Halaga

25 1 0
                                    

Kailan niyo ba makikita ang aking halaga?,
Kailan ko ba mararamdaman na ako'y may halaga?,
Kailan niyo ba makikita ang aking mga ginagawa?,.
Upang masabi niyo na ako ay may halaga..

Alam kong hindi ako marespeto,
At puro kalokohan lang ang ginagawa ko,
Pero sa loob loob nito,
Ako'y may mabuting puso.

Puro mali ko lang kasi ang inyong nakikita,
Pero ang mga tama ko ay lagi ninyong binabalewala,
Kaya para sa inyo wala akong halaga,
Dahil puro katangahan lang ang aking ginagawa..

Alam kong hindi ako perpekto,
Pero may isang salita ako,
Na handa akong mag bago,
Para naman tama ko ang mapansin niyo.

Pasaway yan ang lagi niyong sinasabi,
Pero ito'y aking sinasantabi,
Dahil alam kong gumagawa ako ng mabuti,
Na hindi niyo lang napapansin.

Mga salita na inyong binabato,
Sa akin ay nakakasakit ng totoo,
Ang hirap ng itago,
Kaya ang mga luha ko'y hinahayaan na lang tumulo.

Lagi niyo na lang ako ikinukumpara,
Sa mga taong inyong nakikita,
Sinasabi niyo na tumulad ako sa kanila,
Dahil sila ay may nagagawa.

Anbabasa p kasi sa inyo,
Sila lang ang pinupuri niyo,
Hindi niyo napapansin ang ginagawa ko,
Dahil ang atensiyon niyo ay nasa ibang tao.

Walang kwenta,
Labindalawang letra na may dalawang salita,
Na sa bibig niyo nagmumula,
Na sa akin ay nakakasakit ng sobra sobra.

Bigyan niyo lang ako ng halaga,
Dahil dito ako ay matutuwa,
Halaga upang aking madama,
Ang inyong pagmamahal sa akin ng sobra-sobra.

~End~

Author: Salamat po sa pag babasa ng mga tula. Please vote po tsaka please like my facebook page Ms. Little's Poetry nag post din po ako ng mga tula dun para pag hindi niyo mabasa sa wattpad meron naman po sa fb. Salamat po ng marami.

Ms. Little's PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon