Chapter 1.1

566 20 10
                                    

Alaala




Nakikita ko sa mata ni Mama ang kalungkutang nararamdaman nya. Maging ako ay ganuon rin pero hindi ko pinahahalata sa kanila. Tahimik syang pumunta sa kusina. Sinundan ko sya at nakitang kumuha nang petsel ng malamig na tubig sa ref. Kumuha din sya ng dalawang baso at sinalinan ito. Nakita nya sigurong sinundan ko sya. Pagkatapos nyang uminom ay nilapitan ko sya.


"Ma," kinuha ng kanan kong kamay ang basong sinalinan nya ng tubig at sumandal sa gilid ng lamesa. Iniintay ko ang magiging reaksyon nya. Bahagyang niyang ibinuka ang kanyang bibig. Ngunit walang lumabas doon kaya itinikom nalamang nya ulit at bumuntong hininga.

Hindi ko maispeling kung ano ang eksakto niyang gustong sabihin pero ramdam ko ang nararamdaman nyang kalungkutan.


"Nandito lang pala kayo " napalingon ako sa nagsalita. Bihis na bihis na siya. Naka-White V-Neck shirt sya na pinatungan ng black leather jacket at tinernuhan ng itim na pantalon pambaba. Suot nya rin ang paboritong sapatos na bagay na bagay sa get-up nya.


"Kuya Alvin naman, Syempre nag-momoment si Mama" ininom ko na ang tubig sa basang kanina ko pa pinaglalaruan.


"Ma," tawag ni kuya. Iniwan nya muna ang maletang hawak nya at lumapit kay Mama. Niyakap nya ito patagilid.


"Hindi naman ako dun mag-iisa e. Kaya wag ka nang mag-alala. Saka magkakasama kami dun ni Papa" pagkukumbinseng sabi ni Kuya Alvin.


"BAKIT PA KASI--"


"MA!" putol ni kuya sa sasabihin ni Mama. Mabilis na tumingin sakin si Kuya at bumaling ulit kay Mama. "A-Ano ka ba, Okay lang po talaga ako. Promise!" itinaas pa niya ang kanang kamay para manumpa at pilit ngumiti kay Mama. "Ang mabuti pa maligo ka na at magbihis ng maganda sa init lang yan Ma ng panahon kaya ka nagkakaganyan" Pumuwesto si Kuya sa likod ni Mama at hinawakan ang dalawang balikat nito para itulak paakyat sa kwarto. Natatawa ako sa nakikita ko parang anak ni Kuya ang bitbi nya na pinipilit paliguan. Success naman dahil napasunod nya ito.

Nawala naman bigla ang ngiti ko nang binalingan ako ni Kuya. Seryoso syang nakatingin sakin habang papalapit.


"Lona," briton na sabi nya. Napatayo naman ako ng tuwid at namalik-mata sa nakikita ko. Matagal ko nang hindi nakita na halos magdikit ang dalawang makapal niyang kilay. Humila sya nga malapit na upuan sa hapag at doon umupo. Para naman akong tuod habang pinagmamasdan kung ano ang susunod nyang gagawin. Sumenyas sya na umupo rin ako ngunit ilang sandali ko pa nakuha bago ako naupo.


"B-bakit.. Bakit K-kuya? " nagkanda utal-utal pa ako. Kinakabahan ako. Kinagat ko ang ibabang labi ko para bahagyang mawala ang kaba. Nakita kong bumuntong hininga sya bago magsalita.


"Ngayong aalis na ako" ipinatong nya ang dalawa nyang braso sa lamesa. "mawawalan ka na ng tigapagtanggol. Mawawalan ka na ng isang kasangga pag may problema ka."

Three Men With One SurnameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon