loob ang papalayain ni Alena.." sabi ni Birdinand sabay napasapo sa noo



"Fine." matamlay na sabi ni Alena

"Ano Alena?!" sigaw na sabi ni Kap

"Really Kap? na shock ka pa.." nangunguminsing sabi ni Obet na tanod

"Di ka na nasanay tatlong holdaper at dalawang magnanakaw nga pinalaya ni Alena eh,take note binigyan nya pa ng pagkain.."
dagdag na sabi ni Obet

That Gay Who Stole My Heart (ViceRylle Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon