escaped 23

12.9K 214 7
                                    

Escaped 23

"I don't think I can do this." Bulong ko habang pinapanood yung ibang model ng mga kabatch ko. Nangangatog na yung mga kamay ko at mga tuhod ko.

"You're prettier than all of them combined I don't know what you are panicking about" nakangiting sabi ni Xian.

I would have swooned if I'm not hyperventilating right now. My eyes kept on darting around trying to find the intimidating guy that will surely kill me when he sees me not wearing what he bought for me.

"I need to go na, good luck to you Cyred." hindi na ako naka ngiti sa kaba kaya tumango nalang ako.

"thank you ulit" I mumbled and he replied with a blinding smile before waving goodbye.

Kung ganyan lang kadalas ngumiti si Stephen edi maayos sana ang mundo. Sana lang talaga ay hayaan niya muna ako magpaliwanag bago siya ma g na g sakin. Wala pa naman sa bokabularyo ng halimaw na yon ang salitang chill. I cringed thinking about what will be his reaction.

Don't get me wrong wala talaga akong pakialam sa kanya pero syempre nagmagandang loob na yung tao (kahit wala naman talagang maganda sa loob ng jerk na yon) pero diba? Think about it, hindi naman niya ako kelangan ibili pa talaga ng isusuot pwede namang sabihan nalang niya ako na magdamit ng pang desente para hindi kahiya hiya sa nanay nya.

But he went all the way and brought one for me. Kahit pa para sa kanya ay barya lang yung ginagastos niya para sakin na appreciate ko na yun.

"I repeat section A1410" napawala ako sa pagkakatulala ng pangatlo na atang tawag ng mc sa section namin.

Lumingon ako kala Heart at nakita ko yung mga kaibigan ko na nag aja na sakin at sinesenyasan na akong mag lakad na. They're all encouraging me to go on and walk but my heart is pounding so hard sa kaba at nanigas nalang ako sa kinatatayuan ko.

Di ko mapigilan mag-isip na pano kung nandyan si Stephen, pano kung makita niya akong ganito? I touched the fake blonde hair and thought that my life is as fake as this hair. I look again at my reflection and recognized someone na pinipilit kung burahin sa alaala ko.

Loud applause and loud cheer can be heard as I start to walk with an expressionless face. I saw Cassie signaling for me to smile but the image earlier kept on flashing in my head and I can't bring myself to smile.

The flashes of the camera felt all too familiar and I struggled to remain calm from the sudden onslaught of memories. The moment I turn my back, I felt it. The shortness of breath. Hindi na ako makahinga. The floor is swaying and I tried my best to finish the walk. I can do this.

Bago ako tuluyang umexit nasalubong ko ang tingin ni Stephen. He was standing right next to the exit waiting for me I bet. To say that he looked furious would be the understatement of the year.

Ng nakakubli na ako sa heavy curtains mabilis niyang hinatak yung braso ko. I saw my friends run in horror. Yup ganon nakakatakot si Stephen hanggang sa di na kinaya ng mga tuhod ko and I felt Stephen's arms cocooning me after I fall.

The world is becoming more and more hazy at yung mga boses nila na hindi ko na marinig at maintindihan.

"hey, whats happening to you?!" gising sakin ni Stephen. Tinapik tapik niya pa ako pero hilong hilo lang akong tumingin sa kanya?

"Anong nangyare? Pula ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Xian na biglang nasa tabi ko na rin.

Wait akala ko ba umalis na siya?

The next thing I know is that a pill is being shoved in to my mouth and I was drinking water but the shortness in my breath is still persisting. Narinig ko si Sherine "yung inhaler dali" luckily dala ni Heart ang bag ko and I was able to use it immediately.

The Escaped Heiress ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon