Chapter 2: Changing of seat plan

17.3K 339 3
                                    

(Zac on the top)

Blaire's POV

It was a tiring day! Ke aga-aga sira na agad yung araw ko! Leche! Ano na naman ba kasing pumasok sa kukuti ng Zac na yun! Nakakagigil talaga ang lalakeng yun! Ubod ng kahanginan sa katawan!

Flashback...

Kumakain na kami ngayon ng almusal, binagalan ko lang yung pagkain ko tutal di pa naman ako late at ang sarap ng ulam naming ngayon, kaya pinili kong bagalan yung pagnguya ko para mas ma-enjoy ko pa yung food ko.

"Di pa ba sapat na magkasama na nga tayo sa iisang bubong at hanggang sa school ba naman sinusundan mo parin ako?!" May diin niyang pagkasabi.

Napatigil naman ako sa pagsubo ng kanin dahil sa sinabi niya. Ano bang pinagsasabi ng lalakeng to? Ako? Sinusundan siya? Asa!

"What?" Taka kong sabi sakanya. Eh, sa wala talaga akong kaalam-alam sa pinagsasabi niya. Napaka-story maker naman ng lalakeng 'to!

"Stop following me, at pwede bang huwag mo akong kakausapin o lapitan man lang. Baka makahalata sila" Napahigpit naman ako ng hawak sa kutsara ko dahil sa sinabi niya. Ganun na ba talaga kababa ang tingin niya sakin?

Hindi ko na binalak pang sagutin siya sa maling paratang niya sakin. Baka magbangayan lang kami sa harap ng hapag-kainan. Pabagsak kong binitawan ang mga kubyertos ko at tumayo. Kahit gusto ko pang kumain, tila ba nawalan na ako ng gana dahil sa mga binibintang niya sakin. Ang kapal din namann ng mukha niya para pagbintangan ako ng ganun! Marahan naman akong nag-inhale at exhale upang pakalmahin ang sarili ko.

"Mauna na ako" Sambit ko. Hindi ko na hinintay pa na sumagot siya, kahit alam kong wala naman talaga akongg makukuhang sagot mula sakanya tsk! Pabagsak kong isanara yung pinto ng bahay sa sobrang inis ko. Napakahangin talaga ng lalakeng yun putcha! I don't fuckin' care kung magcause yun ng damage! Siya naman yung magpapaayos.

"Arghh! Bwiset nakakainis kang lalake ka!" Sabi ko habang nagpapadyak sa inis. Napahawak nalang ako sa sintido ko dahil sa pagkainis ko sa lalakeng yun. Dumiretso na ako sa kotse ko ng mapansin kong magkatabi pala yung kotse namin. Napairap nalang ako dahil sa inis at pinaandar yung kotse ko. Hindi naman kalayuan yung bahay namin sa school kaya nakarating agad ako. Pinark ko na yung kotse ko sa parking space na para saakin. Hanep din kasi itong school nato, talagang mas priority nila yung mas mayayaman at yung nasa pwesto ng campus royalties.

Nakasalubong ko naman agad sila Alex kaya sabay-sabay na kaming naglakad. Yung tipong wala naman kaming ginagawa katulad sa mga artista pero parang artista nila kami kung ituring. Tili dito, tili doon hays.

"Bro ang hot talaga ni Blaire!"

"Ate blairee ang ganda mo!"

"A sisters! Ang cute niyo!"

"Alex ang cool mo!"

"Ang ganda talaga nilang apat"

"Sinabi mo pa! Nakakainggit ang kagandahan nila"

Napansin naming nandito na pala ang apat na lalake dahil mas lumakas pa ang tilian ng mga estudyante, pero imbes na huminto at tingnan namin sila, diretso lang kami sa paglalakad. Kami lang ata siguro ang inis na inis diyan sa apat na lalake na yan. Dumiretso na kaagad kami sa room at umupo sa mga upuan namin. Maya-maya ay dumating na din yung apat at todo tili na naman yung mga kaklase namin at kami eto, nakatingin lang sa harapan. At sakto namang dumaan sila sa harapan namin at nagtagpo yung mga mata namin. I just stared at him coldly, buti naman umupo kaagad sila dahil nakakasawa yung mga pagmumukha nila. Dumating naman kaagad yung adviser namin at may sasabihin daw siya samin.

"Okay class, let change your seating arrangement"

Oh! WHAT?!

Kanya-kanya naman yung reaksyon namin dahil sa sinabi ni maam, yung iba kinikilig kasi baka daw isa sa campus royalties yung makatabi nila at kami ito, nanlulumo dahil baka isa saamin eh, makatabi ang isa sa apat na yun Kung sila nasisiyahan, pwes kami, hindi!.

"Kainis! Okay naman yung seating plan natin ah" Pagmamaktol ni Alex.

"Bat kasi kailangan pang ibahin!" Aeya said.

"Disaster 'to pag nagkataon!" Aya said.

Pinatayo na kaming lahat at pinapunta sa gilid habang dala-dala yung mga gamit naming. Tinawag na yung iba naming kaklase at kaming apat ay hindi parin tinatawag.

"Toby Rodriguez dun ka sa gitna" At yung isa naming kaklase eh, kinilig dahil katabi niya si Toby. Napairap nalang kami dahil umiral na namann ang kalandian ng isang 'to.

"Zac Santiago dun ka sa may hulihan" Sunod-sunod namang tinawag yung iba pa at makikita mong halos magkakatabi lang sila.

"Aya Martin sa tabi ka ni Nathan at Aeya Martin dun ka sa tabi ni Nick" Inis namang lumakad yung dalawa dahil sa mga magiging katabi nila.

"Alex Luarte seat beside Toby at Blaire Nashi seat beside Zac Santiago" Expected ko naman na kaming dalawa talaga ang magkakatabi kaya umupo na kaagad ako at nilalaro yung ballpen na hawak ko. Relax Blaire, wag mo nalang siyang tignan. Nagsimula ng magdiscuss si maam at buti nalang isa sa amin ay walang naging kasagutan. Last subject na namin ito, at kahit nabobored na ako, pinipilit ko parin making, wala eh, responsable akong estudyante.

"Ano ba Toby! Ibalik mo nga yang ballpen ko!" Pabulong na sabi ni Alex pero rinig na rinig namin kasi magkalapit lang kami ng pwesto.

"Why would I?" Knowing Alex? Alex has the most short temper in our group, kaya ayun, hinampas niya lang naman si Toby. Napa-aray naman si Toby dahil sa ginawa ni Alex, nakuha naman agad ni Alex yung ballpen niya sa kamay ni Toby habang namimilipit ito sa sakit.

"Umusog ka nga dun!" Sabi nitong katabi ko .Tinignan ko naman yung spacing ng upuan namin. Ang laki nanga ng space pinapausog pa ako!

"Hindi naman ako nakadikit sayo ah!" Sabi ko pero sadyang maarte lang talaga ang lalakeng 'to. Ang sarap hambalusin!

"Basta umusog ka!" Napanguso nalang ako dahil sa inis. At dahil ayoko ng gulo umusog nalang ako. Nagbell na kaya pumunta na kami sa cafeteria. Sabi ko na nga bang wala talagang magandang maidudulot samin ang pagtabi sakanila dahil sa mga pinagsasabi nila.

"May araw rin sakin yang Nathan na yan! Argh!" Inis na sigaw ni Aya habang naglalakad kami.

"Bakit? Ano bang ginawa niya sayo?" Tanong ng kakambal niya.

"Lagyan daw ba ng scratch paper yung bag ko! Lintek!" Inis na sagot niya habang magkasalubong ang kilay niya at pabagsak niyang inilagay sa upuan yung bag niya. Nagsign naman yung tiga-serve samin kung same order lang ba, tumango naman ako bilang sagot.

"Yan naman si Nick napakalandi! Kung makachansing bwiset! Di porket pareho-pareho tayong campus royalties eh, aasta na siya ng ganyan! Anong akala niya sakin? Cheap?! Kaloka!" Pagmamaktol ni Aeya habang nakayukom ang kanyang kamao.

"Yang si Toby naman, napaka argh! Basta! Nakakabwiset yung pagmumukha niya!" Alex said.

"Yung katabi ko naman napaka arte! Akalain niyo, tama naman yung spacing ng upuan namin! Alam niyo ba kung ano ang ginawa niya? Pinausog niya parin ako taena!" Sa tuwing naalala ko talaga yun, parang gusto ko siyang itapon sa ilog dahil sa kaartehan niya! Argh! Bwiset siya! Dumating naman agad yung order namin at kumain na kami. Kasi baka makasabay na naman namin yung apat na lalake.

Ganun parin yung nangyari, todo asar sila sa amin at todo inis naman kami dahil sa mga pinaggagawa nilang kalokohan. At itong katabi ko naman napakafeeling! Keso daw tinitignan ko siya! Tangina! Napakahangin niya talaga! Gwapo nga masama naman ang ugali at napakahangin pa! Bakit ba ako pinakasal sa lalakeng to?! Ubod lang naman siya ng kahanginan!

Pagkatapos magdismiss ng subject teacher naming, dali-dali naman kaming nagligpit ng mga gamit namin at pumunta na kaagad sa parking lot, dahil sa inis na nararamdaman namin dahil sa mga kalokohang pinaggagawa nila at napapansin din naming na hindi talaga nila kami titigilan kaya kami nalang iiwas. At dahil maaga kaming dinismiss, naisipan kong h'wag munang umuwi. Pumasok na ako sa kotse ko at saka pinaanadar ito at pinaharurot palabas ng campus. 

Secretly Married To The Campus KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon