6:00 pm na pala .. Bakit kaya wala pa si Rhyley ?! *Yawn* Amboring naman dito sa bahay -.- ... wala kasi akong kasama wala rin kasi si ate eysi siguro may date na naman yun !!
*BEEP BEEP*
huh? Sino naman kaya yun ? Sumilip ako sa bintana para silipin kung sino yung bumusina sa harap ng bahay .. HALA!! nakalimutan ko may lakad nga pala kami ni Tobby ngayon!! Paktay !! .. Lumabas ako ng bahay para salubungin sya ..
"Oh !! Calum bat hindi ka pa bihis? " tanong sakin ni Tobby
"Ah.. Ano kasi ... Nakalimutan ko " >/////////////< Pakshet nakakahiya WAHHHHH !!!
"hahaha okay lang pede naman kitang intayin dito sa labas :)" sabi nya sakin na may kasamang ngiti .
Pumasok ako ng bahay at mabilisang nagayos... lalabas na sana ako para pumunta na sa kotse ni Tobby ng makita ko na may Kausap sya sa phone nya .. Sino kaya yun ? Mukang seryoso yung usapan nila ah .. lumabas na ko para sana Magpakita sa kanya kaso lang hindi ko sinsadya na marinig yung sinabi nya dun sa kausap nya sa Phone . " Kayo ng bahala sa Grupo na yan .. Madali lang yan ... May lakad ako kaya hindi ako makakasali .. Sige " Ayan yung narinig kong sinabi nya dun sa kausap nya .. Humarap naman sya sakin at pinagbuksan nya ako ng pinto ..
"ano yung grupo na sinasabi mo kanina? " pagoopen ko ng topic . napakatahimik kasi nya eh ..
" Ah iyon, wala yun .. " sagot nman nya sakin ..
" San ba tayo pupunta ?" Tanong ko sa kanya ... kasi naman basta ako sumama ng hindi ko man lang inaalam akung san ako dadalin nitong lalaki na to .
"kakain tay--... Gago yun ahh .. " Bulalas nya .. pano ba naman may dalawang motor ang sumingit sa gilid ng sasakyan nya ... muntik pa syang mawalan ng kontrol sa manibela .. Teka parang kilala ko yung mga motor na yun ah !! parang nakita ko na yun sa School... Bigla naman nag U-turn si Tobby kaya nagtaka ako .. ang hindi ko pa inaasahan sinundan nya yung dalawang motor..
"Bakit natin sila sinusundan? " Tanong ko
"Di mo pa napapansin ? Motor ni Cllint yung nasa unahan nung isang motor.." Seryosong sagot nya .. oo nga noh ? Bakit hindi ko naisip yun ? Tumigil kami sa The Fort .. nakita ko rin na tumigil yung dalawang motor ..nung hinubad nila yung helmet nila nanlaki ang mata ko nung makita ko si Clint at si..... Si Rhyley ?!!! bakit sila mag kasama ? Nagkarera ba sila ?
"Yun yung bestfriend mo diba?!" Nagtatakang tanong ni Tobby sakin ..
"O-oo .. Bakit sila mag kasama ?" - ako
" tara puntahan natin ..." - sya
Nang makapunta kami sa harap nilang dalawa nagulat si Rhyley at si Clint.
"Tol Anung ginagawa nyo dito ? wag mong sabihin na kumarera ka ng hindi ako kasali ?" - Tobby
tumingin naman ako kay bessy na nakatungo na nman ...
"Bessy !! Kumarera ka na nmn ?" - Ako
"Parang ..... Ikaw nga !!! ikaw nga yung nakalaban ni Cllint nung huli naming karera !!! HAHA bakit hindi ko napansin yun !! Diba si Clint pa yung nanalo nun ? Grabe .. Iba kasi yung itsura mo pag naka-uniform ka .. muka kang mahinhin ... " - Tobby
Hindi naman tumingala si bessy habang kinakausap sya ni Tobby .. ano ba talagang problema nito kay Tobby ? Nahihiya ba sya ?
"Tss... Bakit mo ba kami sinundan dito ?.." - inis na sabi ni Clint kay Tobby
"Bakit pare ? Wag mong sabihing Naii-nlove ka na jan sa Gangster na yan ?!" Pangaasar naman ni tobby kay Clint na dahilan para mapaangat ang ulo ni Rhyley ...
"Umuwi na tayo Calum .." pagaaya ni Bessy ..
"Jan sya sasakay sa Motor mo ? pssabayin mo na lang sya kay Tobby para sure ak-- este tayo pala na safe sy--- kayo !!" - Clint .. teka concern ba sya ? WAHHHHHHHHHHHHH >//////< nikikilig ako ng bongga ....
"Ayos lang kami .." - Bessy
"Hindi , Tama si Clint . Isasabay ko na lang si Calum pauwi para naman safe sya .. Mukang sanay na ka na nmn sa mga aksidente eh " -Tobby , sabay tawa .. loko talaga to! Napatingin naman si bessy sa malayo pagkatapos sabihin ni Tobby yun ! Napaka Rude naman kasi ...
"Ano ... Nagbibiro lang si Tobby .. Diba Tobby ?!" - Sabi ko na lang para naman hindi madown si Bessy .
"Oo naman .. joke lang yun .. Syempre yung mga taong mahalaga sayo mahalaga na din sakin ^_^" - Tobby ... Anu bang sinasabi nito ?
"bahala ka ..." - Rhyley , Sinuot na nya uli yung Helmet nya at pinaharurot palayo yung motor nya .. HIndi man lang nagpaalam sakin *pout*
"Una na rin ako Dude !! Ingatan mo sy--- Ingat pala kayo ! " - Clint ..
"Sige pare Ingat " - Tobby sabay tapik sa balikat ni Clint.. Pinaandar na ni Clint yung motor nya palayo samin .. Bigla naman Bumulong si Tobby habang nakatingala at nakapamulsa.. "Mukang alam ko na kung sinong magiging Karibal ko " - Sya
"Huh ? " Magtatakang Tanong ko ...
"wala... Umuwi na tayo Gabi na rin .. next time na lang tayo mag dinner Together .." - pagyayaya nya sakin habang lumalakad na pabalik sa kotse nya ... Sumunod ako sa kanya pero Lumingon ulit ako para tingnan yung Dinaan nila Clint kanina ... sabay hinga ng malalim ... ano ka yang problema ni bessy ? malalaman ko din yan pag - Uwi ... Napansin ko naman na parang may nakatigil na motor sa malayo .. hindi ko lang maaninag ng maayos kasi medyo madilim na banda dun ... sino kaya yun ? bigla naman nyang pinaandar yung motor .. HALA Sino kaya yun ? Si bessy kaya yun o Si Clint ? ..Imposeble yun ... Nakakaalis na sila eh ... baka nagkataon lang na may nakaparadang ring motor dun ...
![](https://img.wattpad.com/cover/18691518-288-k287092.jpg)