( 3rd person's POV )
Hindi mapigilang kiligin ni Calum habang nakaangkas sa motor ni Clint . Hindi nya inakala na dadating sila sa ganitong sitwasyon , akala nya noon ay hindi mangyayari sa kanya ito , akala hanggang pangarap na lang ang lahat .
" baba na " - walang ganang saad ni Clint . Saka lang bumalik sa katotohana si Calum ng magsalita si Clint .
" Ay oo nga hehehe " - Calum , nagpalinga linga sya at napakunot noo na lamang sya ng mapansin nasa isang park sila .
" ahh ... Clint , uhm ... anung ginagawa na--- "
"Be my date " pagputol ni Clint sa sasabihin ni Calum .
"Ha ?" Laking pagtataka ni Calum kung .
" are you deaf ? I ask you to be my date !! " singhal sa kanya ni Clint
Napa-gasp na lang sya sa narinig .
" uhh-- Aba !! Ikaw na nga lang tong humihingi ng pabor ikaw pa nakasigaw jan ? " pilit nyang ginagawang normal ang pagsasalita nya dahil deep inside kilig na kilig na sya , gusto na nyang tumili sa kilig kaso kelangan nyang maging normal baka masabihan pa syang feeler ni Clint .
" Fine !! Stay here ! I'll be back !! " sabay talikod ni Clint .
" tingnan mo tong taong to , kung saan ako dinala tas iiwan lang pala 'ko . " -bulong ni Calum sa sarili nya .
Ilang minuto din syanv nagantay sa pagbabalik ni Clint ng biglang may nagbato sa kanya ng tatlong red rose .
" ayyy Clint ko " - sa sobrang gulat niya ay kung anu ano nalamang ang lumabas sa bibig nya .
" what ,? " - natatawang saad ni Clint.
" uhh- huh ? " pagmamaang maangan ni Calum para maitago ang kahihiyan nya . " ano to Clint ? "
" kanina bingi ka ngaun naman nabulag ka na " pangaasar naman ni Clint .
" Ewan ko sau !! Oh ! Sayo na yang flowers mo ! Magaaya ka na lang ayaw pang ayusin !! " - Calum . Maglalakad na sana sya palayo ng magsalita mula si Clint .
" pag hindi ka pumayag , palalabasin ko na may gusto ka kay Toby , gusto mo ba un ? " -Clint
Nanlaki namam ang mata ni Calum sa sinabi ni Clint .
" o-oyy !! A-anung bang sinasabi mo jan ?! " ikaw kaya ang gusto ko , nais sana nyang iadadag kaso wala pa syang sapat na lakas ng loob .
" *smirk* ano ? Yes or no Calum . Yes or no " - Clint .
" a-ayoko nga !! " protesta ni Calum .
" Fine , madali akong kausap Calum " akmang tatalikod na sana si Clint ng tawagin syang muli ni Calum .
" S-sige na nga !! Wag ka lang gumawa ng istorya " pagkukunwaring napilitan ni Calum pero sa loob loob nya gustong gusto nyang maging kadate si Clint .
" Tss . Papayag ka rin naman pala dami pang arte ! " - Clint. Sa loob loob naman ni Clint ay natutuwa sya na napapayag nya si Calum na maging date nya . Aminado na sya sa sarili nya na gusto talaga nya si Calum at handang syang makipag agawan kahit sino pa ang kaagaw nya .
" lets go iuuwi na kita sa inyo , baka talakan na naman ako nung sadista mong kaibigan " pagaaya ni Clint .
" i-ihahatid mo ko ? " wala sa sariling tanong ni Calum .
" Psh , oo naman . Alangan naman pabayaan kitang umuwi , baka mamaya kung anu pang mangyari sau pumangit ka pa " saad ni Clint bago hilahin si Calum papunta sa motor nya .
Baka pumangit ? Ibig sabihin nagagandahan sakin si Clint ? Hihihi enebe . Naiihi na ko sa kilig . Tumigil ka na ...- Sabi ni Calum sa kanyang sarili habang nakatungo at nagpadala na lang sa paghila sa kanya ni Clint sa braso .
.
.
.
.
Sa kabilang banda
Lingid sa kaalaman mg dalawa ay may nagmamatyag pala sa kanila .
Walanghiya ka Clint hindi ko hahayaan na manalo ka ulit sa pagkakataong ito .--- saad ng lalaki sa sarili nya habang niyuyukom ang ang kanynag mga kamay .
Calum is mine , she's mine I'll fight for her even if I have to kill you .--- Dagdag pa nito atsaka lumakad palayo .
Hindi rin lingid sa sa kaalaman ng lalaking iyon na may nagmamatyag rin pala sa kanya . Kinuha nito ang telepono nya saka kumontak.
" hello bossing , nandito nga sya . Nandito nga si
TOBY " .