Chapter 4: Iwasan ang dapat iwasan

15.5K 381 11
                                    

Blaire's POV

Ilang araw na ang lumipas simula nung nagkasagutan kaming dalawa, at isa lang ang masasabi ko, wala akong pakialam. Ano naman ngayon? Eh, sanay na ako sa treatment naming ganito.

"Mukhang may problema ata si Queen" Rinig kong sabi ni Aeya.

"I agree! Kasi kanina niya pa minumurder yung hotdog niya" Alex.

"Kailan pa nagkaroon ng hotdog si Blaire?" Tanong ni Aya.

*pak*

"Aray naman Alex! Parang nagtatanong lang eh! Nanapak agad?!" Sabi ni Aya at saka hinihimas niya yung balikat niyang hinampas ni Alex. Pero inirapan lang siya ni Alex.

"So, Blaire, what happened to you? These past few days napansin naming todo iwas ka kay King. Anong bang nangyayari sainyong dalawa? May namamagitan ba sainyo? Nag-away ba kayo?" Itanong mo dun sa lalakeng yun tsk. Siya lang naman yung may problema samin.

"Kayo ba?" Alex said.

Mag-asawa kami Alex. Kung pwede lang sana sabihin yang mga katagang yan, matagal ko ng sinabi para matulungan nila ako sa problema ko ito. Pero,alam kong darating din ang tamang panahon na kailangan din nilang malaman yung tungkol sa amin. Siguro sa ngayon wag muna, kasi napaka-kumplikado ng sitwasyon namin.

"Ano ba yang pinagsasabi niyo? Syempre iniiwasan ko siya dahil ayaw ko sakanya!" Sabi ko sakanila. Sana bumenta yung palusot kong iyon. Napaiwas naman ako ng tingin nang tignan ako ni Aya sa mga mata ko.

"Yun lang ba talaga?" Usisa sakin ni Aya na parang may halong pagdududa. At yung dalawa naman nakatingin lang sakin kung anong isasagot ko. Sorry girls, pero sa ngayon ililihim ko muna ito sainyo.

"Oo nga! Ang kulit niyo" Sabi ko nalang dahil ayoko nang pag-usapan ang tungkol samin ni Zac.

"Okay, sabi mo eh! " Sabi ni Alex.

"Pero wag mong kalimutan na kahit anong mangyari nandito kami lagi sa tabi mo at handang tumulong" Napangiti naman ako dahil sa sinabii ni Aeya.

Ang swerte ko talaga dahil naging kaibigan ko sila. Kung wala sila, walang Blaire na matapang at marunong magtanggol sa sarili niya ngayon. Kasi simula nung nakilala ko sila, natuto akong lumaban para sa sarili ko. Kasi yun ang sabi nila saakin. Pero unti-unti naman akong kinakain ng konsensya ko dahil sa ginagawa kong pagtago sa kung anong meron samin ni Zac. Pero alam ko namang maiintindihan din nila ako.

"What are friends for? Hahaha" Sabin i Aya.

Napuno naman ng tawanan yung table namin dahil sa sinabi ni Aya. Tama nga naman yung sinabi niya. Aanhin mo ang pagkakaibigan niyo kung hindi niyo naman tutulungan ang isa't-isa.

------

Natapos na yung first period namin at kasalukuyan kaming nagbibihis para sa PE period namin. Dumaan muna kami sa cafeteria para bumili ng tubig at makakain, dahil tatlong oras din yung PE namin at sulit naman dahil once a week lang at every friday lang yung PE class naming

Dumiretso na kaagad kami sa gym at nilagay yung mga binili namin sa bag. Kasalukuyan kaming nakikinig sa binibigay na instructions ng sir samin. Ang unang lalaruin ay basketball, tinawag na ni sir yung mga players bawat section. Sa section namin sina Zac, Nathan, Nick, Toby, at Mark yung maglalaro. Kung ikukumpara sa kabilang team, mas lamang yung section namin kasi kasali silang lahat sa basketball team at si Zac lang naman yung Captain ng basketball team sa school namin. Nagsimula na yung laro at ang nagjump ball ay si Nathan at Mario. Napunta yung bola sa kabilang team dahil nahuli ng talon si Nathan, pero naagaw naman agad ito ni Toby at ipinasa kay Zac. Nagdribble muna si Zac at dahil dalawang tao ang nakabantay sakanya, pinasa niya ito kay Nick na walang bantay. Nakuha naman ito ni Nick at ayun, pasok!

Secretly Married To The Campus KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon