Sa unang pagtapak ng paa nya
Nginig ng tuhod ay dama kona
Sa bawat titig ng malamig
nyang mata
Bumabaon sa buto ko at nasasabing eto na
Mahirap mang isipin pero
Eto na nga
Nandyan na sya
Oo nandyan na sya
At ayaw ko ng mawala pa
Di ko masukat isipin pero katawatawa dahil nais kong gawin
Naminsan kong pinangarap ngayon ay nasa harap kona
Oo minsan kong pinangarap magkaroon ng ama
At salamat sa kanya ito'y natupad na
Di na mawala ang ngiti sa labi
Dahil sa wakas natagpuan kona
Matagal nagtiis
Matagal pinangarap
Pero akalain mo sa isang iglap charan
Heto na sya
Heto na sya ang guro kong ama na
Ama na sa limamput tatlong bata
Na sa unang pag tapak ng paa nya
Nginig ang dama
Ngunit bakit naglaho yon
At pinalit ang hagulgol dahil sa saya
Na ang noo'y malamig na titig ay nagliliyab na ngayon sa saya
Diko sukat akalain na
Magiging masaya ako sa piling nya
Dahil una akala ko katulad sya ng iba
Ngunit mali ako
Dahil iba sya
Iba sya at nag iisa
Sya ang nag iisa naming ama
Nagpapasalamat kami sa kanya
Dahil wala kami ngayon dito kung di namin sya kasama
Hindi ko mararamdaman ang ganitong saya
Kung wala sya dito at kapiling ay iba
Kung aking iisipin malaki ang naging tulong nya sa amin
At kung aking susumahin malaki ang naging ambag nya sa buhay namin
Sabi nga diba matutong lumingon sa pinanggalingan
Kaya ama asahan mo di ka namin makakalimutan
Nakakalungkot lang isipin
Na ikaw ay mawawalay na sa amin
Sa kadahilanang tapos na ang paglalakbay namin sa lugar kung saan ka namin nakapiling
Pero kung aming nanaisin pwede at pepwede kaming bumalik kung saan kami nanggaling
Dahil babalik kami
Oo
Babalik kami
Dahil parte kana ng pagkatao namin
Nakakakungkot isipin na kahit sa huling pagkakataon
Nanginginig parin kami
Nanginginig sa pag iyak dahil ang pagtapak mo noon
Ay dina paloob kundi palabas na
Palabas ng silid aralan
Dahil nga may forever
Forever na walang mag iistay
At Forever na paulit ulit magbabago ang lahat
Pero sa aming pag alis baon namin ang lahat ng alaala
Alaala na kasama ka at ang buo nating pamilya
Pamilya na merong asaran , pikunan, awayan,tampuhan na makikita mo sa loob ng tahanan
Pero bago ko tapusin ang kadramahang to
Nais ko lamang malaman mo
Naging mabuti kang ama samin
Nabigyan mo kami ng mga aral na aming babaunin
Binuhay ang pagkakaroon ng respeto
minahal at dinisiplina ng buong puso
Gaya ng isang tunay na ama
Kaya salamat DADDY sa walang sawang pag mamahal mo sa aamin
Nawa'y alagaan ka ng susunod na mga anak mo at maging sila ay gawin kang inspirasyon
Gaya ng ginagawa ko ngayon
Eto na last na tlga to
Salamat dahil dumating ka sa buhay namin,
Sa buhay ko
Dahil naging isa ka sa inspirasyon ko na babaunin araw araw
Para magpatuloy sa buhay
at maging maganda ang hinaharap at babalik sayo ng may ipagmamalaki
At para sa pagtatapos ay may
huling salita
💚SALAMAT💚EMERALD '17-'18💚💯
OK NILAGAY KO NA RIN TO DITO 😂😘
BINABASA MO ANG
Random Thoughts
RandomHighest Rank #12- Nanay So ayun na nga 😂 wala talagang kwenta magbubuhos lang ng saloobin at katulad ng nababasa nyong title dyan random so iba iba hahaha😂 isang gawang walang patutunguhan 😂 Cover photo:https://www.google.com/amp/s/facilityexecut...