Chapter 1.2

437 16 6
                                    

"Jusme Allona! Kanina pa ako kumakatok sa pintuan ng kwarto mo. A-akala ko kung na paano ka kaya pumasok na ako" bumungad sakin ang nag-aalalang mukha ni Mama. "Kanina pa din dumating si Trina. Nag-iintay narin sya sayo sa baba"

Naku, hindi ko namalayan ang oras dahil napasarap akong nagbabad sa tubig. Ganun talaga no.. dahil sa nag-eenjoy ka, nakakalimutan mo na tuloy ang ibang bagay na dapat mong gawin na mas mahalaga pa kaysa dun.

"Sige po Ma. Wag kang mag-alala. Buo pa ako o. " minuwestra ko pa.

"At pakisabi po kay Trina na mabilis lang to at baba narin po ako. " ngumiti ako sakanya. Assurance na wala namang masamang nangyari sa akin. Medyo nagiging paranoid lang si Mama itong mga nakaraang araw. Hindi lang pala sya pati rin si Kuya kasi napapadalas din ang pagtawag niya. Medyo weird talaga sila pag pasukan na. Alam mo yun.

Sa totoo nan, 20 na ako pero turing parin nila sakin bata. Gagraduate na nga ako at lahat ganun parin sila. Pero siyempre lagi kong pinapaalala sa kanila na I'm matured enough to stand on my own na hindi na dapat sila mag-alala. Si Kuya pa nga ang nagturo sakin. Pero naiintindihan ko naman sila. Nature lang talaga ng magulang at kapatid na lalake yun.

Naglakad ako malapit sa kama at kinuha ang mga undergarments ko. Bago ako maligo inihahanda ko muna ang mga damit na susuotin ko para mabilis at di na kailangang maghanap pa.

Di ko na namalayang lumabas na pala si Mama. Nagmadali naman akong mag-asikaso sa sarili ko. Nakakahiya naman kay Trina na pag-intayin ko pa sya. Ako na nga tong makikisabay. Haist! Kasalanan to ng tubig e! Di pa naman sya sanay na naghihintay.

Simpleng fitted blue shirt ang suot ko. May nakasulat ito na malaking 'E.U' na puti at dilaw na lining. Nakatupi ng isa ang laylay ng black jeans ko. Tinernuhan ko pa ito ng black-white Vans star na sapatos. Civilian lang pag-college at walang prescribe na uniform kaya kahit anong isuot ay okay lang. Primary to secondary lang ang meron. Kaya sigurado ako mamaya na mala-Paris ang university dahil sa pagtatalbugan ng mga pambato nila for their hashtag outfit of the day. Kinasanayan ko rin naman yan dahil kay Trina.

Papalabas na ako sa pinto nang marinig ko si Ate Sophia sa kabilang kwarto na may kausap. Magkatabi lang kami ng kwarto. Minsan nga sa isang kama lang kami natutulog. Napapasarap kasi kami ng kwentuhan nang kung anu ano. Para talaga kaming magkapatid kung magturingan. Nasasabihan ko sya pag may problema ako at nabibigyan nya ako ng advise. Kaya siguro mahal na mahal sya ni Kuya Alvin, sobrang bait na at sobrang ganda pa. Mas maputi sya kaysa sakin at mas mahaba ang buhok. Siya rin pala yung babae na nakapagpahinahon kay Kuya noon.


" Sira ka talaga Alvin! Kung malapit ka lang sakin nasabunutan na kita ng todo!"


" hahahaha! Uy, namimiss nya ang paghawak sa buhok ko! Wag kang mag-alala the feeling is mutual din daw sabi ni Parekoy hahahaha"


" Alvinnnnnn!!!!!!!!!"


" Grabe Babe ang lakas mo nang tumili! Mas lalo ka tuloy namiss ni Pare ---"


" Ate Sophia!May gwapong naghahanap sayo sa labas!" sigaw ko sa tapat ng pintuan nya. It's pay back time for Ate Sophia.


Binuksan ko ang pintuan nya. "Bye muna Alvin. May naghahanap kasi sakin sa labas e. Gwapo daw!" lumapit ako kay Ate at nakita ang galit na ekspresyon ni Kuya. Naka-skype pala sila. Alam talaga ni Ate Sophia kung kailan makikisakay sakin para mapagselos si Kuya.


"Ate, gusto atang manligaw sayo! May dala kasing mga bulaklak!" panggagatong ko.


"Sige Alvin baba--. pinutol ni kuya ang sasabihin ni Ate. "Isa Sophia! wag na wag kang lalabas sa pintuan na yan! Kung hindi, manununtok na ako ng Arabo dito para makauwi na ako agad dyan!." Di ko mapigilang di mapangiti ganun din si Ate. Ang panget kasi ni Kuya pag nagagalit. Selos na selos talaga siya.



"Kaya mo ba? ha?"pang-aasar ni Ate.


"Oo! Ito tignan nyo ." kumuha siya ng White t-shirt at sinuot ito. Ano naman ang pakulo nya?


Biglan nalang nyang sinuntok ang tiyan nya. Baliw ba si Kuya? Nag-aadik?? Haist!! "Ano naman yang ginagawa mo? " nakakunot noong tanong ni Ate.


"Edi nanununtok ng Arabo! Ito o! " Sinuntok pa nya ang print sa t-shirt nya. Pano ba naman, ang nakaprint dun ay mukha ng isang Arabo. Sira talaga!


"Hay naku Ate! Bakit ka kasi nag-asawa ng isang Korny. Tara na nga sa baba at nag-iintay si Mr. manliligaw!" nginisian ko si Kuya sa camera. Tumawa naman si Ate.


Nagpaalam na ako sakanila na papasok na ako. Naglalambingan lang naman ang dalawang yun. Miss na miss lang talaga nila ang isa't isa.


Pagkababa ko nakita ko si Trina na seating pretty sa sofa namin, habang umiinom ng paborito nyang kape na gawa ni Mama. Nasa kaliwang kamay naman nya ang mamahaling Ipad nya. Napataas ang kilay nya. May kung ano siguro syang nakita o nabasa.


" Anong meron? " tanong ko pagkalapit ko.


"O-M-G! Sis! take a look at this!" pinatingin nya sakin ang isang shared post na may halos dalawang milyon na likes at half a million na shares. Ano naman kasing meron kung nag- champion si Zyrus sa MMA Fight nya?Big deal ba yun? ikauunlad ba yun ng Pilipinas? Hindi ko naman sila kilala at wala akong balak na kilalanin sila! Napa-ikot ko nalang ang mata ko.


"And so? Anong gagawin ko? " matabang na sabi ko.


"Alam mo, napaka mo! Hindi mo ba alam na sikat yan! - NM na nga lang! "


"Sinong NM? "


"Gaga! Nevermind yun! Tara na nga at magpaalam kay Tita!"


Three Men With One SurnameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon