Mahal kita dito sa mundong mapanghusga

3 0 0
                                    

Ang dami kong naririnig sa iba,
Mga masasakit na salita,
Tinatanong at sinasabi na,
"Madami namang iba diyan, bakit siya pa?",

Hindi ako nagpadala,
Kasi alam ko sa sarili ko na tanggap kita,
At hindi naman basihan ang kasarian,
Sa dalawang taong nagmamahalan.

Mahal kita kahit ganyan ka,
Mahal kita kahit minsan o madalas busy ka,
Mahal kita kahit minsan na lang tayo mag kausap na dalawa,
At lalong mahal kita kahit malayo ka.

Mahal kita dito sa mundong mapanghusga,
Bawat mata naka subaybay sa galaw nating dalawa,
At sa bawat galaw sila ay may nasasabi na hindi maganda,
Pero dedma lang mahal naman kita.

"Proud" limang letra,
Limang letra isang salita,
Yan yung lagi kong sinasabi sa kanila,
Proud ako sayo kahit na ganyan ka.

Laban lang dito sa mundong mapanghusga,
Harapin natin ng mag kasama,
Mga sasabihin nila na hindi naman totoo,
Kasi ang importante satin ay yung TAYO.

Wag mo kong iwan katulad ng ginawa nila,
Kasi ako handa kang ipag laban dito sa mundong mapanghusga,
Handa akong ipagtanggol ka,
Kaya wag mo sana akong iwan tulad ng ginawa nila.

Mundong mapanghusga,
Sana hindi maging hadlang sating dalawa.

Author: Sorry po sa matagal na update. Sana po nagustuhan niyo😊
Para po yan sa mga taong nag mamahal lang naman pero hinuhusgahan ng iba

Ms. Little's PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon