Chapter 1: The Campus Royalties

28.7K 474 3
                                    

(Blaire on the top)

Blaire's POV

"Hey Girls!" Bati ni Aya na siyang kakadating lang.

Kanina pa kasi kaming tatlo naghihintay sakanya dito sa cafeteria, dahil ang sabi niya, mauna na daw kaming pumunta ditto dahil may kukunin pa siya sa locker niya.

"What took you so long?" Sabi ng kakambal niyang si Aeya. Aya and Aeya is a fraternal twins but still, they're gorgeous even though they are not look alike. Nasa lahi kasi nila.

"Oh! Let me guess it! Naharangan ka na naman noh?" Aya just rolled her eyes dahil sa sinabi ni Alex. Puno na naman ng tawanan yung table namin dahil sa pagmemake face ni Aya.

"Absolutely!" Hindi na bago sa amin kapag ang isa sa amin ay matagal dumating sa lugar kung saan kami magkikita-kita. Knowing that we are part of the Campus Royalties, sa araw-araw ba namang pagpasok namin at pagtapak sa skwelahang ito, nasanay na kami sa mga kalalakihan na nagkakandarapa sa amin.

"Ako nalang mag-oorder" Presinta ni Aeya.

"C1 sakin at isang burger saka iced tea" Sabi ko.

"Ganun na din yun sakin" Alex said.

"Sakin din" Aya said.

Napailing nalang ako dahil sa kanilang dalawa. Halata talagang tinamad mag-isip kung anong o-orderin. Naramdaman ko namang nagvibrate yung phone ko, parati kasing nasa bulsa ko ito nilalagay. Tinignan ko naman kong sino yung nagtext.

1 new message

From: King

Blankspace

Napakunot noo naman ako ng noo dahil walang laman yung text niya. As in blanko talaga! Wag na kayong magtaka kung King yung nakaphonebook. Sadyang pakialamero lang talaga ang lalakeng yun! Di naman talaga ako magkakaroon ng number sakanya kung di niya lang pinakealaman yung phone ko. Ewan ko ba sa lalakeng yun! Napakahirap intindihin! Pero pag yung gamit niya yung pinakealaman mo, wagas kung makapagsalita.

Speaking of.....

"Ang tagal naman ni Aeya. Nagugutom na ako" Reklamo ni Alex at kasabay nun ay ang pag-ingay ng buong cafeteria.

"Kyaaaaaaaaaaah"

"ZAAAAAC! ANG GWAPO MO!"

"NATHAAAAAAAN! AKIN KANA LANG!"

"TOBYYYYYYYY! ANG CUTE MO!"

"NICCCCCCCK MYLAAABS!"

Napuno na naman ng tilian ang buong cafeteria dahil sa apat na Campus Royalties na pinangungunahan ni Zac na kilala bilang King. Mahahalata mo talaga sa mga galaw nila na nag-eenjoy sila sa mga tilian ng estudyante. Parang F4 lang ang dating habang papasok sila ditto sa loob ng cafeteria.

"Oh! Nandiyan na pala yung mga prinsepe kasama yung hari nila" sabi ni Aeya na kakadating lang at kasunod nito yung lalake na dala-dala yung mga order namin.

"Tsk. Ano naman ngayon?" Asik ko at asar kong tinignan yung lalaking nasa gitna. Sino pa ba? Walang iba kundi ang Zac na yun. Nagtama naman agad ang mga mata naming sa isa't-isa, inirapan ko nalang siya baka kung ano pang isipin niya.

"Akala mo kung sinong gwapo psh!" Inis na bulong ni Aya. She's referring to Nathan.

"Oo nga!" Alex said. She's referring to Toby.

Ba't ba kasi sa tuwing nakikita sila ng estudyante, eh todo tili ang mga ito, nakakabingi na ah! Hindi nalang namin sila pinansin at nagpatuloy nalang kami sa pagkain. Zac and I are secretly married at ang tanging nakakaalam lang ng iyon ay yung mga kamag-anak lang namin, at dahil na din sa kagustuhan namin na i-sekreto kung ano man ang meron samin, pumayag nalang yung mga magulang namin sa gusto naming mangyari. Isa lang naman yung dahilan kung bakit inis na inis kami sakanila. Sobrang hangin kasi at sobrang itim ng mga ugali at budhi! Napakayabang pa! Lalo na yang hari nila na dinaig pa ang babaeng may regla sa mood swings! Saktong pagkaupo nila, lumapit yung grupo ni Jane at kumandong siya kay Zac. Inis ko naman silang tinignan, hindi dahil sa nagseselos ako kundi dahil sa pagtingin niya sa gawi ko na halatang pinapaselos ako. Asa naman siyang magseselos ako noh! Napangiwi nalang ako dahil sa pinaggagawa niya.

Pinalo niya naman yung legs ni Jane na siyang pinagtawanan naman agad nung tatlo niyang kaibigan dahil sa ginawa niyang ito. Kitang-kita ko dito yung mga pinaggagawa nila dahil nasa harapan namin sila. Matagal-tagal pa bago kami lumabas ng cafeteria

dahil alam naming dudumugin na naman kami ng mga kalalakihan sa labas. Hangang sa napansin naming kakaunti nalang yung mga estudyante kaya nagpasya na kaming lumabas. At saktong pagtayo namin, tumayo din yung nasa harapan namin. Kaya ang kinalabasan, sabay-sabay kaming naglakad na tila ba magkasundo ang mga grupo namin. Agad namang nagbigay daan ang mga estudyante sa amin at taas noo kaming naglakad sa harapan nilang lahat. Nasa gitna kami pareho ni Zac dahil sa tinagurian kaming Campus King At Campus Queen, nasa kanan ko naman sila Aya, Aeya, at Alex na mga Campus Princesses at nasa kaliwa naman ni Zac sina Nathan, Nick, at Toby na campus Princes.

Nakarating kami sa classroom na hindi man lang kami nag-uusap. Agad na kaming umupo sa assigned seats namin. Katabi ko si Alex at nasa unahan naman namin si Aeya at Aya. Magkahiwalay kasi ng upuan ang boys at girls kaya mas pabor saamin yun dahil hindi namin makakatabi ang isa sakanila.

Dumating naman agad si sir at nakinig nalang kami sa discussion niya. Sulat, kinig, participate. Yan lang yung ginawa namin buong klase at hanggang sa uwian na. Sabay-sabay kaming apat papuntang parking lot at kanya-kanya naman kaming sakay at saka nagpaalam sa isa't-isa. Dumaan muna ako sa 7/11 dito sa loob ng subdivision namin para bumili ng loaf bread.

Pagkadating ko ng bahay, napansin kong wala pa yung sasakyan ni Zac. You read it right? Magkasama kami sa iisang bubong, dahil ito yung kapalit sa hiniling namin na i-sekreto ang relasyon namin. Pinark ko na yung kotse ko at dumiretso sa kwarto ko para magbihis. Nadatnan ko naman sa kusina si Manang Gina na nag-aayos, isa siya sa pinagkakatiwalaan ng pamilya namin at siya rin yung nag-alaga sakin nung bata pa ako.

Kinuha ko yung loaf bread na binili ko dahil gagawa ako ng egg sandwich. Kinuha ko yung mayonaise na may nakahalo nang itlog sa ref na ginawa ko kaninang umaga. Kumuha ako ng limang piraso ng egg sandwich at dinala ko ito sa living room dahil trip kong manonood ng tv. Eto lang naman kasi yung ginagawa ko kapag nandito lang ako sa bahay. Napatingin naman ako sa labas dahil narinig ko yung kotse ni Zac, pero agad ko ding ibinalik yung atensyon ko sa pinapanood ko. Baka isipin niya pang hinihintay ko siya. Naramdaman kong pumasok na siya, pero nanatiling nasa tv parin yung atensyon ko, hanggang sa umakyat na siya sa kwarto niya, nakita ko kasi siya peripheral view ko. Maya-maya ay nakarinig ako ng yapak ng mga paa niya pababa ng hagdan, hanggang sa naririnig ko ang bawat yapak niya patungo dito sa living room at saka siya umupo sa kabilang sofa.

"What's that?" Tanong niya habang nakataas ang isa niyang kilay.

Ang arte ah! May gana pa talaga siyang tarayan ako.

"Egg sandwich" Simpleng sabi ko at saka kinagat yung sandwich na hawak ko.

"You made it?" Tanong niya. Tinanguan ko nalang siya bilang sagot. Hinayaan ko nalang siyang kumuha ng egg sandwich at kinain niya ito habang nakahiga. Napailing nalang ako habang pinagmamasdan siya. Ni-isa sa amin ay walang umiimik, nakapokus kasi yung atensyon ko sa pinapanood ko. Minsan napapasulyao akoo sakanya at napansin kong malapit nang maubos yung inihanda kong sandwich. Hinayaan ko nalang siyang kainin yung natitirang sandwich na ginawa ko, hanggang sa naubos niya ito. Di na ako nag abala pang kumuha ulit tutal malapit na yung dinner. At kung gusto niya pang kumain, edi gumawa siya para makakain siya.

Hanggang sa hapag-kainan ay wala kaming imikan. Kaming dalawa lang yung kumakain kasi si Manang Gina sumasabay siya sa mga katulong namin dito sa bahay. Nauna akong natapos at inilagay ito sa sink at saka umakyat na papuntang kwarto. Naglinis naman agad ako ng katawan at saka nagsuot ng oversized white polo. Komportable kasi ako kapag ito yung sinusuot kong pantulog. Nagbasa muna ako ng paborito kong libro, hanggang sa dinalaw na ako ng antok.

Secretly Married To The Campus KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon