Chapter 2

73 2 0
                                    

5 minutes late




Minsan talaga di ko maintindi ang kaibigan ko. 'Yon mga trip nya madalas, di ko trip. At pag trip ko naman ang isang bagay, sya naman itong inaayawan nya. Hindi ko nga alam kung bakit kami naging magkaibigan, gayung nagka-clash kami sa mga bagay bagay.Basta ang alam ko parehas kami ng trip sa pagkain. Iyon na yon!


On the way na kami papuntang school. As usual na tagpo sa mga kalsada ang traffic. Imbis na 15 minutes lang ang biyahe namin nagiging 30- 45 minutes tuloy ang inaabot.


Tahimik lang akong nakikinig ng music sa aking cellphone. Mga kantang up beat ang nasa playlist ko tulad ng 'Shut Up and Dance with Me', 'Somebody To You' ng The Vamps at 'One Last Time' ni Ariana Grande. Nakakahawa lang ng vibes.

"KYAAH!!" muntik na akong mapasubsob sa likod ng upuan dahil sa biglaan pagpreno ni Kuya Oscar, driver ni Trina. Tinanggal ko ang nakapasak na earphones sa aking tenga at bumaling sa katabing kaibigan ko. Magtatanong sana kung ano nangyari sa kanya..


"M-maam! Ano pong problema?" lumingon kay Trina ang nag-aalalang mukha ni Mang Oscar. Bumaling pa sya ng tingin sakin.


"KYAAH!!!!! O-M-G! O-M-G!!!" tili ni Trina. Napataas naman ang kilay ko. Pumadyakpa sya ng ilang beses at pumapaypay ang kamay sa kanyang mukha bago ituloy ang sasabihin nya. "There are totally Mainden Heaven! Nakaka-K-T-T-B talaga!"


Kahit ganun, siya talaga ang pinaka close kong kaibigan. Nasasabihan ko ng problema at lahat lahat. Noong sinabi ni Kuya Alvin na wag basta magtitiwala sa iba, may exception yun! Kapatid nadin ang turingan naman ni Trina.

"po?" naguguluhang tanong ni Kuya Oscar. Pati ako naguguluhan din kay Trina.


"Kuya Oscar naman! Nakaka-Kilig-To-The-Bones talaga ang AlDub! At ang gwapo ni Alden! Ang bae ng buhay ko. Ito o!" napakamot nalang ng ulo si Kuya Oscar habang titignan ang video sa Ipad ni Trina. Maya maya pa'y humagalpak sya ng tawa dahil sa linyang sinabi ni Lola Nidora na 'Babala' na sinundan ng katanungang 'Asawa ni?' at sinagot ng 'Babalu'. Napangiti rin naman ako dun.


"A-ahem.ahem. sorry po." pinaandar na ulit ni Kuya ang kotse at tinahak ang daan ng Univ. namin. Di parin paawat sa pagkakakilig ang katabi ko parang inaasnang bulate lang.


Natatanaw ko na bukana ng aming paaralan. Di ko mawari ang kabang sumungaw sa dibdib ko. Isang sem nalamang at makakamit ko narin ang diploma ko.


Kumukuha ako ng kursong Business Administration Major ni Marketing. Saktong sakto dahil gusto kong mapalago at madagdagan pa ang branch ng AppeTight Resto namin. Kasosyo rin namin ang pamilya ni Trina. Laking pasalamat ko dahil pinagkatiwalaan nila kami. Nakapagpatayo kami ng ganito dahil sa sipag at tiyaga ni Papa at Kuya Alvin. Ito ang resulta ng pinagpaguran nila.


Maraming available dishes ang nandun that we make sure na affordable sa masa lalo na sa estudyante at masarap. May complete course of meals for breakfast,lunch up to dinner. Suggested yun ng bawat isa sa amin lalo ang pamilya ni Trina na avid fan ng pagkain.


Si Trina naman kumukuha sya ng kursong Mass Communication Major in Broadcasting. Pag gumaraduate rin sya, siguradong di sya mahihirapang maghanap ng trabaho kanyang papasukan. Ang tito nya kasi ang may-ari nang isa sa tatlong malalaking T.V networks sa bansa. Pero sabi nya, pangarap talaga nyang maging sikat na model na nagcocover sa mga sikat na magazines at nag lalakad sa runway suot ang mga damit ng mga sikat na designer.


Tanda ko pa n'on kung paano nya sinabi sakin na gusto nyang maging modelo. 1st year college kami noon at nasa bahay nila ako.

Nakaprenteng nakaupo kami sa sofa habang nanonood ng runway ng isang sikat na clothing line. Bigla nalang syang tumayo at tinuro sa T.V screen ang babaeng naglalakad.


"Gosh! Girl, ayusin mo naman ang walk mo!! Para ka lang lasing dyan a!Nakakahiya ka! Di mo na eemphasize yung design!Godness Gracious!" litanya nya. Kinuha nya ang phone nya at alam kong mag tu-tweet sya ng kung ano anong pambabash dun sa model.


"Para namang narinig ka nya." sabi ko at kinuha rin ang cellphone ko. Nagbukas ako ng twitter at tama nga ako dahil nakita ko ang pang-lalait nya.


TRINA G. AGUILON @iamgorgeousTrina: MY GRACIOUS!! Girl, @ZoeSamantha you walked like a zombie! YKW? your walk called #WalkingDead


'Yon lang ang nabasa ko at nagexit sa app na yun. Napaikot ko nalang mata ko.

"Tumigil ka nga Trina.Mapaaway ka pa."


"Di nya deserve lumabas bilang last model. Kung nandyan ako, papaltan ko sya!"


"Sigurado ka? I mean sure ka na ikaw ipapalit sakanya? E matagal ng modelo yan. And Trina, di ka raw pasado sa height standard nila. Hahaha." Sama ko bang kaibigan? Ganyan kami magmahal nan.


Napatigil ako sa paghalakhak dahil pinasakan nya ng cup cake ang bibig ko.


"Argh!! Ang sakit sa dibdib n'on a!Muntik na.... Argh!!!!" sinuntok suntok ko pa ang dibdib ko


"Pag ako naging model! 'Who you?' ka talaga sakin!"


Nawala lang ang pagbabalik-alaala ko n'on pinagbuksan na ako ng pinto ni Kuya Oscar.

Ngumiti ako sakanya at nagpasalamat. Napakabait talaga ni Kuya.

At ang alam ko ay mahigit na sampung taon na syang nagtatrabaho at pinagkakatiwalaan ng pamilya nila Trina. May pagkakataon pa nga kinukuntyaba siya ni Trina para mahiram ang kotse nila upang makagala. Syempre, partner in crime naman ako. At wala naman syang kaya kinukunsinte rin kami kaso bago nya kami payagan ay mantak ng dami ang bilin nya.

Ang tantya ko ay nasa mid-forty na sya. At pamilyadong tao.


"Lona, gotta go na ako! Text nalang kita mamaya para sabay tayong mag-lunch! Bye!" nagpaalam na rin ako sakanya.


Magkaiba kami ng daan papuntang sa kanya kanyang building kaya ito mag-isa kong binabaybay ang corridor.

Nasa may cross intesection na ako nang tumunog ang bell hudyat na time na. Kailangan ko nang magmadali. Masungit pa namang ang teacher ko pagdating sa 'Time Management' kuno. Kaya kailangan ko na talagang bilisan ang paglalakad. May dalawang daan papunta sa room ko. 'Yong una dito sa kaliwa ng intersection, malapit nga ngunit ang madadaan mo ay abandunadong rooms na bihirang daan dahil sa balibalitang may white lady daw na nakita. Sa pangalawang daan naman, liliko ka sa kanan ng intersection, medyo malayo-layo sa room ko. Madadaan ko pa ang Mini canteen at Clinic. At dun talaga madalas dumaan ang mga estudyante.

Ngunit sa kaso ko na 5 minutes late, di ko na ata kakayanin na dumaan pakanan. Kaya, napagpasyahan kong dito nalang sa kaliwa dumaan. Isinantabi ko na ang takot at tinahak ang daan. Mahigpit kong hinawakan ang strap ng shoulder bag ko.


Three Men With One SurnameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon