Simula pa nung una,
Ikaw lang talaga,
Hindi na ako nag hanap ng iba,
Dahil mahal na kita.Pero nung nalaman ko na may mahal kang iba,
Sobra-sobra lahat ng sakit na aking nadama,
Hindi pa ba sapat lahat ng binibigay kong saya?,
Para maging dahilan upang mag hanap ka ng iba?,Ako ang lagi mong nilalapitan,
Sa mga problema lagi mong nasasandalan,
Lagi kitang pinapakinggan,
Sa mga drama na iyong nararanasan.Bakit siya pa?,
May kulang pa ba?,
Hindi ka ba masaya?,
Kapag ako ang iyong kasama?.Nalaman mo na may gusto ako sayo,
Kaya ako'y tinulak mo palayo,
Mga masasakit na salita galing sayo,
Tinanggap ko ng buong-buo.Ilang beses kitang nakita,
Pero ako'y iyong dinedma,
Hinayaan kita,
Kasi mahal kita ng sobra-sobra.Pinapalaya na kita,
Dahil wala akong laban sa kaniya,
Mahal mo siya at panakip butas mo lang ako,
Mahal mo siya at balewala lang ako sayo.Mahal sana masaya ka sa kaniya,
Sana yung pangarap mo matupad niyong dalawa,
Alam ko na mahal mo talaga siya,
Kaya pinapalaya na kita.Nag mamahal ako,
Sa taong hindi ako ang gusto,
Nag papakatanga ako,
Sa lalaki na lagi akong niloloko.Mahal ikaw lang talaga,
Pero alam kong masaya ka sa kaniya,
Kaya ako'y iyong kinalimutan na,
Pero sana wag mong kalimutan na pinasaya rin kita.~End~
Author: Salamat po sa pag babasa😊 sana po naka katulong ang aking mga tula sa iyong mga nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Ms. Little's Poetry
PoezjaAng mga tulang ito ay naka ayon sa kaganapan sa buhay ng tao. Mga tulang mag papaiyak at tatama sa puso mo. Ordinaryong tula pero may mahahalagang mensahe sa inyo. Iba't ibang tula na aking ginawa,Sa inyo ay handang ipabasa,At handang ipahiwatig kun...