Chapter 3: The Cute guy

14.6K 334 9
                                    

Blaire's POV

Nandito ako ngayon sa mall habang nakasuot pa ng school uniform. Dumaan muna ako sa mga boutique at bumili ng mga damit at pumunta ako isang store na puno ng mga teddy bear at stuff toys. Binili ko yung teddy bear na kulay blue dahil ang cute niyang tignan. Nakaramdam naman ako ng pagkauhaw kaya bumili ako ng dalandan juice at humanap ng mauupuan.

Naglibot lang ako ng naglibot, kakatapos ko nga lang manood ng sine. Enjoy din pala kahit wala kang kasama. Napagdesisyonan kong kumain nalang muna dahil saktong alas syete na ng gabi. Naglalakad ako habang may kinukuha sa bag ko kaya di ko namalayang may nakabunggo pala ako at sa lakas ng impact nito muntik na akong matumba, buti nalang nahawakan ako nung nakabunggo ko.

"I'm sorry" Paumanhin ko sakanya

"It's okay" Napatitig naman ako dahil sa ganda ng ngiti niya at yung mga mata niyang singkit

"Are you alone?" Tanong niya kaya napabalik diwa ako

"Y-yeah" Yan tuloy sa sobrang kacutan niya nauutal na ako!

"I'm alone too. Mind if I join you?" Ilang sandali muna bago ako tumango dahil tila ba napipi ako at walang lumalabas na salita sa bibig ko.

Kinuha niya naman agad yung mga pinamili ko at kahit anong tanggi ko sadyang mapilit talaga siya kaya hinayaan ko nalang. Natuturn on tuloy ako dahil sa napakagentleman niya. Hindi katulad kay Zac na puno ng kahanginan naku!

At saktong kakain na din daw sya nung nagkabunggo kami kaya sabay nalang kaming kumain. Lihim naman akong kinikilig dahil sa ginagawa namin. Alam ko namang may asawa na ako pero duh! Sa papel lang kami mag-asawa at ni minsan nga di ko naramdaman yung feeling na may asawa.

"Kanina pa tayo magkasama pero di ko parin alam yung pangalan mo" Bahagya naman kaming napatawa dahil sa sinabi niya. Inilahad ko naman yung kamay ko sakanya.

"Blaire Nashi" sabi ko

"Keith Salvador" at nagshake hands kami

"Nice to meet you Kieth" at pinagpatuloy na namin yung pagkain namin. Nagkaroon din kami ng konting kwentuhan. Ewan ko ba bakit parang komportable na akong kasama siya.

Yung feeling na kahit sandali lang kayo nagkakilala parang matagal mo na siyang kilala dahil sa pagiging komportable ko sakanya. Kakadating niya lang pala galing New York at dito na raw siya magpapatuloy ng pag-aaral.

"Saang school ka naman mag-aaral?" Tanong ko sakanya

"Saan ka ba nag-aaral?" Pabalik niyang tanong sakin

"Sa Jt University" sagot ko

"Dun ako mag-aaral" napatigil naman ako sa pagsubo at napatingin sakanya

"Sigurado ka? Bakit?" At saka sinubo ko yung pagkain na nasa kutsara ko

"Kasi dun ka nag-aaral hahaha" Inis ko naman siya tinignan pero yung tipong birong inis lang hahaha

"Totoo nga kasi hahaha para araw-araw kitang makita" ininom ko muna yung juice ko at hinarap siya

"Ikaw bahala. Osiya tapos na akong kumain" at tinignan ko yung plato niyang wala ng pagkain

"Ikaw nalang kaya yung hinihintay ko hahaha" Napatawa nalang ako at saka tinawag niya yung waiter sabi niya treat nalang daw niya yun kasi nag enjoy siyang kasama ako, loko talaga ng lalakeng yun hahaha

"May sundo ka ba?" Tanong niya habang papalabas kami ng restau

"I have my car" sabi ko

"Okay then ihahatid nalang kita dun" Tumango nalang ako bilang sagot.

"Nandito na yung kotse ko" sabi ko at kinuha ko yung mga pinamili ko at nagpasalamat ako sakanya

"Thank you nga pala sa libreng dinner mo hahaha" sabi ko

"May kapalit yun noh hahaha" sabi niya

"Napaloko mo! Hahaha osige mauna na ako." Pagpapaalam ko sakanya

"Drive safely" nginitian ko nalang siya at pumasok na sa loob ng kotse at pinaandar ito.

Nakita ko naman sa mirror ko na papunta narin siya sa sasakyan niya kaya binilisan ko yung pagpapatakbo ko kasi pasado alas otso na ng gabi at nakauniform pa ako.

----

Pagkadating ko sa bahay naka-on pa lahat ng lights. Pinark ko naman yung kotse ko sa kabilang parking space dahil baka isipin niyang nagpapapansin ako sakanya dahil magkatabi yung kotse naming dalawa tsk.

Pumasok na ako kaagad sa loob dahil hindi pa naman ito nailolock. Nakita ko siyang nasa living room at nanonood ng tv kaya nilagpasan ko nalang siya. Nagshower naman ako kaagad pagdating ko sa kwarto at magbihis ng oversized white polo. Nakaramdam naman ako ng uhaw kaya bumaba ako papuntang kitchen at alam kong nandun pa siya sa living room dahil nakabukas pa yung tv.

Nagulat ako ng makita siya sa kitchen at dahil sa nauuhaw talaga ako kinuha ko yung glass pitcher ng tubig sa ref at nagsalin  sa baso. Nakita ko sa peripheral view ko na nakatingin siya sakin habang nagtitimpla ng juice niya.

"San ka galing" Malamig niyang sabi. Oo 'sabi' dahil iba yung tono ng patanong.

"Diyan lang" sabi ko at binalik ko yung pitcher sa ref

"Anong diyan lang? Paano kong may mangayaring masama sayo? Babae ka pa naman!" Nag-init naman bigla yung ulo ko dahil sa mga pinagsasabi niya.

"Pwede ba Zac wag ka ngang umaktong nag-aalala ka sakin! Diba nga sabi mo sakin wag kitang kausapin o lapitan man lang?! Pero anong tong ginagawa mo? Alam naman nating pareho na wala kang nararamdaman at pakialam sakin kaya pwede ba wag kang umaktong nag-aalala ka sakin" Ano ba kasing pinaglihi ni Tita Yanie sa lalakeng to? Napakaunpredictable talaga ng pag-iisip!
Kung pwede lang tumutol sa kasalang naganap saamin gagawin ko talaga dahil ayokong magkaroon ng asawang may turnilyo sa utak!

"Blaire asawa kita natural lang na mag-alala ako sayo" Ano raw? Asawa?! Wow big word yun ah!

"Putragis naman Zac oh! Oo mag-asawa nga tayo pero ni minsan di ko naramdamang naging asawa kita. Diba nga sabi mo sa papel lang tayo mag-asawa. Lintek naman Zac! Panindigan mo nga yung mga pinagsasabi mo sakin. Wag mo na akong paasahin na merong akong puwang diyan sa buhay mo" at iniwan ko siyang nakatayo dun mag-isa at dali-dali akong pumasok sa kwarto ko.

Ang hirap naman kasi sakanya hindi niya pinapanindigan yung mga salitang binibitawan niya.

Secretly Married To The Campus KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon