BABAE

7 1 0
                                    


Babaeng nagluwal sakin sa mundong ito. Babaeng nagpakahirap para buhayin ako. Babaeng ginawa ang lahat para mapabuti ako at ito ang babaeng mamahalin ko hanggang sa dulo ng buhay ko .

Hindi ko makita ang sarili ko kung wala ang taong ito. Hindi ko yata kakayaning mabuhay kung wala sya sa tabi ko dahil sya ang gumising sakin sa katotohanan na nandito tayo sa magulong mundo at kailangan mong lumaban at makipagsapalaran. Kailangan mong magsumikap para makuha ang gusto't nais mo. Lakas ng loob ang puhunan sa bawat bakbakan dahil di daw pede ang hiya hiya sapagkat wala kang mapapala.

Wala daw taong perpekto sa mundo pero bakit parang perpekto ang isang to.
Sa lahat yata ng propesyon ay pasok to kung di lang sa magulong sistema ng mundo.  Siya ang unang naging guro ko na hanger lang ang katapat ng pagkatuto ko. Unang naging doktor sapagkat siya ang gumamot sa dumudugo kong tuhod at marami pang una na sya lang ang makagagawa dahil nga da bes to.

Siya ang babaeng inspirasyon ko, ang taong nagbibigay lakas sakin para magpatuloy sa buhay. Siya ang taong gusto kong bigyan ng magandang kinabukasan sa paraan ng pagsisikap kahit ano pang hirap. Ito nga palang tinutukoy kong babae saking buhay ay ang NANAY ko. Nanay ko na gagawin lahat mapabuti lang ang kalagayan mo at maging maayos ang buhay mo. Hindi sya tulad ng iba na iiwan ka at papabayaan dahil sa kanya iingatan kanya at poprotektahan. Siya yung babaeng kayang harapin ang lahat basta alam nyang siya ay nasa tama. Siya ang babaeng mahal na mahal ko higit pa sa buhay ko, siya ang nanay ko .

Tapusin natin to sa paalalang pahalagahan mo hanggat nandyan pa, ingatan mo hanggat meron pa at mahalin mo ng sobra sobra para di ka magsisi pag wala na .


Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon