Hindi ko inaasahan na ika'y makikilala,
Hindi ko inaasahan na ako'y iyong mapapasaya,
Hindi ko inaasahan na araw-araw kitang makakasama,
At lalong hindi ko inaasahan na matatapos na lang tayo bigla.Pangako sa isa't isa,
Nawalan na ng halaga,
Ikaw ang sumira,
Sa binigay kong tiwala.Sabi mo ako lang ang mahal mo,
Pero bakit may kapalit na agad ako?,
Hindi ko matanggap na wala ng tayo,
Ay mali hindi naman naging tayo.Landi lang pala,
Akala ko totoo na,
Pero hindi pala,
Manloloko ka rin pala.Sabi mo wag natin pansinin ang sinasabi nila,
Kaya hindi tayo nag padala,
Dahil nga mahal natin ang isa't isa,
Pero bakit sumuko ka na?.Pinagtagpo pero hindi tinadhana,
Bakit kailangan pang pagtagpuin kung hindi naman pala para sa isa't isa?,
Bakit natin na sabi na tayo ang tinadhana?,
Kung yung pag ibig mo sakin bigla na lang nawala.Siguro kaya tayo pinagtagpo,
Para tayo ay matuto,
At para makapag handa,
Sa mga dadating pang iba.Pinagtagpo lang tayo,
Kaya sa pag tatagpong ito,
Napasaya mo ako,
Kaya sana na pasaya din kita sa malilit na bagay na pinaramdam ko sayo.Wag kang mag aalala,
Dahil minahal naman kita,
Nag papasalamat ako sa memorya,
Na ating binuo na mag kasama.Paalam na,
Pinagtagpo lang tayo pero hindi tinadhana,
Pinagtagpo lang tayo para makakilala pa ng iba,
Pinagtagpo pero hindi tinadhana.~End~
Author: Thank you po sa pagbabasa. Sana po nakakatulong ako sa inyong mga nararamdaman
BINABASA MO ANG
Ms. Little's Poetry
PoesiaAng mga tulang ito ay naka ayon sa kaganapan sa buhay ng tao. Mga tulang mag papaiyak at tatama sa puso mo. Ordinaryong tula pero may mahahalagang mensahe sa inyo. Iba't ibang tula na aking ginawa,Sa inyo ay handang ipabasa,At handang ipahiwatig kun...